Pakiramdam ko'y para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Niyakap ko nang mahigpit si Luz at Kal at nagpaalam na matutulog na kaya't nagpaalam na rin silang uuwi na rin ilang minuto matapos makaalis sina Sin at Raz. Bago ako pumasok sa aking kwarto ay sumilip ako sa kwarto ni nanay. Mahimbing na ang tulog niya habang yakap ng hita niya ang isang unan.
Hindi mawala sa utak ko ang pagtanggi ni Sin sa akin kanina. Halata namang iniiwasan niya ako. Hindi ko alam kung bakit, o baka alam ko nga pero ayoko lang isipin.
Napatigil ako nang makarinig ng katok bago pa ako makapasok sa kwarto.
"Vana?" Nawala ang kaba ko nang marinig ang boses ni Raziel sa labas. "Vana, si Raziel 'to. May ibibigay lang ako."
Dali kong binuksan ang pintuan. Tumambad sa akin ang magulo nitong buhok at ang pasa nito sa labi. Mabilis na tumingin ako sa kaniyang likuran at sa hindi kalayuan ay nakita ko ang likod ni Sin sa gilid ng kalsada, punit ang suot nitong damit.
"Vana!" matigas na tawag ni Raziel nang lagpasan ko siya at magpunta kung saan nakatayo si Sin.
"Anong ginawa mo? Akala ko umuwi ka na? Bakit—"
Napatigil ako nang makita ko ang mukha niya. Duguan ang suot nitong t-shirt, may bahid ng dugo ang ilong niya, at may pasa rin siya sa labi at pisngi.
"Vanadis." Hinawakan ni Raziel ang braso ko at agad akong napaatras sakanila. "Vanadis, h-hindi—"
"S-Sandali."
Magkatabi na sila ngayon at nakayuko na. Napatulala na lang ako, ilang minutong walang narinig sa paligid namin kundi insekto at mga asong kumahol lang sa kalsada.
"I e-explained what happened earlier, no'ng bumili tayo ng cake sa bakery." Pagbasag ni Sin sa katahimikan.
"Nagalit lang naman ako, Vana..." mababa ang boses ni Raziel, tila ba galit pa rin siya.
"Susuntukin mo rin ba ako kapag—"
"Vanadis naman, alam mo namang hindi ko 'yon gagawin, pati si Kaliel." Pinandilatan ko siya ng mata nang akmang lalapit siya sa akin.
"Ayos lang, at least I already knew what I should avoid."
"Alam mong ayokong sinasabi lang sa iba 'yung mga importanteng impormasyon tungkol sa akin." Tinignan ko ng diretso sa mata si Raziel, nauna siyang umiwas kaya't napabuntong-hininga na lang ako.
"Sorry." Nagkasabay ang boses nilang dalawa.
"Sige na," hinablot ko ang paper bag sa kamay ni Raziel. "Uwi na, wala na sina Luz diyan."
"P-Pero..." napatingin siya kay Sin.
"Ayos lang, sige na." Hinawakan ko siya sa kaniyang dalawang braso at dahan-dahang pinaglakad paalis.
"Vanadis, bakit ba nagmamadali ka?"
"Alas-nuwebe na, may klase na tayo bukas. Ala-siete ang unang klase mo, bilis na."
Hindi na siya nagsalita pero bigla siyang humarap sa amin at nag-umpisang maglakad patalikod. Muntik pa siyang mapatid sa bato kakabantay sa amin.
Nang hindi na namin siya makita ay wala sa sariling napaupo ako sa isang malaking bato sa gilid ng kalsada. Walang nagsalita sa amin hanggang sa maupo na rin si Sin sa kabilang gilid ng kalsada. Isang traysikel lang ang kasya sa kalsada kung kaya't kitang kita ko pa rin ang duguang mukha at damit ni Sin.
"Marunong ka ba mag-gitara?"
"No." sagot ko. "Bakit?"
"Si Kal at Raz?"
BINABASA MO ANG
A Soul Thrown Away
General FictionGrace Vanadis Villarin, a girl with anxious-avoidant attachment since she was a kid. There's a lot of mystery in her, people don't even realise it. And that's because she's living her life like the main character in films should be... an actor. She...