Simula

5 0 0
                                    

19 

2003

"Hindi ka ba napapagod diyan?" Tanong ni Luz sa akin. Nakakunot ang noo niyang pinapanood ang ginagawa ko.

Hating gabi na, antok na antok na ako at alam kong siya rin. Patuloy pa rin ako sa pag-aayos ng mga papers na kakailanganin ni Sin bukas. Bukas na ang contract signing ng banda niya at luluwas sila papuntang Manila. Sinama ko na ring tupiin ang mga damit niya na nandito sa kwarto ko.

Ito na lang ang ang maitutulong ko bilang nobya niya.

"Ano bang pwede kong ipabaon sakaniya bukas?" Inaantok kong tanong kay Luz, dahan-dahang inihiga ang likod ko sa kama kong gawa sa kawayan. Napaigik pa ako sa pag-gasgas ng balikat ko sa ulo ng pako.

"Wala," tila irita niyang sagot sa akin. "Bakit mo pa siya babaunan? Magkakaroon na siya ng trabaho dahil sa banda niya. Siya dapat ang magbigay sa'yo."

They were like a bomb. Hindi ko alam kung anong paano nangyaring bigla silang sumikat. I knew Sin created his band out of scratch. Trip lang nila sumama sa mga gigs dati, it wasn't even serious. Hindi siya 'yung tipong magsskip ng klase para sa banda. He's doing well in university. We just woke up one day na naging pangarap na ni Sin ang makapagpirma ng kontrata sa isang entertainment company.

"Ano ka ba," mahinang saway ko. "Dapat kailangan ko ring may ibigay 'no."

Hindi siya sumagot. Lumapit siya sa tabi ko at pinitik ang noo ko.

"Hindi mo ba naiisip na baka maghiwalay kayo kapag nasa Manila na siya?" Napabalikwas ako sa pagkakahiga, umupo siya sa sahig at humarap sa'kin.

"Ano ba, Luz," naiinis kong saway. "Ang tagal na namin ni Sin, wala akong mapapala sa pag-iisip ng mga ganiyan."

"Hmm," tumango siya at dinampot ang mga natitira pang damit ni Sin sa sahig. "Naisip ko lang naman, eh."

Hindi ko alam kung ilang oras lang akong nakapikit habang pinakikinggan ang mga galaw ni Luz hanggang makaalis siya sa kwarto ko. Alam kong hindi naman gaano ka-seryoso si Luz kanina pero hindi na mawala sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko na magawang makatulog. Nang makita ang gitara ko sa tabi ay dahan-dahan kong binuksan ang bintana, inabot ang gitara at umupo sa ibabaw ng bintana.

Ilang linggo na ang makalipas nang malaman naming may gustong mag-alaga sa banda ni Sin. Hindi ko makakalimutan ang pakiramdam ko no'ng araw na 'yon. Saya, kaba, at takot. Simula noon ay mas madalas na ako tumugtog ng gitara.

Hindi na kami bata. Graduating na ako sa susunod na taon, gano'n din sana kay Sin kung hindi lang siya aalis agad. Napag-usapan na namin 'yon, kahit ako ay ayaw pa siyang umalis para makasama ko siya sa entablado. Kahit gusto ko pa siya kumbinsihin ay naiintindihan ko 'tong oportunidad na mayron sila. This will be the first chance, the opportunity they deserve. I can't mess it up just because of my feelings.

"Pupunta ako sa graduation mo, hon... don't worry, hmm?"

"Sana nga, Sin..." bulong ko sa hangin.

Bigla ay umihip ang malakas na hangin. Dahan-dahan akong bumaba sa bintana at tinignan ang mga gamit ni Sin sa loob ng kwarto ko. Sa kaliwa ko ay tanaw ko ang orasan at kalendaryo.

November 27, 2003

Napailing ako. Mabilis lang 'yon, sigurado akong pipiliin pa rin ni Sin manirahan sa probinsya. Tahimik na buhay ang gusto niya kasama ang musika. At ako... alam ko 'yon.

Kinabukasan ay nagmukha akong lantang gulay habang bitbit ang mga maleta ni Sin, ihahatid ko ang mga iyon sa bahay nila. Malapit lang pero kahit gano'n ay napakahirap dahil sa bato batong kalsada.

A Soul Thrown AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon