"Do you like cakes?" tanong ni Sin sa akin, nagsusulat siya ng maikling mensahe sa papel para sa cake na binili namin para kay Kal.
"Hindi masiyado," sagot ko. "Why?"
"Wala naman, I just wanna know." Inabot niya sa babae iyong papel at napamulsa. "May gusto ka bang tinapay rito?"
Hindi ako sumagot, nagkunwaring hindi ko siya narinig at wala sa sariling naglakad papunta kung nasa'n ang mga tinapay sa bakery na 'to. Sa tabi ng lalagyan ng mga tinapay ay mayroon pang mga cakes naka-display lang. Naisip ko bigla si nanay at kung paanong lagi niya akong binibilihan ng tsokolate na cake tuwing kaarawan niya. Para sa akin lang daw 'yon, hindi para sakaniya. Mas mahalaga raw na makatikim ako ng mga ganitong pagkain habang bata pa ako.
"Grace?"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Grace. Hindi ko na naramdamang hawak na ni Sin ang braso ko, wala akong ibang maisip kundi ang pangalang 'yon.
"Grace? N-Nanginginig ka. Fuck, fuck! Miss, pwede ba mahiram 'tong upuan?"
Wala akong maintindihan. Wala sa sariling napatakip ako ng tenga at pumikit. Hindi ko maibuka ang bibig ko. Hindi ko maintindihan, tanging takot lang ang nararamdaman ko. Naramdaman ko na lang na inupo ako ni Sin sa upuan.
"G-Grace? Grace!"
"T-Tama na-" nanginginig ang mga labi ko at inabot ang suot niyang t-shirt. "W-Wag please..."
'Wag mo akong tawaging Grace! Gusto kong isigaw sakaniya iyon pero hindi ko magawa.
"Grace, w-what-"
Marahas na umiling ako sakaniya, may namumuo ng luha sa gilid ng mata ko. "S-Sir, tubig po."
"Here. Sshh. I-I'm sorry." Nanginginig ang kamay niyang pinapainom ako ng tubig. "I-I'm sorry, I don't u-understand."
Tumango lang ako at pilit na pinipigilan ang luha ko. Hinawi niya ang mga iilang hibla ng buhok sa mukha ko. "Wala akong gagawin, okay? I'm Kal's friend, I live five houses away from you. It's fine, you're fine."
Hindi ako umimik at pumikit lang, pilit inaalis sa isip ko ang pangalang 'yon. Vanadis. Vanadis. Ako si Vanadis. Nang makakalma ay hinang hina ang mga tuhod kong tumayo. Hawak ni Sin ang cake sa kaliwang kamay niya, habang ang kanan naman ay nakakapit sa suot kong puting t-shirt.
"Ayos lang ba ang ganito? Baka kasi matumba ka."
Wala sa sariling inilapit ang kamay ko sa bulsa niya at ipinasok ang isang daliri ko roon. Naramdaman kong naestatuwa siya sa kinatatayuan niya at napaubo ng mahina si ate na nagbenta ng cake sa amin. Bigla akong napabitaw at napapikit ng mariin. Shit. Hindi siya kagaya nina Raziel.
Nauna na ako maglakad sakaniya at hindi nagsalita hanggang makauwi kami ng bahay. Si Luz lang at si Raziel ang naiwan sa bahay dahil kunwaring inutusan ni nanay si Kal na mamalengke para hindi niya mahuli ang sorpresa namin.
Sumingit ako sa pagitan ni Raziel at Luz na abalang bigyan ng hangin iyong mga ballons.
"Raz," bulong ko.
"Hmm?"
"Ang tahimik mo."
"Ikaw rin."
"Ako lang ang tahimik sa atin, 'di ba?"
"Alam mo, ikaw?"
"Ano?"
"Wala. Ayoko lang mapagod ng sobra ngayon para maasar ko hanggang gabi si Kal."
Tumango ako at dahan-dahang kumapit sa bulsa niya. Hindi ako makatingin sakaniya nang maramdaman kong napatigil siya sa ginagawa niya.
"Sin." Si Raz, seryoso na ang boses.
"Hmm?" Abala na ito sa pag-aayos ng mesa.
"Anong ginawa mo."
Naramdaman ko ang kamay ni Luz sa hita ko at pinisil 'yon. Nanatiling diretso ang tingin ko at hindi makatingin sakanila.
