Chapter 15 - Right Plan/Wrong Move

121 1 0
                                    

( -- Chapter 15 -- )

Dessa's POV>>

Nauna na kame sa Garden mula sa bahay nila .

Nakita kong nalulungkot na naman si Jasmine.

Nagkatinginan kame.

Kailangan ko nang mag-isip ng magandang paraan, Para makalimutan na 'ko ni Keenu ng tuluyan .

Hmm, May naisip na 'ko......

Mukang kailangan ko na talagang gawin 'to.

Kailangan kong mapaniwala si Keenu na kame ni Reyd.

Maiintindihan naman siguro ako ni Reyd.

"Don't worry bebe, I have a perfect plan. :)"  Sabi ko kay Jasmine.

"Mga Bebe, Tulungan n'yo ko, Paniwalain naman natin si Keenu na kame ni Reyd. Wala na 'kong oras para magpaliwanag. Pero kailangan ko na talagang gawin 'to." Sabi ko sa kanilang tatlo.

Totoo nga naman, Kailangan ko na talagang gawin 'to.

Wala naman sigurong masama.

Ang tanong kung papayag si Reyd.

Pero sana talaga pumayag s'ya.

Ayoko nang nakikitang ganito si Jasmine.

At dumating na sila.

'Di ko pa din pinapansin si Eldrige.

Nakikinig lang ako sa kwentuhan nila while I'm eating.

Hanggang sa ....

"Uy, Guys, Puntahan ko lang si Mommy uhh ? " Sabi ni Reyd.

What a perfect timing.

Sana kausapin na 'ko ni Keenu, or Else.

Uunahan ko na s'ya.

After a few seconds, Mula nung umalis si Reyd sa upuan n'ya.

"Oo nga pala Dessa ! Kumusta na ? May boyfriend ka na ?" Sabi ni Keenu.

Ito na , S'ya na mismo nag-approach. Perfect timing na naman. 

"Oo, Bakit ?" Sagot ko.

"Teka, Sino ? " Ayan, Tanong pa Keenu.

"Well, 'Di pa ba nasabi sa'yo ni Reyd ?" Pahapyaw ko munang sagot.

Alam kong naguguluhan na s'ya.

Pero Keenu, I'm so sorry, Para kay Jasmine naman ehh.

"Hindi ehh, Bakit sino ba ?" Nagtanong ulit s'ya.

"Reyd and I were dating, Since last week. " Walang pag-aalinlangan kong sagot.

Ito na talaga 'yun ehh.

Sabay tumayo muna ako , Para puntahan si Reyd.

"Mga kapatid, Puntahan ko lang si Reyd saglit uhh ?" Sabi ko sa kanila.

Nakita ko nang pabalik si Reyd, Pero hinatak ko s'ya papasok ng bahay nila.

(Reyd's POV>>)

Nagpaalam muna ako sa kanila.

Gusto kong sabihin kay Mommy na parang sumama 'yung pakiramdam ko. Pero, Sa tingin ko sumama talaga ang loob ko.

Pinuntahan ko si Mommy, 

"Mommy, Parang sumama yung pakiramdam ko." Sabi ko.

"Sige babyboy, Magpaalam ka muna sa mga classmates mo." Sagot ni Mommy.

Amoy alak na si Mommy.

Dumami pa bisita n'ya.

Haysss, Birthday nga naman.

Pabalik na sana ako.

Napansin kong makakasalubong ko si Dessa.

Nabigla ako ng tumakbo s'ya at hinawakan ako sa kamay.

Naalala ko na naman 'to.

Nangyari na sa'min 'to.

Pwede ko bang mahiram ang minutong ito, Makasama ko lang ang babaeng nakahawak sa kamay ko.

'Yan lang naman ang pumasok sa isip ko.

Kaso hindi na pwede, Um'oo na 'ko sa gusto ni Keenu.

Nang makadating kame sa may Living room.

"Reyd, Hindi mo 'ko mapapatawad sa ginawa ko." Sabi n'ya, Sabay nagpout. 

Haluhh, Ano kayang ginawa n'ya?

"Bakit ? Ano ba 'yun ?"  Tanong ko.

"Sinabi ko kay Keenu na tayo na, Since nung last week."

"ANO?! " 'Di ko napigilan sarili ko. Pero, Kumalma muna ako, Alam ko namang may dahilan.

At higit sa lahat, Wala na 'kong talo kay Dessa. 'Yun nga lang .

Malaking posibilidad na magkaroon ng conflict sa pagkakaibigan namin.

"Teka, Kasi ganito 'yun, Matagal nang mahal ni Jasmine si Keenu. Kaya ginawa ko lang naman 'yun para kay Jasmine ehh." Pagpapaliwanag ni Dessa.

"Pleeeaase, I'm begging, Total naman kaibigan mo din si Jasmine. Tulungan naman natin s'ya. Naawa na talaga ako sa kanya ehh." Dagdag pa n'ya.

"Hmm, Dessa, Payag na 'ko." Pumayag na 'ko. Alam ko naman na ida'dahilan ko kay Keenu ehh.

"Salamat Reyd, Salamat at naintindihan mo." Ngumiti si Dessa after n'yang banggitin 'yan.

First Girlfriend na nga lang. Fake pa :(

Pero ayus lang, For a cause naman 'to ehh.

'Di ka ba natatakot na ma'fall ako ng lubusan sa'yo Dessa ?

Sasaluhin mo ba 'ko ?

Mamahalin din gaya ng pagmamahal ko sa'yo?

At higit sa lahat, Maipaglalaban mo kaya 'yung TAYO kahit na palabas lang ito ?

Andami na namang tanong.

Pero pipigilan ko parin 'yung sarili ko. Sana kaya ko.

"Tara na ! Baka makahalata pa sila :)" Nginitian ako ni Dessa na parang walang nangyari.

Paglabas ng pinto, Mas nabigla ako sa sumunod na ginawa n'ya.

Hinawakan n'ya ang kamay ko, Holding hands na talaga.

Napansin n'ya sigurong nagulat ako.

"Sumabay ka lang sa plano ko, 'Wag na 'wag kang magpapahalata." Sabi ni Dessa sabay ngumiti.

'Yan na naman 'yung ngiti n'ya.

Iba na epekto ng ngiti n'ya.

Parang tinutulak na 'ko sa bangin, Upang maging dahilan ng pagkahulog ko sa kanya.

At 'yuun, Sinabayan ko lang.

Nakita ata kami ni Mommy , Daddy, At yung Daddy n'ya.

Yari na kame nito.

Tinawag kame ni Mommy .

"Reyd ! Dessa ! Hintayin n'yo ko sa may living room. Mag-uusap tayo." Sabi ni Mommy, Alam kong narinig n'ya din yun.

Na s'yang naging dahilan ng pagbitaw ng kamay n'ya.

Akala ko pa naman, Tuloy-tuloy na .

Pa'no na gagawin namin ? 

Perfect ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon