Twelve: Luna
Hindi pa rin natapos si Layla kahit nang nasa kama ko na siya. Kuwento ng kuwento tungkol sa buhay niya samantalang ako ay tahimik na nakikinig. Sumagi na lang sa akin ang pangyayari ng una ko siyang nakita.
Naglalaba ako sa sapa ng makarinig ng alulong ng isang lobo. Hindi ko alam kung bakit sa halip na matakot ako ay sinundan ko ang ingay na iyon. Pakiramdam ko ay humingi siya ng tulong.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinanggalingan ng alulong. Tama nga ang hinala ko.
Napahawak ako sa bibig ko ng makita ang halos wala nang buhay na babae at gutay-gutay ng damit.
Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan ito at tingnan ang kalagayan niya. Mahina ang kanyang pulso kaya kinabahan ako.
Nagmadali akong kumuha ng halamanang gamot para gamutin ang mga sugat nito. Sa tagal ko rito sa lugar ng mga lobo ay natutunan ko ang panggagamot kahit yung mga basic lang nila alam ko, tinuro sa akin ni Irisa kung papaano at laking gulat ko pa nga ng malamang mabibisa pa kaysa sa mundo namin ang halaman rito. Nakakamangha.
Ilang sandali lang ay medyo bumuti na ang kanyang kalagayan.
"M-miss. Tatawag lang ako ng tulong. Sandali lang." Nangatal kong sabi habang ginagamot ang sugat na natamo nito. Nilinisan ko ito at maging ang katawan niya.
Nang matapos ay tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang pagkapit ng malamig niyang kamay sa akin.
"S-sino k-ka?" Napatulala bigla ako ng makita ang kanyang berdeng mata kahit mapungay ito ay nangingibabaw pa rin ang kagandahan- scratch that. Umiling ako at inuna ang dapat gawin.
"VENICE!"
Hindi ko na nagawang lingunin ang sumigaw ng malakas kahit kilala ko naman kung kanino galing iyon dahil abala sa babaeng ngayon ay bumangon na. Kaso nga lang nahulog ang nakatabon sa kanyang dahon dahilan para lumantad ang halos kahubaran niyang katawan.
Nanlalaki ang mata ng babae habang nasa likuran ko ang atensyon. She cover herself with her arms kasabay ng malagim na mura ni Emman.
Nilingon ko ito at nakita ang pagkagulat sa mukha niya.
"Tumalikod ka muna Emman!" Inis kong sigaw ng hindi ito gumalaw sa kinatatayuan niya at hinarangan ang babae. Natauhan naman ito at tumalikod saka ko dinaluhan ang babae.
"Miss. Please calm down."
"N-nasaan ako? M-may humahabol sa akin. Tulungan mo ako. M-maaabutan nila ako-"
"Huwag ka munang gumalaw. Your wounds are too deep and I only put you first aid." Pagkalma ko sa kanya dahil hindi na ito mapakali.
Inayos ko ang suot niya bago binalingan si Emman. "Pst." Tawag ko. Lumingon naman ito kaya sininyasan ko siya na tulungan ang babae. He sighed and walk slowly towards us.
"We'll go to my place. You'll be safe there." Bumuntong hininga ito ng hindi siya tiningnan ng babae at nagpatuloy lang sa pagmamakaawa sa akin.
"Don't touch me!" She shouted and slapped Emmanuel's arm when he tried to help her.
"Don't be such a stubborn woman."
Magsasalita na sana ako para pakalmahin ang babae dahil dumugo na naman ang sugat niya, ngunit nawalan na ito ng malay. Agad naman siyang nasalo ni Emman para hindi bumagsak sa lupa. He cover her with his clothes and carried her.
He took a deep breath and face me. "Let's go back." He said in a serious tone and start walking. Tumango ako at sumunod na sakanya.
Nakarating kami sa silid namin ni Irisa at nilapag ang babae sa kama ko. Lumabas rin agad si Emman ng nailapag niya ang babae sa kama at hindi na bumalik. Dumating naman ang manggagamot maging si Irisa ng may pag-aalala sa mukha. She rush to me and asked of what happened so I told her the whole story.
YOU ARE READING
VLAZE Kingdom {♠Vampire Obsession Series # 1 ♥}.H
VampireSummary An accident that happened 10 years ago took my beloved mother. I lost some of my memories because of the trauma. Only a few things about myself I remember so far. In my Ten years of living, I constantly experienced inexplicable events. In m...