"Ayos lang ako." Bulong ko sa dalawang katabi ko. "H-Hindi niya alam." Napalunok ako nang maramdaman kong para akong sinasakal.
Hindi ko mahuli ang mga mata ni Sin. Hindi siya sumagot kay Raz. Hanggang sa isorpresa namin si Kal ay tahimik lang siya at hindi nagpunta sa tabi ko.
"Ayos ka lang ba?" hinawakan ni Luz ang kamay ko habang hawak ng isang kamay niya ang pinagkainan niyang plato. Nasa kusina kaming dalawa habang naglalaro 'yong mga tatlong lalaki sa sala.
"Oo naman, 'wag na natin pag-usapan." Ngumiti ako at hinalikan ang likod ng palad niya. "Binigay mo na ba 'yong regalo mo kay Kal?"
"Hindi pa, alam mo namang sinulatan ko lang siya."
Napangiti ako at napatitig sakaniya. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka."
"Hmm?" hinaplos niya ang pisngi ko. "Hindi rin namin alam ni Raz at Kali ang gagawin kung mangyaring masama sa'yo ulit."
"Bakit-" napatigil ako nang maalala ko kung bakit silang tatlo na ang kaibigan ko ngayon. "Bakit mo ba kasi sila dinala sa bahay dati?"
"Ang kulit kasi ni Kal, alam mo naman 'yon, sa eskuwela ka lang nakikita. Saka..." napatawa siya ng mahina, tila ba may naalala.
"Saka ano?"
"G-Gusto niya talagang humiram ng mga komiks mo." Sininok siya hangga't hindi na niya napigilang tumawa. Napatawa na rin ako dahil sa nakakahawang bungisngis niya.
Nang matapos kami mag-usap ay pinapunta ko siya sa sala at nagpunta naman ako sa kwarto. Hinanap ko 'yong t-shirt na regalo ko sakaniya. Bago ako makalabas ng kwarto ay nahagip ng mata ko 'yong lalagyan ng mga komiks. Dahan-dahan akong lumapit roon at pumikit. Nakuha ko ang isa sa mga nauna kong binili na komiks nung katorse pa lamang ako.
Bumigat ang paghinga ko nang maalala kung bakit ko binili 'yon. Tungkol ito kay Medusa, isang babae na may mga ahas sa ulo. Nagiging bato ang mga taong tumitingin sa mga mata niya. Galing ang kwento niya sa Greek Mythology.
"Vanadis!" sigaw ni Kal nang makitang papalapit na ako sakanila dala ang mga regalo ko. "Akala ko tinulugan mo na ako na walang natanggap na regalo, eh." Ngumuso pa siyang hinila ang damit ko papaupo sa tabi niya.
"Tutulugan na dapat kita kaso ang ingay mo." Ngumisi ako at nilapag sa hita niya ang regalo ko.
"Holy-" agad na kinurot siya ni Luz sa bewang. "Luziana!"
"Marinig ka ni auntie, gago ka." Si Raziel.
Nahagip ng mga mata ko si Sin sa dulo ng upuan na nakatingin lang sa amin. Nang mapansing nakatingin ako ay ngumiti siya ng marahan. Ngumiti ako pabalik at umiwas agad ng tingin.
"V-Vanadis..." napatigil ako nang biglang suminghot si Kal habang nakatingin sa komiks na binigay ko sakaniya.
"Kaliel." Seryosong tawag ko sakaniya.
"Ano?" umiwas siya ng tingin at pinunasan ang mga mata niya.
"Ang pangit mo."
Nanguna ang malakas na pag-ubo ni Sin hanggang napuno na ng halakhakan sa sala. Tinignan ako ni Kal ng masama kaya't ngumuso lang ako, kunwaring hinalikan ko siya.
"Yuck!" maktol niya pero maya-maya'y ngumuso rin sa akin na gumawa ng halik na tunog.
"Ang drama mo, Kal-"
"Guys, I have to go."
Napatigil kaming lahat nang tumayo bigla si Sin. Nakapamulsa siyang nakatingin sa amin. Agad na tumayo ako at nagpresenta na ihatid siya sa labas.
"Shh, it'll be better for you to stay here." Umiwas siya ng tingin. "Si Raziel na lang."
Itutuloy...

BINABASA MO ANG
A Soul Thrown Away
General FictionGrace Vanadis Villarin, a girl with anxious-avoidant attachment since she was a kid. There's a lot of mystery in her, people don't even realise it. And that's because she's living her life like the main character in films should be... an actor. She...