V | Prologue

16 4 2
                                    




~~~

"Ika-limang Prologo"

~~~



Panaginip

1818, Celline

  Naririto nanaman ako, bakit kaya?

  Napakadilim ng lugar na ito, hindi ko na nga masiyadong maaninag ang mga taong naglalakad sa paligid ko. Kung wala nga silang dalang mga lampara ay tuluyan ko na silang hindi maaninag. Napabaling ako sa gitna ng daan, medyo malayo pa saakin at tila may kumosyong nagaganap. Maliwanag na maliwanag ang lugar sa bandang yoon dahil sa mga lampara ng mga
taong nagsisi-kumpulan doon makita lamang ang nangyayari. Hanggang sa panahon palang ito ay may mga tyismosa't tyismoso parin. Napailing nalang ako at naisipang hindi na dumeretso pa sa lugar kung saan sila nagkakagulo. Pumihit ako pakaliwa ngunit napahinto rin ako kaagad ng biglang may malakas na sumigaw sa gawing iyon ng kalsada. Iyak na kakahimigan ng sobrang paghihinagpis at galit. Napasinghap ako saka naiiling-iling na lumakad pasulong para makita ang kaguluhan. Hindi naman talaga ako tyismosang taongunit talagang nakuha lang ng pangyayari doon ang interes ko. At isa pa, gawa-gawa lang rin naman ang mundong ito ng aking isip. Panaginip lamang uto kaya wala naman sigurong masama kung sasaglit akong maki-tyismis sa lugar na yoon. Ngunit ng makita ko kung ano ang mga nagaganap sa kumosyong iyon at kung bakit may sumisigaw ay muntik na akong masuka. Muntik na nga akong mahimatay dahil sa pagkagulat sa nakita. Tila umikot rin ang aking bituka sa karumaldumal na aking nakita. Ngunity mas nagsilakihan ang aking mga mata ng makita kong naroon din ang katawan ko sa nasusunog na mga bangkay. Nangingiyak akong napahawak sa nanginginig kong labi.

  Hindi maaari to... hindi to totoo, panaginip lamang ang lahat ng ito. At isa pang ipinagtataka ko ay bakit ako iniiyakan ng husto ng lalaking iyon. Bakit parang napakahalaga ko sa kanya? Bakit tila ang kamatayan ko ang sa panaginip na ito ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya? Hindi ko alam kung bakit tila awtomatikong tumulo mula sa mga mata ko ang luha habang nakatingin at nakatayo habang pinapanood ang napaka-masalimuot na nagaganap sa aking harapan, na tila parang totoong nangyayari ang mga ito... na parang totoo ang sakit na nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya.


---


2018 (Present), Cronus


  Naglalakad ako sa gutna ng dagat ng mga tao dito sa lugar na tinatawag nilang BGC kung saan lahat ng mga ninanais mong bilihin ay naroroon nang lahat. Napaka-imposible talaga ng hinaharap. Maging ang mga pamilihan ay kakaiba.

  Napangiti ako ng sandali. Nilalasap ko ang simoy ng hangin na tila nasobrahan na nga sa polusyong gawa ng mga sasakyan ng mga tao at ng iba pa. Mukhang hindi na nga kaganoon nabibigyang pansin ang kalagayan ng kapaligiran at ng kalikasan.

  Hay... puro nanga materyal na bagay nalamang ang halos nagiging importante sa mga tao sa panahong ito. Pero wala naman ako sa posisyon para pagsabihan sila. Mukha kasing puro nalang mga pera ang mga nasa isip nila at pinakamahalaga sa kanila ngayon. Ngunit isang kapangahasan naman kung sasabihin kong ni minsan ay hindi rin ako nag-isip ng ganoon, minsan din naman sa aking buhay ay aki'ng ding hiniling na magkaroon ng maraming kayamanan. Ngunit ngayon kasi ay isa nalamang ang kayamanang aking kinikilala, at sa ngayon ay tila hindi pa panahon para magkita kaming dalawa. Ang diyos lang ang may alam kung saan at kung kailan kami magkakakitang muli o kung magkakakita pa ba kami sa huli. Ang kailangan ko lang ay ang manalangin sa diyos at maghantay sa oras na ninanais niya.

  Bumuntong hininga ako at saka ko inumpisahang kaining muli ang sorbetes na aking nabili sa isang malaking bilihan ng magpahinga ako sa paghahanap sa dilag na hindi ko nga alam kung saan ko mahahagilap. Malaki pa naman ang kamaynilaan kung saan palagi siyang nakatira sa tuwing kami'y magkikita. Isama mo pa na halos di-mahulugang-karayom ang pook na ito kaya napakahirap hanapin ang babae'ng minamahal ko noon paman. Nagtuloy akong maglakad sa kahabaan ng tabing-daan dito sa may siyudad ng Taguig at binagtas ang kahabaan ng daan patungong Makati ng bigla akong may nahagip ng aking mga mata. Hindi ko maisip na kani-kanina lang ay pinanghihinaan na ako ng loob na makikita ko siya, pero ngayon... ito na siya, tanaw-tanaw na ng aking mga mata ang mahal ko... ang marikit na mukha ng dalagang noon pa ma'y iniirog ko na.

I Have A Friend, They Called Him TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon