Kabanata 3

5 0 0
                                    

Hindi ako mapakali sa loob ng kwarto ko habang binibilang ang perang iniwan ni nanay kanina. Kalalabas niya at gusto ko pa sana siyang sundan pero nandoon na rin sina Luz sa kusina. Hindi ko alam kung paano niya nalamang kakailanganin ko ng pera dahil hindi ko naman sinabi sakaniya. Naka-enrol lang kami nina Luz sa isang public university, hindi si nanay ang nagsabi na doon dapat ako pero ako na rin mismo ang nagpresenta para kumuha ng kursong Architecture.

Hindi mahihirapan ang nanay dahil maliit ang tuition kumpara sa mga prestihiyoso at pribadong unibersidad, ngunit hindi ko rin naisip agad na marami akong gagastusin sa kursong kinuha ko.

"Vanadis?" si Luz sa labas ng pinto. "Pwede ba kami pumasok?"

Nakahinga ako ng maluwag dahil nagpaalam siya. Agad na tinago ko ang pera sa ilalim ng kama at pinagpagan ang suot kong pyjama. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nagbabato-bato pick sila... at nandito si Sin.

"Kal, ikaw ang magtatanong!" pinalo siya ni Raziel sa braso.

"Anong tanong?" napamewang ako sa harapan nila.

"Ay gago!" si Kal.

Kumapit sa braso ko si Luz at bumelat sa harapan ng tatlong lalaki. Kita ko ang kabadong mukha ni Sin at tahimik lang ito sa likod nina Raziel.

"Kasi ano... 'yung ano kasi. Di ba may ano—"

"'Yung komiks—" sumingit si Sin na pinangunahan naman ni Raziel.

"Hihiram siya," tinuro niya si Sin na biglang napaatras. "Gusto niya raw mabasa!"

Napatawa ako ng mahina sa naging asta nila. "Hihiram lang pala bakit parang kinakabahan kayo?"

"Hindi ka kasi nagpapahiram—"

"Ano?" tinakpan ni Kal ang bibig ni Raziel.

"Wala! Kakain na raw pala sabi ni auntie!" mabilis na hinila ni Kal si Raziel patakbo ng kusina at naiwan si Sin na naestatuwa lang sa harapan namin.

"Nagpapahiram naman ako." sinundan ng mata ko sa loob ng kwarto ang koleksyon ko ng mga komiks. "'Di ba, Luz?"

"Ha?" Napabitaw si Luz sa akin. "Hindi m-mo pinapauwi sa b-bahay kaya ayoko na basahin 'yung mga— a-ah, tara na nagugutom na ako!"

Naningkit ang mga mata ko nang tumakbo ito agad at naiwan lang kami ni Sin sa harapan ng isa't isa. Umiwas siya ng tingin nang pasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayon ko lang napansin na naka-paa lang pala ito at nakatupi ang suot niyang itim na pantalon. Ang damit niyang kulay brown ay nakatuck-in sa pantalon nito.

"Kailangan mo na ba ngayon?" pagbasag ko sa katahimikan. Pumasok ako sa kwarto ko at iniwang nakabukas ang pintuan.

"Ano bang hilig mo?" kumuha ako ng isang kopya ng komiks at iwinagayway sakaniya. "Mythology class?"

Sumandal lang siya ng hamba ng pintuan at tumitig lang sa akin.

Nakaramdam ako ng kaunting kaba dahil naalala ko ang nangyari sa labas ng canteen noong nakaraang linggo. Hindi naman na kami nag-usap pagkatapos no'n dahil bihira siya mahanap ni Kal sa kumpulan ng mga tao tuwing lunch break.

"O itong Trese?" pagpapatuloy ko. "May mga romantic din akong kopya—"

"How are you?"

Natigil ako dahil sa tanong niya. May maliit na ngiti sa labi nito kaya napaiwas ako ng tingin at nagkunwaring binabalik ko sa ayos ang mga komiks ko.

"Ayos naman, ikaw?"

"Busy ako noong nakaraan. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras sumama uli kay Kalisto."

A Soul Thrown AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon