IX | Time

13 5 0
                                    


~~~

"Oras"

~~~



  Oras...

  Kay'gulo na ng mundo...

  Oh kay'manhid na ng mga tao...

  Tila wala ng kaayusan sa ating sibilisasyon...

  Tila wala ng kwenta ang mga batas na ginawa pa noon...

  Wala ng pinipili ang kriminalidad... mapa-bata pa o matanda ay nabibigtima...

  Ang kasalukuyan ay tila bumabalik na sa kawalang kaayusan. Tila wala na sa utak ng mga tao ang kapayapaan... wala na sa kanila ang mga magulang na umaasang magbabago pa silang mga anak... wala na sa kanila ang mga anak na wala ng makain dahil sa kapabayaan ng mga magulang... wala na sa kanila ang asawang nag-aalala sa kanilang kalagayan... tila mga sarili nalang ang naiisip ng isa't isa. Wala ng pagbibigayan... dahil wala na silang pagkakaisa... puro nalang pag-iisa.

  Ang kalikasan na siyang dating napakaayos at napakaganda. Sinira. Pinatay. Nilagyan ng sangkatutak na basura. Nang sangkatutak na mga polusyong gawa ng tao.

  Mga walang pagpapakumbaba. Walang mga delikadesa'... mga hindi malang nila inaalagaan ang kalikasan na nagbibigay sa kanila ng pagkain...

  Sa mga oras na ito... humihiling ako sa tadhana, sa langit, sa mga diyos, sa panginoon at sa maykapal, sa lahat ng mga bituin sa langit... sa oras, na sana... sana ibalik nalang niya sa dati ang lahat.

  Nung mabuti pa ang puso ng mga tao... nung hindi na kailangan pang pumatay, magnakaw, mag-droga, at maging krimenal para lang makakain ng pagkain ng tatlong beses sa isang araw.

  Nung mga panahong nagtutulungan at nagbibigayan pa ang mga tao... noong mga panahong mahal pa natin ang kalikasan na nagbibigay sa atin ng grasyang pinagkakaloob sa atin ng panginoon.

  Na sana ibigay sa akin ng panginoon ang hiling na ito habang hindi pa nahuhuli ang lahat... habang hindi pa nakakalimutan ng tao kung ano ang totoong pagpapakatao at hindi pa siya lumalabas sa linyang iginuhit ng panginoon para sa kanya. Na sana kahit itong isang hiling nalang na ito... na sana bumalik na tayo sa simula. Kung saan... payapa at nagtutulungan ang lahat sa abot ng kanilang makakaya.

  Ngunit malabo na... mukhang sa panaginip ko nalang muli makikita ang mga larawan ng kapayapaan na ipinagkait sa atin ng panahon at ng oras... hindi na maibabalik pa ang dati... hindi na mapagbabago ng isip ang oras... dahil palagi lang itong pasulong... at hindi kaylan man hihinto o babalik sa dati... para lang sa isang taong nagnanais na kaya pang magbago ng mga naganap na at magaganap palang...

I Have A Friend, They Called Him TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon