~~~
"Kaibigan ko ang Oras"
~~~
Ako si Celline, at kaibigan ko ang Oras.Madaming mga nagsasabi na kapag kaibigan mo ang oras ay magagawa mo ng maging pinakamakapangyarihang tao sa mundo. Kaya mong ibalik sa dati ang mga nangyari, kaya mong pumunta sa lugar sa hinaharap. Kaya mong kontrolin ang sarili mong tadhana.
Pero sabi-sabi lang ang mga iyon at tila hindi naman ganoon kadali ang maging kaibigan mo ang oras.
Mahirap pakisamahan ang oras... mahirap siyang makuha... mahirap makuha ang napaka-ilap na tiwala niya. Ngunit kapag ikaw na, ang nasa kalagayan ng isang taong malapit sa oras... malalaman mong hindi pala dapat maging malapit sa kanya. Dahil masasaktan ka, susuko ka, mahihirapan, at higit sa lahat hindi mo mararamdaman na... unti-unti ka nang pinapatay ng pagiging malapit mo sakanya.
You'll never know na unti-unting kinakain ka na ng kalungkutang dala niya na naipapasa niya sa iyo. Hindi mo makikitang ikaw na pala ang may pasan ng problema niya pagdating ng araw.
Sometimes, the time itself could be left aside. Naiiwan siya. Nawawala. Pero hindi parin siya tumitigil sa pagbibilang dahil trabaho niya yun. Pagod na siya ngunit wala na lang siyang magawa kundi ang magtrabaho dahil iyon ang iniatas sa kanya ng Maykapal. Walang hinto. Walang pahinga. Kahit pagod... kailangan magbilang... kailangang maging matatag.
I don't know how he still come up with this things. Kung paano niya hinahayaang mababad ang sarili niya sa dagat ng mga problema. Sa dagat ng mga tanong na ipinupukol sa kanya ng mga tao. Sa mga sisi na sa kanya ibinabato. I don't really know how he's still love the woman that she wondering of... na siyang dahilan daw ng pagkakaroon niya ng malalang sumpa at buhay na hindi matapos tapos. Sabi niya sa mga kwento niya sa akin. That woman... that woman is really my life, literally she is. I don't know kung maniniwala ba ako sa kanya nung una na isinumpa siya but when he do something strange. When he bend the time and we'll back to a day before the present day... doon ko narealize na totoo nga. Na totoo ang mga kathang-isip lang dati sa paningin ko. Na totoong siya... siya ang oras. Na kaya pala yung pangalan niya ay nangangahulugan ding oras kapag isinalin sa salitang ingles. At doon ko lang rin napagtantong ako... ako na isang normal na rich kid lang noon ay kaibigan... nag-iisang kaibigan ng oras sa mundong ito.
Ako si Celline...
Ako ang kaibigan ng Oras...
BINABASA MO ANG
I Have A Friend, They Called Him Time
Historical FictionMayroon akong kaibigan... sa maniwala kayo o hindi, siya ang oras.