Nine: Danger
Hindi niya na ako binitawan hanggang sa makarating kami sa Englache(Enlak): Central of Vlaze(Vleyz) Kingdom.
Nakaguhit ito sa itaas ng isang tore kung saan matatagpuan ang malaking kampana. Napapalibutan ng malalaki at matataas na bahay. Hindi kagaya ng sa mundo ng mga tao na mga gusali, dito ay parang isang maliit lang na kastilyo. Napakagandang pagmasdan. Gawa lang ito sa bricks pero halata na matatag at maganda ang pagkakahawla nito.
Para lang ako nasa lalawigan ng Pilipinas. Mayroon rin silang sasakyan na kung tawagin ay Kalesa kagaya ng kalesa sa mundo ng tao. Pinagkaiba lang ay hindi isang kabayo kun'di isang lobo. Yes! Isang lobo.
Hindi ito kagaya ng iniisip niyo. These wolves are just ordinary wolves. Though there's part of this world where the werewolves truly exist.
Unlike vampires they can go back and forth to the human world without any complications. Sadly they don't have a good relationship with these Vampires. Just like in the movies and books in our world. Vampires and Werewolves are mortal enemies.
Werewolves have their own land far from this kingdom. You can compare them as a neighborhood country from the human world.
I wonder if I can cross wolves boundaries. Baka kasi makakatulong sila na makabalik ako sa mundo namin. I hope.
We ride kalesa. Pansin ko ang mga matang mapag-matyag sa amin, hindi ko tuloy maiwasang kabahan. Masama ang pakiramdam ko sa kung papaano sila tumitig sa amin o mas tamang sabihing sa akin.
"We've arrived, Your Majesty." Salita ng lobo.
Wait, What?!
Hindi ko maiwasang manlaki ang mata habang napatingin sa lobo. Nakapagsalita siya!
"Let's go." Vlad interfered with my thoughts. Napabalin ako sa kanya at nakalahad na ito ng kamay sa akin. Hindi ko namalayang nakababa na pala siya dahil sa pagiging occupied ko sa lobo.
Tinanggap ko ang kanyang kamay at inalalayan niya naman akong bumaba. Nang makababa ako ay umalis na ang kalesa. Dumeritso agad kami sa loob ng isang malaking tarangkahan.
Englache Restaurant
Basa ko rito. Nagtataka ako kung ano ang gagawin namin dito dahil base sa nakikita ko isa itong magara at tanyag na lugar. Restaurant? Ito ba ang pupuntahan namin? Ano naman ang gagawin ko rito? It's too elegant.
Pagpasok pa lang ay laglag panga na ako dahil sa ganda at engrande ng loob. The floor is polished. From the red carpet in the aisle. Surrounded by the big round tables with three to five chairs. The walls are tinted, and the windows are glassy. There are also five big chandeliers, and the biggest is located at the center of those four. Punong-puno rin ng kurtina ang bawat parte ng kuwarto. Kahit na dadalawa, tatlo lang ang kulay ng mga ito ay hindi pa rin nakakabawas sa ganda ng lugar.
"His Majesty has arrived!"
Bigla akong napatingin sa nag-anunsiyo. Saka ko lang napansin na nakaluhod at nakayuko na pala lahat ng tao- I mean bampira sa loob ng restaurant. Nailang tuloy ako dahil pakiramdam ko ay kailangan ko ring lumuhod at yumuko. Hindi ko sanay sa ganito.
Napakamot ako sa pisngi ko dahil sa pagkailang. Ano ba naman ito.
In chorus, they all greeted Vlad. "Your Majesty!"
"Arise." He commanded. Tumayo naman ang lahat at bumalik na sa dating ginagawa. Masyado na akong na a-out of place. Shocks.
Kalaunan lang ay marami ang bumati at lumapit sa amin. Karamihan ay mga may matataas na katungkulan o katayuan sa buhay ang nakakasalamuha namin. Obvious naman dahil masyadong mahal ang lugar na ito para sa isang katulad ko na ordenaryo lamang.
YOU ARE READING
VLAZE Kingdom {♠Vampire Obsession Series # 1 ♥}.H
VampireSummary An accident that happened 10 years ago took my beloved mother. I lost some of my memories because of the trauma. Only a few things about myself I remember so far. In my Ten years of living, I constantly experienced inexplicable events. In m...