I | Prologue

29 5 0
                                    


~~~

"Unang Prologo"

Isa. Dalawa. Tatlo. Nandiyan ka na sa harap ko.

~~~

1896, Cecillia.


  Isa, dalawa, tatlo naririto ka sa harapan ko.

  Nasa harapan ko siya sa tuwing nanaisin ko siyang makita, kahit saan man lupalop ng panahon siya naroroon, kahit saang panahon siya sa kasaysayan naglalakbay. Alam kong kahit hindi ko man ibulalas, isigaw o sabihin manlang sa mahinang paraan ay kanya paring riringgin. Sa tuwing takot ang saaki'y namamayagpag, siya ang liwanag kong tanglaw sa dilim. Ikaw ba'y napapagod na, sa paulit-ulit na paglalakbay? Sa walang katapusang paghahantay? Sa hindi matapos-tapos na sakit? Sa akin ba ay susunod  parin, kahit ilang beses man kitang wasakin? Pagmamahal mo ba'y di na talaga magmamaliw, sa lahat ng panahong ako'y nabubuhay, kaya mo pa bang paulit-ulit, na maghintay at maglakbay para sa akin?

  Sa pagbilang nang isa  dalawa, at tatlo, sa paulit-ulit at paikot-ikot na ritmo ng buhay, sa pag-ulit ng simula at pagtatapos sa isang masakit na katapusan. Sa iyo bang paningin, ako'y di mo ba iiiwas, nang sa gayo'y matapos na ang paulit-ulit na sakit sa damdamin nating dalawa, o pipiliing ulit-uliting masugatan, mahalin lang natin ang isa't isa. Majagkan lang natin ang isa't isa, masaktan man sa huli ay alam natin na ginawa natin ang lahat, paulit-ulit ng walang katapusan. Dapatwa't tayo nga ay nasaktan, minamahal parin hanggang sa katapusan.

  Naalala ko pa ang simula nating dalawa, sa takipsilim ng Sebtyembre 24, nang taong isang-libo-walong-daan-at-labing-walo, sa azotea nang inyong tahanan sa bayan ng San Juan Del Monte (San Juan City, Metro Manila), naaalala ko ang masarap na sinigang na baboy sa palayok na tila hanggang sa kasalukuyan ay aking paring nalalasap. Naaalala ko ang mga huling pagkakataon na nagkita tayo sa taon ding iyonsa isang dabing ilog sa gilid ng bayan nang Pasig. Ang maliwanag na buwan laang ang ating tanglaw sa dilim, ang kumukutitap na mga bituwin na  tila inaaliw sila ng walang
humpay. Ang ngiti sa iyong mga labi at ang ning-ning ng iyong mga mata. Kay sayang pagmasdan. Kay sarap makit na tila isang magandang lika ng sining ang aking nasa harapan. Na sa bawat tingin sa iyong maamong mukha, puso ko'y tumatalon, lumulundag sa saya.

  Ngunit hindi natin inaasahan ang mga sumunid na pangyayari.  Nagbago ang lahat sa isang iglap na tila wala ng kapayapaan. At ang pinaka-ikinasakit ng ating pusoay ang daglian paglisan ko sa mundong ito sa unang pagkakataon. Maging ako'y pinuksa ng mga Español. Tinaguriang Filibustero at Erehe ng mga tao, mapa-pilipino man o hispañol. Kay sakit isiping iniwan kita, ngunit hindi lang isa, kung hindi sa paulit-ulit na kapalara'ng tayo ay pinagkalooban. Masakit na paulit-ulit tayong nasasaktan, masakit na paulit-ulit kitang nasasaktan. Tila hindi talaga tayo gustong pagbuklorin nang tadhana. Noon, ngayon, at sa hinaharap. Masakit na lilisanin ko na naman ang mundong ito. Sa panahong ito. Ngunit wala ka, wala ka pa. Nasa malayo ka dahil sa naatasan kang gugulin ang mga natitira mong panahon para maging tagapangalaga ng oras. Nais ko sanang humiling na sana'y narito parin ako hanggang sa dumating ka. Na makasama kita bago ako lumisan sa mundo. Ngunit hindi na maaari dahil may mga misyon ka pang ini-atas sayo nang poong may kapal. Ako'y mamamaalam na at sa pamamagitan ng sulat na ito'y humihingi ako nang kapatawaran dahil hindi na kita naintay, patawad aking mahal... patawad sa paglisan habang wala ka pa. Ako'y mamamaalam na sa iyong muli. Sana ay sa susunod na buhay, ikaw parin ang sigaw nitong aking puso, ang aking mahal...




I Have A Friend, They Called Him TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon