[UMH-ONE]

80.8K 1K 23
                                    

[UMH-ONE]


AMANDA

Panay ang paglakad takbo ko dahil gusto kung ibalita kina Mama at Papa na nanguna na naman ako sa klase. Nang makaabot na ako sa eskinita ay napansin ko na ang daming tao sa labas ng bahay namin. Agad akong napatakbo at halos mapugto ang hininga ko nang makita ko ang Mama at Papa ko. Walang malay tao at duguan. 

"Ma! Gising! Ano ba!?" Binalingan ko ang papa ko. 

"Pa! Gising! Look! Nanguna ako ulit sa klase! Papa!" Iyak lang ako nang iyak. 

Bigla namang gumalaw ang ina ko. 

"Ma! Mama! 'Wag mo naman ganito!" pagmamakaawa ko. 

"Bea... Hanapin mo ang totoo mong ama anak..." 

Umiling-iling ako.

"Ma! Please! Si Papa lang naman ang ama ko! Ma! Sino may gawa nito!?"

Niyuyugyog ko si Mama. 

"Clin... Ton." 

Matapos sabihin iyon ni Mama ay tuluyan na siyang binawian ng buhay.

"Ma! Please!" 

"SENYORITA Amanda! Gising po!" 

Napabalikwas ako ng bangon. Nasapo ko ang aking ulo ko. 

"Senyorita? Tubig po." 

Tumango lang ako at kinuha ang hawak niyang baso. Dali-dali ko pang nilagok ang lahat ng laman nito. 

"Ilang taon na po kayong binabangungot. Nag-aalala na po ako sa inyo." Binalingan ko ng tingin si Grace. 

Ang personal na alalay ko at kung ano-ano pa. 

"Don't be Grace. You knew me. I don't want to know that somebody have a pity on me," walang emosyon kong paalala sa kanya. Yumuko lang din naman ito nang maalala niya ang aking sinabi. 

"Patawad po," paumanhin niya. Napabuga ako ng hangin. 

"Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na ayaw kong may humihingi ng tawad sa akin, lalo pa at wala namang kasalanan at sapat na dahilan. " 

Mas lalo siyang napayuko at tuluyan nang umiyak. Lumapit ako sa kanya at pinahiran ang mga luha niya. 

"Learn to control your feelings." 

Tumango lang siya nang nakangiti at niyakap ako. 

"Prepare everything Grace and get back to your work," utos ko. 

Kinuha ko ang aking robe at isinuot. Pumuwesto ako sa beranda. I took a deep breath. This beautiful place makes my mind at peace.

"Senyorita Amanda? Ito na po lahat ang kailangan niyo," Grace interfered. 

"Just leave it there," sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya.  

Napapikit ako at ninamnam ang simoy ng hangin na tumama sa aking manipis na balat. Nang magdilat ako'y agad akong napakunot ng aking noo nang matanaw ko ang isa sa mga paborito kong kabayo na nagwawala. Agad akong napatakbo palabas ng aking silid. 

"Senyorita Amanda! Magbihis po muna kayo!" habol pa sa kin ni Grace nang siya'y aking lagpasan. 

Hindi ko siya pinansin at nagmadali nang lumabas sa mansion ko. Nang umabot ako sa kuwadra'y lahat ng mga trabahador ko'y natigil at napayuko nang makita ako. 

SEÑORITA SERIES 1: AMANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon