Chapter 16 - Plan B

108 0 0
                                    

Reyd's POV>>

"Dessa, Ano nang plano ?" 

"Hindi ko din alam, Mukang nahuli na tayo nila Daddy."

"Hindi naman na natin matatangi 'yung nakita nila." Nahalata n'ya sigurong nangangamba na 'ko, At alam kong ganun na din s'ya. 

Pumunta na kame sa living room.

"Dess, Ano ? May Plan B ka na ba ?" Tanong ko, Alam 'kong kinakabahan na talaga s'ya. Sa tingin ko papagalitan s'ya ehh.

"Hmm, Napag-isip isip ko lang na , Panindigan na natin 'yung pagpapanggap. "

"Magsisinungaling tayo sa magulang natin ?!" Nagulat ako sa sinabi n'ya. Napalakas ko tuloy yung boses ko.

"Wala nang ibang paraan."

"Pa'no ikaw ? 'Di ka pa nagkakaboyfriend diba ? Are you up for this ? "

"Ano ka ba ? Magpapanggap nga lang tayo ehh. It means, Magkaibigan pa rin tayo, Walang magbabago."

"Well sige. Hanggang kailan kaya 'to ?"

"Kapag okay na siguro ang lahat."

Hindi na 'ko nakaimik.

Nangibabaw ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Kinakabahan na kame sa susunod na mangyayari.

Namamawis na kili-kili ko.

Mukang galit pa naman yung Mommy ko at Daddy n'ya.

Pero mas natatakot ako sa gagawin ng Daddy ni Dessa sa kanya.

Okay na sana.

Nakita ko na sila Mommy na pumasok ng bahay.

Umupo sa tabi ni Dessa si Mommy at Daddy.

Sa tabi ko naman umupo yung Daddy ni Dessa.

Bale magkaharap kase 'yung sofa ehh, Tapos isang maliit salamin na table lang yung pagitan.

Nagkatinginan na kame.

Alam naming galit yung mga magulang namin.

Pero.....

"BabyBoy, Ba't hindi mo naman agad sinabi ? " Nagpout yung Mommy ko na akala ko'y galit. "Dapat binalitaan mo 'ko, Nakakatampo ka naman ehh." Habol pa n'ya.

Medyo napangiti na 'ko.

Nang biglang..

"Kailan pa 'to ? " Medyo nakakatakot na tanong ng Daddy ni Dessa. Gaya ng inaasahan ko.

Akala ko ligtas na , Nasa tabi ko nga pala yung Daddy ni Dessa.

"Nung isang linggo lang po." Ako na sumagot dahil alam kong natatakot si Dessa.

Nanahimik yung Daddy ni Dessa. Feeling ko talaga galit na s'ya. Pero anumang maging desisyon n'ya.

Paninindigan na namin 'tong pagpapanggap.

"Mahal mo ba ang anak ko ? " Isang nakakatakot na tanong na naman ang binigay ng Daddy ni Dessa. Kailangan ko nang gamitin 'yung matalinhagang pangangatwiran ko. 

Yung Mommy at Daddy ko naman, Nagkakatinginan, Parang nagpipigil na lang sila ng tawa, Pero kailangan kong maging seryoso.

"Hmm Mr. Montes, Siguro po. Sa edad kong ito, Hindi kayo maniniwala kung sumagot ako ng oo. Pero Mr. Montes, Halos si Dessa po ang naging dahilan ng pagbabago ko. Mula nung umpisang nakita ko s'ya at nakilala, Alam kong s'ya na talaga ang gusto kong makasama. 'Di ko po kayang mawala pa s'ya sa'kin, Lahat ay aking hahamakin para sa'ming dalawa. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon