"Matutong makuntento sa kung anong meron ka" , 'yan ang motto ko sa buhay. Ako si Reyd King Madrigal, Kahit sinong makakita sa'kin, Ang katawan ko ang napapansin.
'Di dahil sa macho ako, Dahil sa katabaan ko. Well, Mahirap maging mataba. Laging inaasar, pinagtatawanan, kinukutsa at laging pinagtitinginan.
Kung sa eskwelahan, Ikaw ang ipapartner sa pinakamaganda/pinakagwapo sa room n'yo. Pero imbis na matuwa ka ehh, Mai'insulto dahil sa ayaw ka ng binabagay sa'yo.
Minsan pa nga'y tuwang-tuwa yung iba mong kaklase sa kakahampas sa mga taba mo, Lalo na sa braso.
Siguro nasanay nalang ako. Hmm, Kaya yung kalagayan ng puso ko sa pag-ibig , Parang nakatira sa mataas na building tapos hindi makababa. Hanggang tingin nalang, Hanggang pangarap.
Isa na 'kong ganap na Junior High bukas. Kakalipat ko lang ng school na pinapsukan, Dahil sa dami ng bully. Kaya wala akong permanenteng eskwelahan.
Ewan ko ba, Masama bang maging mataba. Bilbil ko lang naman at guhit sa leeg ang pinagkaiba ko sa kanila.
Pero, sa totoo lang ehh, Kahit papa'no ay may konting kaibigan ako. Sila lang yung mga tumanggap sa malusog na kalagayan ko.
Bukas, Bagong simula na naman . Hoping na may kaklase din akong tatanggap sa'kin. Sabi nga nila "TIWALA LANG !" .
Mapunta naman tayo sa pag-ibig, Marami nang nakapagpatibok ng puso ko, 'Di naman ako nagkaroon ng girlfriend, Pero sa edad kong 'to, Natuto na 'kong humanga.
Dahil sa kalagayan ko , Hindi na 'ko naniniwala sa "Love is Blind", Puwera nalang kung dumating yung babaeng makakapagpatunay ng "Love isn't blind, It sees, But it doesn't mind".
Ako na siguro ang pinakamasayang tao nun.
Boring ang buhay ko. Kahit saang aspeto tignan, Para bang sinumpa.
Kahit sa Facebook, Kung may magla'like man ng default picture ko ehh, May halo nang pang iinsulto.
Kaya ngayong Junior High, Sisimulan ko nang bawasan ang timbang ko.
To be honest , Every school year ko pinapangako sa sarili ko 'yun.
Pero ngayon, Sisikapin ko na talaga.
Buti nalang nga andyan ang mga supportive 'kong magulang ehh, Sinusuportahan nila 'ko sa kahit anong bagay, Only child kase.
Madami na 'kong nakwe'kwento about sa'kin, Pero next time na yung iba.
Sa dami ba naman kaseng nangyayari sa buhay ko araw-araw.
'Di n'yo siguro nararanasan ang pagbayad ng dalawang upuan sa Jeep. May kotse naman kame, Ngunit mas gusto kong mamuhay ng simple.
Kaya ayuuun kailangan ko ng extra allowance para sa fare at pagkain ko.
Hindi n'yo rin siguro nagawang sa facebook ehh, Puro mukha lang ang nasa picture.
Ngayon, Puro facebook nalang ang inaatupag ko. Chat'chat sa mga poser.
Like ng like ng pictures nila. Daig ko pa nga artista sa dami ng hater ehh.
Tandaan n'yo, Darating ang araw, Mamahalin n'yo din ako :)

BINABASA MO ANG
Perfect Paradise
RomanceLove ? A deep, tender, ineffable feeling of affection and solicitude toward a person, such as that arising from kinship, recognition of attractive qualities, or a sense of underlying oneness. A feeling of intense desire and attraction toward a perso...