~~~
"Simula"
~~~
2018, Celline
Hays! Bakit ba kasi palagi nalang akong inuutos-utusan ni dad na bumili ng frappe para kay mama. Alam ko naman na sweet guesture niya lang yun na ginagawa niya for mama, but to make me a delivery woman... Agh! Ewan ko nalang, pero ano nga namang magagawa ko, if hindi ko yun gawin ay mananagot naman ako kay dad. Siguradong uusok nanaman ang mga butas ng ilong at tenga ng isang yun kapag hindi ko ginawa ang mga iniuutos niya.
Agh! Bakit ba kasi ako pa? Naroon naman sa bahay si Westley at mas malamang na wala siyang ginagawa sa mga oras na'to kaysa sa akin. Saakin pa talaga ini-atas ni dad ang gawaing ito. Mas busy akong tao kaysa sa nakakabatang kapatid pero ako parin talaga ang naisipan niyang paglaanan ng trabaho.
Napasimangot nalang ako habang naglalakad sa may side walk ng daang tinatahak ko. Medyo malayo pa kasi, but still kaya ko panamang maglakad at alam kong makakatulong din ang konting paglalakad para ma-excercise ang heart ko.
Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may sakit ako at kailangan ko din ang paglalakad para makatulong sa sarili ko. Sa health ko.
Ilang taon narin kasi ng ma-diagnosed ako ng doktor ko na may butas daw ang puso ko. I go through some medication process but the risk of my sick is still there. Sabi nila okay lang daw ang lahat at hindi naman daw malala ang sakit na mayroon ako at maaagapan pa pero I know na hindi iyon ang totoo at inililihim lang nila ang lahat para hindi ako ma-down sa sakit kong ito at para lumaban pa. Until now dumadaan parin ako sa mga proseso ng pagpapagaling... pero inihanda ko narin ang larili ko sa pinaka-worst na pwedeng mangyari saakin dahil sa sakit na mayroon ako. Hindi naman ako tanga para hindi ko maisip ang mga bagay na ganoon kakomplikado, mga bagay na pwedeng maganap saakin, ngayon or kahit kailan o kahit saan pa man dahil sa sakit kong ito. Alam kong anytime at kahit saan pa man yan, maaari akong mawala kapag huminto nalang bigla ang puso ko sa pagtibok nito.
Bumuntong hininga ako at saka wala sa sariling napa-iling-iling ng dahil sa mga salitang aking naisipan.
"Magpaka-tatag ka Celline, hindi pa sa taong ito magdadapos ang lahat!" At saka ako sumuntok pataas sa langit. Hindi pa ito... hindi sa sakit na itomatatapos ang lahat saakin, nag-uimpisa palang ako at hindi ako titigil sa buhay, hanggang sa huli kong hininga.
Tumango tango pa ako at saka naglakad ng muli na parang walang ginawang kakaiba na nakita ng lahat ng nasa paligid ko ng oras na iyon. Naglakad ako na parang iyon na ang pinakahihintay kong walkway at naghahantay saakin ang korona at spotlight sa dulo ng lahat ng mga pagsubok na nilalampasan ko.
Akalain niyo yun, yung naglalakad lang ako kani-kanina ng utusan akong bumili ng frappe ni dad para kay mama, and them na-isip ko na ang mga ganoong mga bagay-bagay. Maybe nadala lang ako. Nasa harapan na ako ng pedestrian lane at naghihintay na huminto ang mga sasakyan kapag-nasa red na ang stoplight ng bigla ay nakaramdam nalang ako ng matinding pagkahilo. Napahawak pa ako sa bakal na sign nang pedestrian lane at saka hinilot ang biglang sumakit na parte ng sintido ko. Parang lalagnatin ata ako sa sakit ng ulo ko. Pinilit kong tumayo ng maayos at inalis ang kamay ko sa pagkakakapit sa bakal na signage. Agh! Bakit naman ngayon pa!
Ipinilig ko ang ulo ko at saka napapikit-pikit ng mas lalo pa itong sumakit.
Abak naman talaga ni Joseph oh! Sa pedestrian lane pa talaga ng isa sa pinaka-busy'ng lugar sa NCR ako nagkaganito!
Tila lalo pang sumakit ang ang ulo at napahawak na ako
dito gamit ang dalawa kong kamay. Ang sakit! Ano bang nangyayari saakin? Bakit ang sakit ng ulo ko?
Nawalan ako ng balanse ng maglakad akong muli, tila umiikot ang mundo sa paningin ko. Hexk! I needed to get out here!
Gumigewang-gewang ako habang naglalakad na ani mo'y isang lasing dahil sa sakit na nararamdaman ko. I want cry pero biglang hindi ko na alam kung paano ko yun magagawa.
What the fudge is happening to me?
I stepped again and find anything to hold but I failed to find one. Kahit ang ibang mga taong nasa paligid ko ay hindi malang ako tinulungan. Sino nga namang tutulong at mag-aabala na tumulong sa di nila kakilala.
Nagred na siguro ang traffic light dahilan kaya halos makaladkad na ako ng mga tao kaharap na sidewalk. Nagpatianod nalang ako sa tulak ng mga tao hanggang sa maramdaman ko nalang na nakahakbang na pala ako sa gatter ng kabilang sidewalk. Ngunit hindi pa man ako nakaka-isang hakbang ay naramdaman ko nalang na may tumulak saaking kung-sino at sa lakas ng pwersa ay unti-unti kong naramdaman ang pagbulusok kong mabilis.
Hindi ko naman kakilala ang tumulak at hindi ko din siya nakita dahil masakit parin ang ulo ko. Ngunit hindi ko inaasahang hindi ako sa lupa bumagsak kundi sa bisig ng isang taong hindi ko naman kakilala. Nang unti-unti ko ng imulat ang mga mata ko ay nakita ko ang isang lalaki, hindi ko nga naaninag masyado ang kanyang mukha sapagkat natakpan ito ng liwanag ng sikat nang araw. Bigla nalang lumakas ang tibok ng aking puso at tila naging slow motion ang lahat.
Tila nasa isa kaming fantasy-romance na istorya at kaming dalawa ang bida, kaming dalawa lang ang nakikita ng isa't isa at wala kaming nakikitang iba. Ilang minuto din kaming nakatitig sa isa't isa bago niya ako binitawan ng mapansin niya din siguro na halos ilang minuto na kami sa ganoong posisyon. Napakurap-kurap pa nga ako sa nangyayari at tila hindi ako makapaniwala sa bigla nalang nangyari. Tila panandaliang nawala ang sakit ng ulo ko at napalitan ang lakit ng malakas na tibok ng puso ko.
Itinayo niya ako at tinulungang maglakad hanggang sa makarating kami sa gilid ng isang signage kung saan niya ako isinandal. Walang umiimik sa aming dalawa at dahil nahihiya din naman ako sa kanya ay hindi ko narin inumpisahan pa ang magsalita.
Isa pa ay napakalakas ng tibok ng aking puso na hindi na maganda para sa kalusugan ko. Baka mamaya ay makasama pa itong lalo saakin kaya naisipan kong huminga muna ako ng malalim at pakalmahin ang sarili kong puso na sa ngayon ay nag hu-huramintado na.
Ilang minuto din bago ko mapakalma ang nararamdaman at saka ko palang binalingan ang lalaking tumulong saakin kanina, ngunit sa pagkabigla ko ay wala na siya doon sa aking likod.
"Paanong—hindi manlang ako nakapagpasalamat sa ginawa niya." Nagkibit nalang ako ng aking balikat at saka ko naramdamang muli ang sakit ng aking ulo.
Inisip ko nalang na mabuti nalang talaga at siya'y naparaan at tinulungan niya ako kung hindi ay baka patay na ako sa pagkabagok.
Napapikit ako ng biglang kumirot nanaman ang aking ulo. Doon ko nalang din napansin na wala na palang laman ang plastik na kinalalagyan ng frappe na nasa kamay ko. Tsk! Patay ako niya kay dad! Hayssss!
I just called my brother, Westley na sa sunduin ako sa kinaroroonan ko. Hilong-hilo na ako at unable na akong maglakad ng madaming beses. Hindi ko narin kaya ang intense na mga sasakyang pang-publiko. Sinabi ko narin sa lalaki kong kapatid na tumigil kami saglit sa isang cafe para ibili si mama ng kape at wala naman siyang imek ng utos utusan ko siya habang pauwi na kami sa bahay at pinagmamaneho niya ako.
Minsan advantage ko din yung pagkakaroon ko ng sakit dahil inaalala nila ako ng sobra sobra lalo na kapag may masama akong nararamdaman. Halata naman kasi sa kunot noo kong kapatid ang pag-aalala sa nangyari saakin.
BINABASA MO ANG
I Have A Friend, They Called Him Time
Historical FictionMayroon akong kaibigan... sa maniwala kayo o hindi, siya ang oras.