~~~
"Ika-apat na Prologo"
~~~
1824, Tomas (Cronus)
Tumutulo parin ang mga luha kahit na ilang tain na ang nakakalipas. Ang sakit ng kanyang paglisan. Ang sakit, pero hindi ko parin kayang tanggapin. Sirang-sira na ang buhay ko simula ng nilisan niya ang mundo sa hindi kaaya-ayang paraan.
Ang paraan nang kanyang pagpanaw, hindi... hindi ko kayang matanggap. Para lang siyang hayop na pinatay. Wala naman siyang kasalanang dapat pagbayaran ng buhay niya, hindi naman sila gumawa ni minsan ng kalapastanganang sa kanila ay ibinibintang. Pati ang binibining aking aking iniirog ay naisama sa kanilang kapangahasan. Wari'y pinaglalaruan lamang ng mga makakanluraning mananakop ang aming abang buhay.
Hindi ko manlang muling narinig ang kanyang mala kristal na boses. Ang mayumi niyang pagtawang nakaka-akit. Ang marikit niyang mukha na siyang nagbibigay ng liwanag sa kadiliman ng aking buhay. Ngunit hindi pala magiging matagal ang liwanag na ibinibigay niya, sapagkat kasabay ng kanyang paglisan ay ang pagkawala nito. At dama ko ang sakit at pagkapoot sa mga taong kumitil ng kanyang buhay... sa buhay ng mahal kong dalaga, ang ilaw kong dating talang nagnining-ning sa madilim na kalangitan. Poot na nagdulot ng matinding kagustohang gumanti sa mga taong dahilan ng kanilang dagliang pagkamatay. Ganting naging dahilan ng aking pagkakasala sa diyos na makapangyarihan. Na ni minsan sa buhay ko ay walang oras na hindi ko pinagsisihan. Nabulag ako ng dahil sa labis na galit at paghihinagpis na nagdulot saakin ng matinding kaparusahan. Hindi naman lingid sa aking kaalaman ang laki ng aking ka-tampalasahan at ang karumaldumal kong ginawa para lang sa mga taong pumatay sa mga taong pinaka-mamahal ko.
Pinatay ko rin sila. Sa paraan kung paano nila pinatay at ipinakita sa mga tao kung paano mamatay at sinunog nalang ang mga bangkay ng kanilang katawan kapag kinalaban nila ang mga España. Kaya iyin rin ang iginawad kong ganti sa kanila. Pagkatapos ko silang pahirapan at patayin ng sunod-sunod ay tinipon ko sila sa harapan ng himpilan ng mga guardia sibil ang kanilang mga bangkay... at doon ko sila walang ano-anong sinilaban hanggang sa masunog sila ng tuluyan at maging abo. Saka ako umalis. Nilisan ko ang lugar kung saan ako lumaki at nakatira. Tumakas ako at tumakbo hanggang sa makarating ako kung saan. Sa layo ng nang aking itinakbo para lamang makalayo sa bayan ay pagkahinto ko ay agaran na akong nawalan ng malay, tila katapusan ko na ng mga oras na iyon. Gutom at pagod na pagod, wala pang malapit na sapa para aking ma-inuman. Sa isang malayong pook, sa gitna ng malawak na kakahuyan sa kagubatan ng tabi ng bayan. Doon ay dinalaw ako ng mahabagin at makapangyarihang diyos sa saking panaginip dahil sa kapangahasan ko, sa madugo kong ppaghahanap ng hustisya. Dahil doon nabulag ako at ito, naging tulad narin ako ng mga Español na mamamatay tao. Dito din nagsimula ang kapangyarihang ibinigay saakin ng diyos... ang makabalik sa nakaraan at ang magtungo sa hinaharap. Ngunit kalakip nito ang isang masalimuot na sumpa na na ni isa man sa mga tao ang magnanais na makamtan. Ang paulit-ulit na pagkamatay ng taong pinaka-mamahal ko. Paulit-ulit na sakit. Paulit-ulit na galit. Paulit-ulit na pakiramdam ng pagiging nag-iisa. Ang paulit-ulit na pangungulila. Dapatwa't nakikita ko nga siyang muli. Pero paulit-ulit paring pinagsisisihang wala ako palagi sa tuwing mawawala siya... isang kabiguan na aking dadamdamin hanggang sa aking kamatayan.
BINABASA MO ANG
I Have A Friend, They Called Him Time
Historická literaturaMayroon akong kaibigan... sa maniwala kayo o hindi, siya ang oras.