♠️ Chapter Ten ♠️

9 5 0
                                    

Ten: Attacked

Rosē POV

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Ang akalang nakabalik na sa mundo namin. Ang akalang panaginip lang lahat ng iyon ay nagkamali ako.

Lahat ay totoo.

Masakit ang ulo kong bumangon. Ramdam ko ang mga benda sa aking ulo maging sa iba't ibang parte ng katawan. Biglang bumalik sa akin ang panahon kung paano ko nakuha ang mga sugat at pasa na ito.

~~~

Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa wala pa ring tigil na pagyanig. Nanatili pa rin ako sa ilalim ng lamesa habang nananalangin na sana ay dumating siya.

Ngunit ang inaasahan kong dadating ng marinig ang malakas na kalabog, sa halip na siya ay ang tatlong nakakatakot na nilalang. My strength is worn out, I don't know why, maybe because of these monsters. Their smells are like a corpses.

Akala ko ay hindi nila ako matatagpuan sa ilalim ng lamesa ngunit iyon ay isang pagkakamali. Napatili na lang ako ng hilahin nilang marahas palabas sa ilalim. Naramdaman ko ang hapdi sa kamay dahil sa matatalim nitong kuko na bumaon sa aking balat.

Namilipit ako sa sakit ng sinikmuraan ako ng isa sa kanila. At nagsuka ng dugo dahil sa ginawa nito. I'm slowly losing my consciousness. Hindi ko na alam pa kung saan nila ako dinala basta ang alam ko lang ay nawawalan na ako ng hangin. Ramdam ko lalo ang panghihina at anumang oras ay mawawalan na ako ng malay.

"Rosie! Bitawan niyo siya! Lumayo kayo sa kanya mga halimaw!" Huli kong dinig na sigaw ni Rence bago ako tuluyang kinain ng dilim.

~~~

Nilapag ko sa sahig ang dalawa kong paa saka inalis ang kumot na nakabalot sa akin. Babangon na sana ako ng bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang babae na nakasuot ng damit na gawa balat ng hayop. May dala itong pagkain at halamanang gamot na siyang sigurong pinanggamot sa sugat ko.

"Hindi pa lubusang naghilom ang sugat mo." Marahan nitong sabi at saka nagmadaling binitawan ang dala para alalayan akong ibalik sa higaan ng gawa lamang sa kahoy. May banig namang siyang hinihigaan ko, makapal na kumot at unan.

"N-nasaan ako?" Tanong ko bago pumikit dahil nakaramdam ulit ako ng pagkahilo. Narinig ko ang tikhim niya siguro ay naaalangang sagutin ako.

"Nasa WALVS ka. Sa ruta ng mga angkan ng matataas na lobo."

Napabuntong hininga ako. Ngayon nasa mundo naman ako ng mga lobo. Kailan ba natatapos ito?!

Hindi na ako nagtanong pa dahil nawalan na ako ng lakas pang malaman ang nangyari kung bakit ako napunta rito. Hindi ko lubusang mapaniwalaang wala siya sa oras ng kailangan ko siya. Hindi siya dumating kaya ako humantong sa ganito.

"Ika'y natagpuan ko sa isang ilog habang ako'y nangangaso. Sugatan at walang buhay na palutang-lutang lamang. Nagpapasalamat ako dahil nasaiyo ang fleur d'amour. Papaano mo ito nakuha?"

Minulat ko ang mata ko dahil sa kawalan ng ideya sa mga sinabi nito. fleur d'amour?

May kinuha siya sa katabing lamesa at pinakita sa akin ang tinutukoy niyang bulaklak. Kumunot ang noo ko ng mapamilyaran ito. Bigla kong hinablot iyon sa kanya at takang tinitigan ito. Bakit ito nandito?

"Fleur d'amour? Mawalang galang na po, Ano pong ibig sabihin?At... " hindi ko na naituloy ang sasabihin ng maalala kong hindi maganda ang salitang lalabas sa bibig ko. Naalala kong hindi pala maganda ang relasyon ng mga bampira sa mga lobo.

"Ito'y isang uri na bulaklak na may kakayahang bumuhay ng kapareha. Ngunit pinagbabawal ito dahil masyadong koplekado at mapanganib gamitin. Lalo na sa isang tulad mong tao. Hindi ko alam ang buong detalye ngunit maaari kang parusahan ng walang hanggang buhay."

VLAZE Kingdom {♠Vampire Obsession Series # 1 ♥}.HWhere stories live. Discover now