Three: VLAZE
"Who are you?" Malamig niyang boses. Kinilabutan ako ngunit ibang kilabot ang naramdaman. Kilabot para sa sarili dahil sa halip na matakot ay napapanatag ang kauluban ko.
His presence tickled me. It gives me having foreign feelings. I don't have a strength to make a voice and answer him instead I close my eyes. Once I closed my eyes I hear his last words before his presence slowly fade.
"Surely, I will find your roses smell..."
Nilibot ko ang paningin sa kabuuhan ng CR expecting somehow a man or even his shadow but no one is inside this cubicle except me. Umiling ako sa sarili dahil sa kabaliwan bago nagmadaling bumalik sa klase.
Wala akong maintindihan ni isa sa aming aralin dahil nasa kaninang sitwasyon umiikot ang isip ko. Thinking if all of those are just my imagination or real? Maybe I'm exhausted so my imagination got worsen. Dahil ba iyon sa palagi kong napapanaginipan? Na kahit dito at gising ako ay hindi ako tinitigilan.
"Venice."
My thoughts cut when I heard Meg. Tumingala ako sa kanya. Nakasaklay na sa kanyang balikat ang shoulder bag niya at nakatayo na sa harapan ko. Saka ko lang narealize na uwian na pala. Hindi ko namalayan dahil sa lalim ng iniisip ko.
"Grabe. Anong fantasia ang nasa isip mo at lutang ka diyan. Uwian na po madam." She sarcastically said.
"Sabihin mo, sinong pinagpapantasya mo?"
"W-wala. Pagod lang ako Meg." I don't know if I sounded defending but on how I saw Meg smirked I know it was.
Hindi niya tuloy ako tinantanan hanggang sa nakarating na kaming gate. Kung hindi niya lang napansin si Gello sa labas na nag-aantay ay hindi siya titigil.
"You own me an explanation tomorrow. Just reminding you. Bye beh!" Kumaway pa siya at madaling umalis sa tabi ko.
Pinanood ko pa siya hanggang makasakay sa sasakyan nilang SUV. Lumingon pa siya sa akin at kumaway ulit bago tuluyang umalis.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa kakulitan niya. Umiling ako at lumapit na kay Gello na nagtatakang pinagmamasdan ako. 'what?' I mouthed him.
"Let's go." Seryoso niyang balin parang hindi ako naintindihan sa nginiwi ko. But then I didn't say a word. Ayaw ko ng kulitin siya at parang masama ang mood ngayon.
Tahimik kaming nakarating ng bahay. Sa tagal naming pagsasama ngayon ko lang siya nakitang tahimik. Dati naman siyang tahimik pero hindi gaanong ganito katahimik. Iyong mismong ingay ng butiki sa kisame naririnig ko na, pati ang bawat pagtulo ng tubig ng grupo namin mula sa kusina.
Kanina ko pa siya pinagmamasdan, sa sasakyan pa lang. Siguro dahil may problema siya sa trabaho. Sinabi ko naman kasing huwag na siyang nagtrabaho. Kaya naman naming mamuhay ng hindi ako nakapagtapos. Pwede ko naman siyang tulungan. Nang sa ganoon ay hindi na siya mahirapan pa.
We eat silently. Tanging kubyertos lang ang gumawa ng ingay.
Nang matapos siya ay deritso ang tungo niya sa hugasan dala ang pinagkainan at hinugasan iyon. Ako, I only watch him.
"I'll go first and get a shower. Rosie." Halos mapatalon ako ng nilingon niya ako. He's with his usual gentle gaze but I can't help but be bothered with his silence.
Magsasalita na sana ako ng pumihit na agad siya at nilagay na ang hinugasan sa lalagyan at tumungo na sa bathroom. Tinikom ko na lang ang bibig ko at nagligpit na rin ng pinagkainan. Tapos na rin naman ako.
Matagal bago siya lumabas ng bathroom kaya nakatulugan ko na siya sa kahihintay na matapos. Nagising na lang ako ng nakaramdam ng pagka uhaw. Madilim na at tanging ilaw na lang galing sa labas ang nagbigay liwanag kaya kahit papaano ay kita ko pa rin ang daan papuntang kusina. Pero bago ako pumunta roon ay sinilip ko muna si Gello sa kuwarto niya at nang makita kong mahimbing ang kanyang tulog ay nagpatuloy na ako.
YOU ARE READING
VLAZE Kingdom {♠Vampire Obsession Series # 1 ♥}.H
VampireSummary An accident that happened 10 years ago took my beloved mother. I lost some of my memories because of the trauma. Only a few things about myself I remember so far. In my Ten years of living, I constantly experienced inexplicable events. In m...