Reyd's POV>>
3 weeks ago.
Ilang pounds na din nababawas ko sa tulong n'ya. Pero napapansin ko, Hindi na 'ko binubully, At higit sa lahat, Kinakausap na 'ko ng maayos ni Eldrige.
"XL, After ng Periodical Test. May magaganap na activities for Foundation Month. Magkakaroon ng mga School Activities. May naginvite na ba sa'yo na sumali sa mga club nila ? " Tanong n'ya. Okay na sana , Pero "XL" pa rin ang tawag n'ya sa'kin.
"Wala pa Eldrige ehh. Next next week pa naman 'yun diba ?" Sagot ko.
"Oo, Maghanda ka na." Sabay ngumiti s'ya.
Tignan mo nga naman , Kung sino pang unang nang asar at nanakot sa'kin, S'ya pa ang una 'kong makakausap sa mga boys kong kaklase.
Ano kayang nangyari dito bakit nagbago 'to. Pero teka, Namimiss ko na si Miss Rivera.
Kung 'di dahil sa kanya, 'Di parin ako makikinig sa Math.
2 araw na kase s'yang 'di pumapasok ehh.
Pero ayus lang, Andyan naman si Dessa ehh.
Nakakatuwa pala nuuh ?
'Yung tipong mahuli mo 'yung taong tinitignan mo na tumitingin din sa'yo.
Aba aba, Nagpi'feeling pogi na 'ko.
Well, Tatlong beses ko lang naman s'yang nahuling sumulyap sa'kin.
Worst yung last, Ehh nangungulangot pa 'ko.
Pero okay lang, Nung tumingin naman s'ya, Ngumiti ako ehh.
Sa tatlong linggong dumaan, Medyo naka'close ko na din sila Jasmine at Krisha :)
Masaya kase silang kasama, Kaso "Bob" naman ang tawag nila sa'kin.
'Pag ako pumayat, "Leo" naman tawag n'yo uh ? o naman kaya "Lars" HAHAHA. Feeler.
(3hours ago)
(KREEEEEEEENNNNGGGG KREEEEEEEEEEEENNNGG)
Ito na ang pinakahihintay kong sandali.
Ang Lunch Break. Dito lang kasi kami nakakapag usap nila Dessa ehh.
'Pag sa classroom, Sobrang busy nilang tatlo, Daig pa Genius. Pero hindi naman sila madamot pagdating sa quiz.
Kase napansin kong nasa 2nd row sila Krisha. Samantalang nasa 4th sila Eldrige ehh, Umaabot sa kanya ang sagot.
Anglufet, Nung Quiz ko nga lang din nalaman na magkaibigan pala sila ni Krisha ehh.
Yun na nga, May napansin na naman akong kakaiba ngayon. Si Eldrige, Hindi n'ya kasama ang mga sanggano.
At ! Sasabay s'yang kumain sa'min ngayon. Atleast, hindi na 'ko only boy diba ?
Tsaka napansin ko rin na nginingitian na ni Dessa si Eldrige.
Iba na nga ata talaga ngayon.
Nang makarating ng Canteen, Dati More food ako, Ngayon Overless na, Dinner nalang ako bumabawi minsan.
At napag usapan nga yung sa darating na Foundation Month :D
Inumpisahan ni Jasmine.
"Guyys, Lilipat na 'kong Acting Club, Para maiba naman, 2 years na 'ko dun sa Dance ehh . Kayo ?" Sabi ni Jasmine.
"Uyyy, Sama kame ni Dessa d'yan ! 'Di ka pwedeng humindi bebe ! Acting Club tayo BebeDessa uh?" Sabi ni Krisha sabay ngumiti :D
"Oo sigena, Wala na'kong magagawa ! Pinahahaba mo na naman 'yang nguso mo bebe ehh ! " Sabay tumawa, Then ngumiti, Yung ngiting nakakapagparotate ng mundo ko ng counterclock wise :')
"Ako swimming pa din siguro." Sabi ni Eldrige. Nagswi'swimming pala s'ya.
"Eh Ikaw ?" Sabay na tanong nila . Tumawa pa nga ehh.
"Ako, Baka magtry ng dancing club ?" May pag aalinlangan kong sinagot.
Natahimik na naman sila, Ganitong ganito yung reaksyon ni Mommy nung sinabi ko sa kanyang magda'diet na ko eh.
At ayun na nga, Gaya ng inaasahan, Tumawa sila, Nakitawa nalang din ako.
Napansin ko ding nakakatawa yung sinabi ko. Dahil sa taba 'kong 'to.
Parang pagkain lang ang talent . Well, I'll try my best.
At sa wakas nahinto ang tawanan. Nahihiya na tuloy ako . HAHAHA :))
Sana araw-araw na kaming ganito.
Ang sarap pala ng feeling na , May mga kaibigan kang classmate mo nuuh ?
Tapos wala pang bully sa mundo mo .
Hayyys, Tao na talaga ako.
Certified.
Tapos nag ring na naman yung Bell.
Nauna na yung tatlong girls papuntang classroom.
Nang palabas na 'kong Canteen. Tinawag ako ni Eldrige.
"XL !"
"Bakit ?"
"Pwede bang simula ngayon magkaibigan na tayo ?"
"Bakit hindi ? Mas gusto ko nga 'yun ehh. So Friends ?" Inalok ko s'ya ng hand shake . Tinanggap naman n'ya ito. Mabait naman pala si Eldrige, Parang gusto ko tuloy malaman kung bakit ganun s'ya.
At ayuuun, Pumasok na kami ng classroom.
[a/n : Readers ! 'Wag kayong maboring uh ? Sadyang inuunti-unti ko lang, Pero sa mga susunod na Chapter, Asahan n'yong andun na yung pinakabest ko :) Thanks For Reading -HalfCrazy-]
BINABASA MO ANG
Perfect Paradise
RomanceLove ? A deep, tender, ineffable feeling of affection and solicitude toward a person, such as that arising from kinship, recognition of attractive qualities, or a sense of underlying oneness. A feeling of intense desire and attraction toward a perso...