Chapter 14 - Confused

80 1 1
                                    

Keenu's POV>>

Success !

Atleast nagparaya na  s'ya.

'Di na 'ko mahihirapan.

Sa tulong pa ni Pards, Mapapadali pa ang pangliligaw ko sa kanya.

Btw, I'm Keenu Rodriguez.

Bestfriend ako ni Reyd , Mula pagkabata pa lang.

Napaaga 'yung pag-uwi ko mula Canada.

Nalungkot din kase ako.

Nakapagisip-isip na rin ako after the heartbreak.

Kailangan ko nalang sigurong mag-effort ng sobra para mapasagot ko si Dessa.

Mahal ko na talaga kase s'ya eh.

Pero sana pagbigyan n'ya ako.

Nang ayain ko na si Reyd sa garden para kumain.

Kumuha na kame ng pagkain ni Reyd, Sabay pumunta na kame sa table kung sa'n andun sila Dessa.

"Pards, Ang ganda ni Dessa ngayon." Bulong ko kay Reyd.

Pero hindi s'ya sumagot. Mukang napakamakasarili ko.

Hindi ko rin naman masisisi yung puso ko.

Mukang wala sa mood si Reyd ngayon.

Pero simula ngayon gagawa na 'ko ng paraan, Para makabawi ako kay Reyd.

Ramdam ko namang may gusto s'ya kay Dessa ehh.

Ang tanga ko kase ehh, Dapat noon pa lang kinuwento ko na kay Reyd na si Dessa 'yung dahilan ng lahat.

Napakamakasarili ko talaga, 'Di ko man lang ginampanan pagiging bestfriend ko.

Edi sana hindi na s'ya nahihirapan ngayon.

Nakaupo na kame, 'Di ko pa din maiwasan mapasulyap kay Dessa.

"Keenu , Pa'no na yung study mo?" Sabi ni Jasmine ng nakangiti.

Mukang si Jasmine lang ang nag welcome sa'kin ng open arms dito.

"Ah, NorthEast pa din,nilakad na ng Mommy ni Reyd yung documents ko para makahabol pa." Then ngumiti ako pabalik.

"Ehh, Ano daw section mo ?" Sabi ni Krisha.

"3B, Dun nalang daw may free na tatlong slot ehh." Nginitian ko din si Krisha.

"Huhh ? Classmate ka namin pre ? Tsaka kailan start ng pasok mo?" Sabi ni Eldrige

"Oo pare,3B pa din kayo ? Mukang napako na kayo sa 3B uhh ? Start na daw ako by tomorrow ehh. :D" Sagot ko.

"Oo nga ehh." Buti ngumiti si Eldrige, Alam ko, Alam n'ya yung naganap dati ehh.

"Uy, Guys, Puntahan ko lang si Mommy uhh ? " Singit ni Reyd.Buti ngumiti na s'ya .

"Sige Pards, Dalian mo uh ? " Sabi ko .

Parang naninibago sila sa'kin, Hindi pa din ako kinakausap ni Dessa.

Kahit noon naman ehh.

'Di pa nga naman ako masanay.

Pero kaya kong tiisin 'to.

Ako na gagawa ng paraan, Para kausapin ako ni Dessa.

"Oo nga pala Dessa ! " Lumingon s'ya. "Kumusta na ? May boyfriend ka na ?" Pahabol ko.

"Oo, Bakit ?"

"Teka, Sino ? " Nangamba na 'ko. Pero pa'no ? Nagkatuluyan kaya sila nung crush n'ya dati.

"Well, 'Di pa ba nasabi sa'yo ni Reyd ?" 

Ano, Hindi ko maintindihan.

Alam ni Reyd na may boyfriend na si Dessa, But he let me do something for Dessa.

Parang naguguluhan na 'ko uhh.

Teka teka teka.

"Hindi ehh, Bakit sino ba ?" Tanong ko.

"Reyd and I were dating, Since last week. " Sabay nag smile s'ya.

Ano ?!?!?!?!!?!?

Si Reyd ?!

You gotta be kidding me.

Napansin ko ring napatingin silang lahat kay Dessa.

Pero pa'no ?

Samantalang kanina , Nagparaya na si Reyd diba ?

Si Dessa kaya 'yung tinutukoy ni Tita na future-daughter-in-law n'ya?

Pa'no na 'to ?

Mamaya, Tatanungin ko nalang si Reyd.

Sana binibiro lang ako ni Dessa.

'Di na 'ko nakasagot sa sinabi n'ya.

Biglang tumayo si Dessa .

"Mga kapatid, Puntahan ko lang si Reyd saglit uhh ?"

Pumayag naman kaming lahat.

Bakas sa mukha ko ang pagkabigla.

Pero nakangiti pa din ako para 'di nila mahalata .

Bestfriend ko.

S'ya na pala nag mamay-ari kay Dessa ngayon.

Gusto kong makasigurado.

"Jasmine, Sila ba talaga ?" Binulong ko kay Jasmine.

"Oo ata , Ngayon ko lang din nalaman pero, Medyo nahahalata ko na din." Sagot naman n'ya.

Mukhang totoo nga.

Isa nalang talaga, Maniniwala na 'ko.

'Pag tinanong ko na si Reyd.

Sana biro lang n'ya ito.

Kailangan 'kong makausap si Reyd.

Perfect ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon