[UMH-FORTY-NINE]

16.7K 291 6
                                    

[UMH-FORTY-NINE]

AMANDA

"Thad!" gulat kong sambit.

"Ang ayaw ko sa lahat ay 'yong nagmamatigas ka kahit mali."

Napakagat labi ako. Hinapit naman niya bigla ang baywang ko. Parang gusto kong manghina. Bawat haplos at hawak niya sa akin ay may epekto.

"Bumalik ka na sa kabayo mo!" madiin kong utos.

"No way," bulong niya sa aking punong tainga.

Darn! My system are shivering. Hindi na lamang ako umimik.

"Eh 'di kayo na ang sweet! Tsk!" maktol ni Max.

I was about to speak when he kiss me on my lips.

"Don't mind him," sabi niya pa.

Parang nawala yata ako sandali sa aking katinuan. Pinatakbo niya na ang kabayo ko habang 'yong kabayo naman niya ay hinihila niya lang para ito ay kusang sumabay na rin. Nauna na kasi ang ibang mga tauhan namin sa village.

"Are you mad?" tanong niya bigla.

Marahan kong ipinilig ang aking ulo.

"Okay. Next time don't wear like this again, you're making me horny."

Napalunok ako sa sinabi niya.

"Really? I don't think so," hamon ko pa.

He just licked my nape and that thing was making me weak.

"Behave..." kalmado kong sita sa kanya pero ang totoo ay apektado na ako.

I heard him grinned. Tsk! Manyak talaga.

NANG makarating kami sa village, lahat ng mga tauhan namin ay nakapuwesto na. Nag-assist lang kaming dalawa ni Thad . Pasumandali rin siyang lumubay sa akin.

"Ang kati naman!" paparinig ni Sapphire sa akin.

May lumapit namang bata sa akin at may hinihinging gamot para sa allergy.

"Dapat kasi nag-iingat ka, nadapuan tuloy ng ibang insekto. Kaya hayan tuloy, sukdulan ang problema mo."

Iyong bata ang kaharap ko pero nilakasan ko talaga ang sinabi ko para marinig niya.

"Bakit naman kasi ang daming insektong nakakalat!" dagdag niya.

"Hindi naman kasi dadami 'yan kung walang puno't dulo. Tsk! Tsk! Hanap kasi nang hanap ng iba, gusto yatang magparami," pabalik kong sagot.

Tawa naman nang tawa si Grace sa likuran ko. She's enjoying our chitchat.

"Are you talking to me!?"

Inirapan ko siya.

"Am I talking to you too? Nah! I don't remember," mataray kong sagot.

"How dare you..."

"Sapphire! Enough!" sita sa kanya ni Pierro.

I smirked at binalewala na lang sila.

"Talagang kayo na po?" tanong sa akin ni Grace.

"Why are you asking?" sagot ko.

"Ang sweet niyo po kasi ate!"

Napabungisngis naman siya.

"Asikasuhin mo na 'yong mga bata, Grace," pag-iiba ko ng usapan.

Tumalima naman siya agad. Napabuntong-hininga ako. Ayaw ko lang talagang pag-usapan ang relasiyong mayroon kami ni Thad. Hindi sa ikinakahiya ko o kung ano pa man, gusto ko lang ng pribadong relasiyon. Siguroy' nagtataka ang mga tauhan namin kung bakit nagkagustuhan kami ni Thad samantalang alam nila na may matindi akong galit sa pamilya ng mga Clinton. Ni isa ay walang gustong mangahas na magtanong. At hindi rin naman ako obligadong magpaliwanag sa kanila. Bigla namang lumapit si Pierro sa akin. I am glad na gusto rin niyang tumulong.

PIERRO 

It's so difficult to talk to Amanda lalo na't umaaligid ang nobyo niya. Nalaman ko 'yan mula sa mga tauhan nila na nobyo niya na si Thad. Maganda nga 'yon, makukuha ko na ulit ang asawa ko.

"Can we talk?"

Inirapan naman niya ako. Jeez! What did Thad saw to her? I can't say that she's ugly or something like that because she's really a Goddess one. Pero 'yong ugali niya? Jeez! I can't take it too long. But I should try my best para makuha ko na ang asawa ko ng tuluyan and Amanda is the only way.

"Nag-uusap na tayo," sagot niya.

"Sorry... It's really private," I said.

"Mag-usap tayo mamaya sa opisina ko pagkatapos natin dito. But not now."

Tumango ako.

"I can wait, thanks." She just nodded at me.

Dumistansiya na ako sa kanya bago pa kami makita ni Thad. Knowing him, sigurado akong ayaw niyang lumalapit ako kay Amanda. Hinila ko si Sapphire sa isang sulok.

"Bitiwan mo ko!" Humarap ako sa kanya.

"Bakit ba ayaw mong makinig sa akin?!"

Pero sampal ang sinalubong niya sa akin. Fuck!

"Kung makaasta ka sa akin ay parang tayo! Mananatili pa ring walang namamagitan sa atin!"

Napakuyom ako.

"Magiging akin ka, sa ayaw at gusto mo. Una kang naging akin at kailanman ay walang ibang puwedeng umangkin sa iyo!" madiin kong sabi at tinalikuran na siya.

Shit! I thought that night will change her mind but I was wrong. Ayaw ko nang maghintay na maalala niya pa ako. Kukunin ko na siya... Ang asawa ko.

SEÑORITA SERIES 1: AMANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon