[UMH-TWENTY-SIX]

18.4K 347 7
                                    

[UMH-TWENTY-SIX]



AMANDA

PARA akong tanga na napapatitig sa kanya. Alam ko, he didn't trust me. He shouldn't trust me, masasaktan lang siya.

"Look?" turo niya bigla sa nagkukumpulang mga fireflies.

Napasulyap ako sa aking relo. It's already six in the evening.

"Beautiful," I murmured.

"You are more than beautiful," he said.

Mataman lang akong nakatitig sa kanya. Kahit hindi masiyadong maliwanag ay litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan niya. Yeah? I admit, I find him handsome. We silently headed back to the shore. Inalalayan niya akong bumaba sa bangka.

"Kailangan ko nang umuwi," sabi ko.

"Hatid na kita," alok niya.

Umiling ako at tinalikuran na siya pero bigla niya akong hinapit sa aking baywang. The way he touched me, feels like he was nibbling my nerves.

"Ihahatid kita or ipapasundo kita kay Grace. Mamili ka?"

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.

"First choice," sagot ko.

He gave me a peek kiss and I was dumbfounded with that. He snap at me and chuckled. Sinimangutan ko lang siya at nagpatiuna na pero hinila niya ako ulit.

"Puwede bang isa pa?" Hinampas ko siya sa balikat.

"Isang hampas pa?" hamon ko.

"Hindi na," nakangiti niyang sagot.

Kinuha na niya ang kabayo ko at inalalayan akong sumakay dito. Sumakay din siya sa kabilang kabayo at hinila ang sa akin.

Tahimik lang kaming dalawa habang binabaybay ang daan pauwi. Ayaw ko rin namang umimik pero siya? Panay lang ang pagngiti niya. Nakakainis iyong ngiting ipinapakita niya sa akin. Para bang nanunukso siya, na hindi ko mawari kung ano.

"Why?" he asked.

Inirapan ko lang siya at ibinaling ang tingin ko sa daan. Nang makaabot kami sa property ko ay binitawan na niya ang tali ng kabayo ko.

"Take care," he said and smiled at me at umalis na.

"Bakit ngayon ka lang?" biglang bungad sa akin ni Sapphire.

Bumaba ako sa kabayo ko at hinila papasok sa kuwadra. Humarap ako sa kanya.

"Hindi kita nanay para umasta ng ganyan, baka nakakalimutan mong mas matanda pa rin ako sa 'yo ng dalawang taon," sagot ko.

Nilagpasan ko na siya pero hinila niya ang aking braso.

"Umamin ka nga sa akin! Nakikipagkita ka ba sa kanya?! May gusto ka ba sa kanya!?" paratang niya.

Tinabig ko ang kamay niya.

"Too much love can kill you," sagot ko at tuluyan nang umalis sa harapan niya.

Napaka-immature niya. Walang masama kung nakikipagkita ako kay Thad. Isa pa, hindi na rin naman siya girlfriend ni Thad. Napaka-bitter naman niya. Me and Thad don't have a status. We only just have this words 'No strings attach' just lust and no love.

Pumanhik na ako sa aking kuwarto. Tumawag na lang ako sa intercom para magpadala ng dinner ko. Hinubad ko na ang damit na suot ko pati na ang panloob at kinuha ang bathrobe ko.

"Tagal mong dumating." Nagulat ako sa narinig at nakita ko.

Oh shit! Iyong bathrobe ko, hindi ko pa siya nasusuot at nabitiwan ko pa ito dahil sa tindi ng pagkagulat. I was bloody naked in front of him! He was scratching his hair using my towel. Mukhang katatapos lang niyang maligo at sa banyo ko pa talaga. He stepped closer to me at siya na rin mismo ang nagsuot sa akin ng aking bathrobe.

"Kain muna tayo ng dinner bago kita kainin," he teased.

Nag-iinit naman ang aking mga pisngi dahil sa sinabi niya. Ugh! What the hell!? Why the hell on earth he's here!? Hindi ako agad nakapagsalita sa mga nangyayari. Pasumandali ay nakabawi ako agad sa pagkagulat.

 "What the hell are you doing here!?" gulat kong sambit.

"Malungkot sa villa ko, wala akong kasabay mag-dinner," sagot niya na may halong panunukso pa.

Nakagat ko ang aking labi at napangiwi.

"Umalis ka na," utos ko.

Hindi niya ako pinansin and lay down on my bed. May kumatok naman bigla sa pinto ko kaya nagmadali akong hilain ang kurtina ng higaan ko. Nakakainis! Mapapahamak ako sa ginagawa niya. Binuksan ko na ang pinto. Dumating na ang dinner na inutos ko.

"Diyan na lang," utos ko.

Inilapag naman ng katulong ko iyong tray ng pagkain sa working table ko.

"Itataas po ba ito senyorita?" tukoy ng isang katulong ko sa kurtina ng higaan ko.

Nanlaki naman ang mata ko sa ibig niyang sabihin.

"'Wag na!" tutol ko.

Tumango naman siya at tuluyan nang lumabas ng kuwarto ko. Agad kong ini-lock ang pinto. Hinawi ko ang kurtina and Thad was calmly sleeping in my bed. Ang dali naman niyang nakatulog.

"Kumain ka muna," yaya ko habang niyuyugyog ang balikat niya.

I'm not concerned. Don't get me wrong. Bumangon naman siya bigla at hinila ako. Nagtaka naman ako sa ikinilos niya. Hinila niya ang swivel chair at umupo tapos hinila niya ako at pinakadong sa lap niya.

"Ano ba!?" protesta ko pero hindi siya natinag, bagkus ay ipinulupot niya pa ang mga braso niya sa aking baywang at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg. He smells like me. Mukhang ginamit niya ang shampoo ko, maging ang aking bath soap. Napahugot ako ng malalim na hininga. Ni hindi ko man lang magawang magreklamo sa mga ginagawa niya.

"Kumain ka na. I am actually done eating, just let me be like this," bulong niya sa akin.

SEÑORITA SERIES 1: AMANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon