Two: Accident
Malaki at malawak ang mundong ginagalawan natin kaya hindi nating masasabing alam at nakita na natin lahat ng mga nilalang na nabubuhay rito. Hindi lang tayong mga tao, hayop ang nilikha ng panginoon para mangalaga at maging parte ng mundong ito. Hindi lang ang mga nakikita ng ating mulat na mga mata ang maututuring nating nilalang na nilikha.
Marami ng napatunayan ang mga dalubhasa sa agham, marami ng naisiwalat na lihim ngunit marami pa ring nakakubling misteryo ang bumabalot sa mundo.
Iba't ibang paniniwala, kanya kanyang opinyon at magkakaiba man ang pagkilala ngunit iisa lang ang kinikilalang lumikha na siyang itinuring na pinakamalakas sa lahat. Ang Bathala, and Alah. Ang Diyos. May mga ilang paniniwalang may mga diyos at diyosa na siyang nangangalaga sa mundo para mapanatiling maayos at mapayapa ito.
Also, mythical creatures that I can't believe exist. Their existence is something I used to bury myself in, hoping that it was just part of my nightmares.
The event that night when Mom got abducted by those filthy and fearsome monsters flashes into my mind. I cried and strained to forget my nightmares in my mind.
Kalaunan kaming nasa biyahe ni Inay ala sais ng gabi, galing sa bahay para sana magbounding together to celebrate my Graduation day, Gello didn't join us, he reasoned that we need some time alone, but something unexpected calamity came out in front of us. Those big flying creatures are now attacking us. Hindi lang isa kun'di, hindi mabilang na halimaw ang siyang nag-aabang sa amin sa labas.
Hindi ako binitawan ni Inay at mahigpit na niyakap na para bang mawawala ako kung hindi niya iyon gagawin. Paulit-ulit ang kaniyang panalangin kaya maging ako ay nahawa na rin sa kanya. Praying that someone will come out and help us. Hoping that those who what's so ever three strangers heroes will be here saving us like how they saved my mother and the citizens in our old district back then. Kahit na alam kong hindi na iyon mangyayari ay nagbabaka sakali pa rin ako.
"I love you Rosie. Please live and continue living even if I'm not with you. You're a strong and brave girl. Mahal na mahal ko kayong dalawa ni Gello." Huli kong narinig bago nandilim ang paligid.
Nagising ako dahil sa mabigat na nakapatong sa akin. Ganoon na lang ang buhos ng luha ko ng makita ang brasong nakapulupot sa akin galing sa walang buhay kong Ina. Nanghihina ako dahil sa mga nawalang dugo sa katawan ko at lalo na sa aking ulo na siyang may malaking pinsala.
My vision got blurry not because of my tears but because I was already at my limitation. I can't keep my eyes open, all I want is to sleep and hope that this is just one of my nightmares.
Ang natutulog na si Gello ang una kong nakita ng magkaroon na ako ng lakas na imulat ang mata. Gumalaw ako at nilibot ang paningin sa kabuuhan ng puting kuwarto.
"I-inay?" Iyong agad ang naisatinig ko ng bumuka ang bibig ko. Nagising na rin sa Gello dahil roon.
"R-rosie." Ang kaninang inaantok ay nabuhayan ng dumako sa akin ang kanyang mata. Nanggilid na ang luha niya pero agad niya iyong pinalis at nginitian ako. "Thank goodness you're awake."
Hinawakan niya ang noo ko at lumapit para halikan ito."Y-you hungry? Thirsty? Ano may kailangan ka ba? May masakit pa ba sa iyo? Tell me." His voice broke.
"Si I-inay." Tangin iyon lang ang nais na ibuka ng bibig ko sa dami ng tinanong niya. Natigilan siya at matagal bago nakabalik sa reyalidad pero ang hinihintay kong sagot ay hindi ko narinig sa kanya at nanatiling tahimik lang kaya inulit ko.
Tumikhim ito at nang sandaling ibubuka niya na ang bibig niya siya namang pagbukas ng pinto. Pumasok ang doktor kasama ang dalawang nurse. Nawala na kay Gello ang atensiyon ko dahil naagaw na ng taong papalapit sa'kin.
YOU ARE READING
VLAZE Kingdom {♠Vampire Obsession Series # 1 ♥}.H
VampireSummary An accident that happened 10 years ago took my beloved mother. I lost some of my memories because of the trauma. Only a few things about myself I remember so far. In my Ten years of living, I constantly experienced inexplicable events. In m...