Kabanata 1 | Kanlungan

7 2 0
                                    

~~~

"Kanlungan"

~~~

  2018, Cronus

  Alanganin ang posisyon namin habang hawak hawak ko siya sa kanyang likod at baywang. Binabalanse ko ang aking katawan upang hindi kami bumuwal sa daanan na puno ng sasakyan na ubod ng bilis kung rumagasa.

  Nakatingin lang ako sa mukha niya... tila nagkakaroon ng tambol sa aking puso dahil sa lakas ng tibok nito.

  Siya nga talaga... siya ang babaeng hinahanap ko noon pa.

  Ilang taon ang aking iginugol. Ilang taon ang aking hinintay makita ko lang siyang muli. At ito na nga siya, nakita ko na nga siya. Ngunit tila hindi pa ito ang panahon para magkita kami. Alam kong hindi pa ito ang oras... nararamdaman ko iyon habang hawak hawak ko siya.

  Nawala ang ngiting naipinta sa mukha ko ng makita ko siya dahil sa naisip. Nalulungkot mang pakawalan siya ay ginawa ko narin dahil ito ang nakatadhana. Para lang akong nasa isang estorya, kailangan kong sumunod sa karakter na ibinigay saakin ng tagasulat. Wala akong magagawa dahil ito na ang nakaplano. Ang nakatadhana. Wala na akong magagawa kung hanggang ganito nalang ba, hanggang dito nalang sa oras na ito ang pagkikita namong dalawa sa mga panahong ito. Dahil hindi yun ang itinakda ng tadhana. Wari'y isa lang itong gimik na kanyang nilikha para ipakita saakin ang babaeng kailangan kong makita... para iparamdam saakin amg sakit na kahit nagkita na kayong muli, hibdi naman sapat na oras ang ibinigay sa inyo ng tadhana.

  Bawat sigundo ay tila oras kung titingnan sa perspektibo ko habang hawak ko ang kanyang likudan. Nakahawak pa nga sa aking braso ang kanyang mga kamay, takot na mahulog saking bisig. Tila nagbalik ang nakaraan. Noong unang pagkikita namin sa kahapunan ng Setyembre 24, sa taong isang-libo-walongdaan-at-labingwalo. Naalala ko ang napakagandang mukha ng binibining nagbigay ng saya, pagmamahal, at kalungkutan sa aking puso.

  Tila nauulit na nga ang nakaraan... ang nakaraan na pilit kong kinakalimutan...

---

2018, Celline

Ilang araw na makalipas ang nangyaring kakaiba saakin nung nasa daan ako pauwi. Ewan ko ba kung bakit sa tuwing inaalala ko ang mga nangyari ay tila gusto kong mas malalim pang alamin kung sino ang lalaking tumulong saakin doon sa daan.

  Kung bakit ba kasi bigla na lang siyang naglaho na parang isang bula. May sa mahikero din ang isang iyon e.

  Napakamot nalang ako sa aking tuktok ng maisipang hindi ko na nga matanggal ang isip ko sa lalaking iyon. Bakit nga ba kasi ang laki nalang ng epekto niya saakin. Kakaiba din kasi siya e. Pagkatapos niya akong tulungan hindi manlang niya ako hinintay na makapagpasalamat. Tsk! I really feel guilty, and I don't know why? Siguro kasi naabala ko siya o dahil hindi malang ako nakapagpasalamat sa tulong niya saakin.

  Kung wala siya ay baka pinaglalamayan na ako ngayon ng pamilya ko.

  Pero atleast now, after what happened to be that noon, dad decided na wag na ako ang utusan niya sa pagbili ng frappe kay mom because mas nakakatakot nadaw para saakin ang lumabas ng mga ganoong oras sa ganoon kadelikadong mga lugar, lalo pa at tila mas lumalala pa ata ang nagiging epekto saakin ng sakit ko.

  I know naman na malala na talaga ang sakit ko noon pa. I know it even if my father and mother won't tell it to me. Ayaw nilang sabihin cause they thought na masasaktan ako ng sobra.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Have A Friend, They Called Him TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon