EPILOGUE
ANG paghihiganti ay 'di matatawag o mabibilang sa kasamaan para sa akin. Minsan naghihiganti ang isang tao base sa kung anong mga pangyayari at sitwasyon. Minsan nag-uugat din sa matinding pagmamahal. Sa estado ko? Naghiganti ako sa mga yumurak at sumira sa pamilyang kinagisnan ko. Puno ako ng paghihiganti dito sa puso ko. Puno ng galit at pagkasuklam sa taong sumira ng masayang pamilyang mayroon ako. Pero sadyang magpaglaro nga ang tadhana. Dumating siya sa buhay ko at pilit na binubuksan ang nakatago kong katauhan sa likod ng isang matapang na babae at walang kinakatakutan. Inibig niya ako kahit imposibleng mangyari ang bagay na 'yon dahil sa tindi ng pagkasuklam ko sa pamilya niya. Iminulat niya ako sa katotohanang magiging masaya rin ako, mula mismo sa piling niya. Pinilit ko namang tikisin ang aking nararamdaman sa kanya pero sabi nga nila? Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Kinain ko lahat ng sinabi ko noon at siya mismo ang nagsabing lahat ng bagay ay puwedeng maging posible. Ngayong pinili kong maging makasarili at tinanggap ko ang katotohanang magiging kami pala sa bandang huli. Ngayong umabot na kami sa sukdulan. Kakayanin ko bang mawala siya? O ang dapat sabihin ay kakayanin ko ba nang wala siya?
It's been a week since that incident happened. I almost killed myself that night after the accident. Natatakot na akong maiwan mag-isa. And now I am seeing my Thad, unconsciously. He's not dead pero tatlong araw na siyang tulog. And If you were asking what happened to Sapphire? Nasa mental siya ngayon, naka-confined. And Pierro, his husband was taking good care of her. Naaawa ako sa kanya, hindi dahil nasa mental siya kundi dahil pareho kaming nagmahal sa isang lalaki. Ang pinagkaiba lang ay ako na ngayon ang minahal ni Thad. Ipinagdarasal ko pa rin sa Diyos na sana gumaling na siya nang sa ganoon ay tuluyan naman nang sumaya si Pierro.
Marahan kong inilapag ang libro sa kama at umupo sa tabi ni Thad. Dahan-dahan ko ring pinapadaan ang mga biyas ng daliri ko sa paghaplos ng buhok niya.
"Gumising ka na," masuyo kong sambit.
"Only if you could marry me."
Napatayo ako sa narinig ko. Napangiwi ako.
"Kailan ka pa nagising?" nakasimangot kong sabi sabay hampas sa balikat niya.
"Ouch! Masakit 'yan diyan! Kahapon lang pero nakatulog ako ulit," sagot niya habang hinihimas ang balikat niya kung saan natamaan ng bala ng baril.
Umupo ako ulit sa tabi niya.
"Masakit pa ba?" nag-aalala kong tanong.
Marahan naman siyang umiling at ngumiti. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit at hindi ko napigilang mapaluha.
"Ang akala ko iniwan mo na ako," humihikbi kong sabi.
Niyakap naman niya ako pabalik.
"Hindi mangayayari 'yon. Mas lakas pa yata ako sa kalabaw eh. Isang round nga."
Napakalas ako ng yakap at sinapok siya.
"Loko ka! Ang manyak mo talaga!" inis kong sabi.
Pinahiran naman niya ang mga luha ko.
"Mahal na mahal kita, Amanda." Napahikbi at napangiti ako sa sobrang tuwa.
"Mahal din kita Thad."
He pulled me closer and kissed me. Napatulak naman ako ng mahina sa kanya dahil may kung ano siyang ipinasa sa loob ng bibig ko. Walang ano pa at mabilis ko 'yong iniluwa. Tawang-tawa naman siya sa akin.
"Singsing?" gulat kong sabi.
"Will you marry me now? Am let me rephrase that. Will you marry me pagkatapos kong ipawalang bisa ang pagiging isang Clinton?" nag-aalangan pa niyang sabi.
Umiling-iling ako. Malungkot naman siyang napatalukbong ng kumot. Hinila ko ang kumot at dinaganan siya.
"Of course I will marry you... Even if you are a Clinton," nakangiti kong sagot.
"You mean...."
I shut him with my lips.
"Pakakasalan kita kahit maging isang Mrs. Clinton pa ako. It's just a surname for me now Thad. Ang importante sa akin ay ikaw."
Niyakap naman niya ako ng mahigpit.
"So now you believe in forever huh?" turan niya.
"I don't believe in forever but when I met you, I really do now," sagot ko.
-FIN-
BINABASA MO ANG
SEÑORITA SERIES 1: AMANDA
General FictionSeñorita Series 1: AMANDA R18 SPG🔞🔞 EXCLUSIVE UNDER DREAME/YUGTO ONLY AVAILABLE ON DREAME/YUGTO APP‼️‼️ PAY TO READ ‼️‼️ Dreame Username: maikitamahome