Chapter 2 - First Day Of School

261 4 1
                                    

First Day of School ! Papasok pa lang ako sa NorthEast College. Bagong school,Bagong patakaran, Bagong Classmate, Basta bago lahat :)

Papasok pa lang ako ng school, Daig ko pa nasa hot seat. Andaming matang nakatingin. Kung nakyu'kyutan kayo sa'kin, Alam ko na yun :D

Well, Buti walang Flag Ceremony. I hate it, Sa bigat kong 'to, Papatayuin mo pa 'ko ng matagal.

Kaya dumiretso na 'ko sa building ng Juniors, I heard na block sections pala ang mga high school dito.

Ito pa ang isa 'kong kinaiinisan, Ang maghanap ng classroom. 3B ako, Section 2.

Hanggang sa makita ko yun pinto na may nakasulat na "3B -Welcome Juniors !- " sa gilid. May 5 na estudyante na.

Hindi lang pala ako yung maaga. Agaw-pansin 'yung isa. Mala'anghel. Lalo na nung ngumiti , Awwwwwwwwwww, Please don't take my heart away :))

Ito na ata ang love at first sight. "Hoyyy !!!!!!!!!!!! Hindi ka ba nahihiya sa laki mo, Dyan ka pa tumambay ?!" Ayus na sana.

'Di ko napansin na mga dumadaan pala. Napahinto ako saglit ehh. Sinigawan pa 'ko nung lalakeng medyo  may kahabaan yung buhok, Ta's may hikaw sa tenga.

Badboy ba datingan . Mukang classmate ko ata. Nang makapasok, Umupo agad ako sa sulok, As usual. Mga 15 minutes lumipas, Napuno na ang classsroom namin.

Yung tropa ni Badboy, Ehh, Mukang trip ako. 'Wag naman sana, Nakakasawa na kaya.

8:15 a.m. , May pumasok nang teacher. Maliit, Mapayat, Kulay Pilipino pero maganda.

"Okay class, I'm Miss Jonalyn Rivera, Your official Math Teacher and also your Class adviser. Be good to me, And I'll promise you'll pass".

Mukang mabait s'ya uhh. 

"May transferee, Back subject or Returnee ba dito sa section na 'to ?" Sabi n'ya.

Hindi muna ako nagtataas ng kamay, Pero nagulat ako nang pagtinginan ako ng halos buong klase. Naalala ko na naman, Block section ! Ako lang ang transferee :(

Ayuuun, Napilitang itaas ang aking kanang kamay. 

"Yes Mister ?" Sabi ni Miss Rivera.

"Transferee Ma'm." Sinagot ko agad.

"Well, Join me here in front and kindly introduce yourself." Sabay sinabi nya ng nakasmile .

Hindi ko alam ang gagawin ko. Bukod sa mga kinaiinisan ko , Ehh Ito naman ang pinakaayaw ko.

Dahil ayaw kong mabadvibes si Ma'm ehh, Pumunta ako sa harap, Habang naglalakad ako papuntang harap.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA, Kapit mga kapatid, Mahahati na sa bente ang mapa ng Pilipinas !" Agaw eksena naman ang sigaw ni Badboy. Syempre nagtawanan ang buong klase, Bukod sa tatlong babae sa harap.

HAHA, Funny. "Shut up Mister Santos, Or you'll visit our Principal, Again!" Saway ni Ma'm. Siguro noon pa man bully na talaga s'ya, Suki ng principal's office. Loser.

Then I reach the front. Lahat sila nakatingin, Yung iba tumatawa pa din.

Ako, Pawisan. Kabado eh. Dumaan ang ten seconds bago ako magsalita.

"Hello, Good Morning Everyone. I'm Reyd King Madrigal, A former Saint Louis student. Please be good to me."

Sabay isang mabilis na lakad pabalik sa upuan ko.

"So, Before tayo mag'start ng discussion, Ayusin ko muna ang seat plan n'yo alphabetically." Sabi ni Ma'm.

So Ayuuun , Dahil Letter M nagsimula ang surname ko, Napunta ako sa gitna. 

Nagulat ako, Nang makatabi ko si Ms. Montes. s'ya yung babaeng, Kanina ko pa napansing tahimik. Yung babaeng una 'kong nakita sa classroom. 'Yung babaeng tinutukoy ko na may mala'anghel na  mukha.

Ayus na sana, Kaso napwesto sa likod ko si Santos, Fvckeeedd, Yari ako nito.

But, Biglang nagsalita 'yun katabi ko. "Hi ! I'm Dessa Lin Montes, Kung may mga tanong ka about our school , Sasagutin ko ." Sabay ngiti n'ya, Dessa pala ang pangalan n'ya.

Hayyyyss, Don't smile please, I'm melting. "Ahh, Thanks. " 'Yan lang nasagot ko, First time kaseng may nag approach sa'kin ng ganun, Isang magandang babae pa.

Biruin mo Friendly pala s'ya.

Siguro may boyfriend na s'ya. "Hooooy! XL ! 'Wag mo ngang kausapin 'yang Dessa ko uhh !" Biglang sigaw nung nasa likod ko.

"Hoy mister Santos, Marunong ka naman atang rumespeto. Nandito pa 'ko sa harap n'yo!" Sabay sabi ni Miss Rivera. Napansin kong nag'belat si Dessa. My Heroine :)

Nakuuuu, Mukang Boyfriend ni Dessa si Badboy. Sabi ko na ehh, Sino ba namang hindi mai'inlove kay Dessa, Bukod sa natatangi n'yang kagandahan ehh, Mukang mabait at friendly pa.

"Sorry ma'm." Sabay sagot nalang ni Santos.

Biglang nagring yung Bell. Lunch time na ata.

Perfect ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon