Chapter 1: T.G.I.F

7K 139 9
                                    

Grey's POV~

YES! Ang saya ko dahil mamayang gabi magpapaka-bangag nanaman kami ng mga kaibigan ko kasi Thank God It's Friday na naman!

6PM natapos ang klase namin. Pagka-galing sa school dumiretcho na kami ng apat kong kaklase sa bahay namin para mag ayos. Fitted na long sleeve, black na maong, converse na sapatos at naka-wax na buhok, RAK NA ITUU!

Pag dating namin sa party ang dami nang tao. Laser lights, beer at vodka, swimming pool, x-box, trampoline, kiddie house na may bubbles, at mga kanta ni Nicki Minaj sa dj booth. Sa tingin ko ito na ang pinaka-epic na party na napuntahan ko.

Nagkahiwa-hiwalay kami ng mga kasama ko. Shot! Sayaw! Swimming! Bigla nalang akong nahilo. Mukang madami na akong nainom at nasusuka na ko. Nag hanap ako agad ng banyo. Pag akyat ko may nakita akong kwarto at nag baka-sakali na may banyo sa loob. Yes! Jackpot meron nga. Dali akong tumakbo sa loob at sumuka sa lababo. After ko sumuka bigla nalang umikot paningin ko, di ko alam kung ano nangyayari. May nakita akong higaan at dun humiga ako at nagpahinga saglit. Naramdaman ko nalang na may humiga sa tabi ko. Hindi ko alan kung sino. Pilit ko binubuksan mata ko para makita ko siya pero hindi ko magawa hanggang sa nawalan na ko ng malay.

~

Kinabukasan pagkagising ko nasa kwarto ko na ako nakahiga. Agad akong bumuba at tinanong ang mama ko na kumakain sa mesa.

"Ma, pano ko naka-uwi dito sa bahay? Ang natatandaan ko lang humiga ako saglit sa kwarto ng kaklase ko para mag pahinga tapos di ko namalayan naka-tulog na ko."

"Yung isa mong kaklase binuhat ka papunta dito. Sabi nalasing ka daw."

"Ah ganun ba. Sige ma liligo muna ko ang sakit ng ulo ko lakas tama ng hangover" *sabay tawa*

"Oh sige bilisan mo. Pag tapos mo maligo kumain ka na dito."

Pagpasok ko sa banyo, hinubad ko na damit ko kasunod ay ang pantalon. Laking gulat ko na lang dahil ibang brief ang suot ko. Napasigaw ako sa sobrang gulat.

"Shiiiiitttt!!!!!!"

Agad tumakbo si mama papunta sa banyo at tinanong ako kung ano nangyare.

"Oh bakit? Ano nangyari sayo?"

"Wala ma, may ipis na lumipad kasi. Nagulat ako."

"Akala ko naman kung ano na. Wag o.a sa susunod ah. Ipis lang eh kung makasigaw wagas."

"Sorry naman. Kadiri kaya."

Bumalik na si mama sa pag-kain. Hindi ko sa kanya pwede sabihin to dahil baka kung ano isipin niya.

Pagka-tapos ko maligo ay agad kong pinuntahan ang mga kaklase ko at kwinento ko sa kanila ang nangyari. Tinanong ko sila kung sinong kasama ko sa kwarto kung saan ako humiga ngunit wala naman daw sabi nila.

Sinubukan ko nalang kalimutan iyon ay niyaya ko nalang sila pumunta sa mall.

Kinagabihan umuwi na ako sa bahay. Sobrang pagod ako dahil sa pag-gala namin. Dumiretcho ako sa kwarto ko at humiga. Bigla ulit pumasok sa isip ko ang nangyari. Sobrang gulong-gulo ako, hindi ko alam ang gagawin.

~

*Lunes ng hapon sa hallway ng school namin*

Nag aayos ako ng gamit sa locker ng may narinig akong tumatawag sa aking pangalan.

"Ui! Grey."

Bigla nalang may mabangong amoy na dumaan sa ilong ko. Shit! Nakakaturn-on ang amoy. Yung boses niya parang boses ng anghel.

May humawak sa balikat ko. Nagtayuan bigla mga balahibo ko. Hindi ko alam ang gagawin. Kahit nakatalikod ako naaamoy ko ang pabango niya. Kinikilig ako shit!

Pag harap ko nakita ko si Christian. Ang basketball team captain ng school namin.

Madami sa kanyang nagkaka-gusto na mga babae dahil sa matipuno nitong katawan at maamong mukha.

Tinanong niya ako.

"Ui sabi ni Sir may project daw siyang binigay kanina sa history eh kaso may practice kami kanina kaya di ako naka-attend. Tatanong ko lang kung meron ka bang kopya?"
-Christian

Ilang segundo akong di makapag salita. Masyado yata ako na-shock sa malaki and mabango niyang katawan lol.

"Ahm! Oo may kopya ako."
- ako

"Sige daanan ko nalang sa inyo mamaya pag uwi ko."
- christian

"Sige. Kung gusto mo sabay nalang tayo gumawa."
-ako

Tang ina. Ba't ko sinabi yun. Nahihiya ako bwisit.

"Oo nga. Sige mas ok yan. Tulungan nalang tayo. Sige na balik muna ko sa gym ah. See you later."
- christian

"Ok bye. Ingat."
- ako

Syet! Kinikilig ako. Abot tenga ang ngiti ko.

Pag balik ko sa bahay agad akong nag linis ng kwarto ko at kumain kasabay ang mama and papa ko.

"Nabili mo na ba yung mga kelangan mo sa project?"
- mama

"Opo kanina pa."
- ako

"Mag linis ka ng kwarto mo ah naku nakakahiya sa kaklase mo ang dumi."
- mama

"Tapos na nu kanina pa po."
- ako

"Bilisan niyong gumawa dahil ayaw ko ng maingay mamaya. Madami pa kong gagawin. Wag na kayong magtagal ng mga tropa mo na puro babae nanaman."
- papa

Nagkatinginan kami ni mama at sumenyas siya gamit ang mata na parang sinasabi niya na wag ko nalang pansinin.

"Bakit ba kasi puro babae yang tropa mo? Hindi ka din marunong mag basketball. Bakit ba ganyan ka?
- pasigaw na sabi ni papa.

"Pa, lalake po yung kasama ko gagawa. At ilang beses pa po ba nating dapat pagbabangayan yan na hindi ako yung anak na ineexpect niyo. Pasensya na kung ganto ko pero sana tanggapin niyo nalang tutal naman tatay kayo dapat naiintindihan niyo ko dahil anak niyo ko."
- ako

"Kinahihiya kita bilang anak. Hindi kita anak. Wala akong anak na gaya mo."
- papa

"Tama na! Wag kayong mag sigawan! Kung di niyo kayang respetuhin ang isa't isa kahit sana yung pagkain na lang."
- mama

Biglang tumayo ang papa ko sabay sabi "nawalan na ko ng gana."

Pinipigilan kong umiyak. Kahit na sobrang sakit. Ayoko ipakita sa kanya na mahina ako, tama siya at mali ako.

Pagkatapos ko kumain ay dumiretcho na ko sa kwarto at hinintay ko nalang dumating si Christian.

Wag Mo Na Itanong, It's Complicated (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon