17
Pabagsak akong naupo sa harap nina Luz matapos ang unang umaga ng klase ko. Hawak ang isang envelope ay maingat ko iyong nilagay sa hita ko at ininom ang isang tubig ng baso na nasa harap ni Raziel.
"Ano ba?" ungot niya habang pilit na nilulunok ang dalawang piraso ng siomai sa bibig niya.
Hindi ko siya pinansin at napapikit na lang. Naiinis ako sa ilang oras na may klase ako kanina. Wala akong naintindihan. Wala akong maalala sa sinabi ng prof ko kanina. Masiyado akong natuliro kanina. At ito ang unang araw naming lahat sa kolehiyo.
"Hoy, ahh..." tinapik ni Luz ang pisngi ko at kita ko na lang ang papalapit na siomai sa bibig ko. "Gusto mo na bang lumipat?"
Tinagnan ko siya nang masama at sinipa ang paa ni Kal na tahimik lang sa gilid.
"Anong nangyari? Nagsisisi ka na ba?"
"H-Huh?"
"Sa kurso mo."
Bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. Nilabas niya ang isang notebook sa kaniyang bag at binuklat 'yon sa harap namin. Napataas ang kilay ko nang makitang walang nakasulat.
"Ako ata ang swinerte sa ating apat ngayon."
Sabay sabay kaming napabuntong-hininga sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong magmaktol sa harap nila at maiyak. Hindi ko alam, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko.
Nang magsasalita sana ako ulit ay biglang tumayo si Kal at kumaway sa bandang likuran namin ni Luz. Napaikot ako ng tingin at nakita ko ang isang lalaki papunta sa gawi namin. May nakasukbit na gitara sa balikat niya. Nakatali ang buhok niya sa likuran at nakasuot niya ng isang maluwang na puting damit at kupas na pantalon. Sa bewang nito ay may nakataling maong na jacket.
"Sinario, dito!"
Sinario?
Napatingin ako kay Luz na mukhang wala namang pakialam at kumakain lang ng siomai kasalo si Raziel. Naningkit ang mata ko nang makita na halos maubos na 'yon. Tinapik ko ang kamay nilang dalawa at pinanglakian sila ng mata.
"Magkano ambag niyo dito?" tanong ko, may tono ng pagbibiro.
"Eh," maktol ni Raziel at ngumuso. "Hindi ka naman mahilig sa siomai, diba? O ito pa isa... ahh."
Napatigil ako, inilingan siya at ngumisi na lang. Maya-maya ay napansin ko na lamang na tatlong lalaki na ang nasa harapan namin ni Luz. Nasa gitna na ni Raziel at Kal 'yong lalaki na may dalang gitara. Hindi ko sila pinansin dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nila.
Tinignan ko ang relo ko nang maramdaman kong hindi na ako masyadong komportable. Hindi dahil sa bagong kasama ni Kal kundi dahil sa biglang pagbagsak ng mood ko pagkatapos ng klase kanina. Tinignan ko sa tabi ko si Luz, mahinang nagpapasalamat dahil tamihik lang siya kagaya ko.
"Miss?"
Naramdaman kong may yumugyog sa balikat ko. Umangat ang tingin ko kay Luz, para bang may itinuturo ang mata niya kaya tumingin ako sa harap. May nakabukas na isang lalagyan ng siomai sa harap ko. Napataas ang kilay ko sa lalaking natingin sa akin at pinasadahan ng tingin si Kal na sumenyas lang gamit ang kaniyang nguso.
"Ako nga pala si Sin---"
"Sinario?"
Napakamot siya sa kaniyang batok at tinignan si Kal na nakangisi lang habang abala na sa pagsusulat sa notebook. Napagtanto kong kumokopya pala siya kay Sinario kaya mahinang sinipa ko ang paa niya.
"Swerte ka ba o ano? Kumokopya ka lang eh."
"Hoy, Vanadis nag-aadvance study ako 'no."
"Anong advance--- "
BINABASA MO ANG
A Soul Thrown Away
General FictionGrace Vanadis Villarin, a girl with anxious-avoidant attachment since she was a kid. There's a lot of mystery in her, people don't even realise it. And that's because she's living her life like the main character in films should be... an actor. She...