chapter two ( OH MY GOD!! He's Back! )

18.6K 390 13
                                    

" Friend, tingnan mo si allen oh, kung makatingin sayo, nakakalusaw!" exaggerated na sabi ni richie sa kanya. Napatingin din naman siya kay allen, nahuli nga niyang nakatingin ito sa kaniya. Kinindatan pa nga siya nito eh, inirapan naman niya ito.

Siya si Allen De Guzman, mayaman,matalino,talented, gwapo at habulin  din ng mga babae, except her, kasi siya ang hinahabol nito, yes, nililigawan siya  nito for almost 1 and a half year na.

Ewan niya dito, ilang beses na niya itong sinabihan na wala itong pag-asa, eh mapilit pa rin, at hindi daw ito sususko hanggat hindi siya napapasagot ng oo.

At  hanggang ngayon  nga eh nangungulit pa rin ito sa kaniya, pero kahit na anong pilit niya wala siyang maramdamang spark pag kasama niya ito.

Para bang normal lang, hindi bumibilis ang tibok ng puso  niya, kahit na pag hinahawakan nito ang kamay niya.

Pero sa lahat ng manliligaw niya, eh masasabi niyang si allen ang pinaka napalapit sa kaniya, itinuturing na niya itong kaibigan din.

"girl, bakit ba kasi hindi mo pa sagutin itong si papa allen, mabait naman, at higit sa lahat papalicious,what more can you ask for diba?"kinikailig kilig pang sabi nito sa kaniya.

" sabi ko nga sayo, wala nga akong maramadamang spark pag mag kasama kami diba, wala, as in wala" umiling-iling naman ito.

" alam mo friend, minsan pinag hihinalaan na kita, tomboy ka ba ha?" binatukan niya ito, " aray ko naman! masakit yun ahh" pag rereklamo nito.

 " hindi ako tomboy no, straight na straight ako,"

"weh? din nga? eh bakit wala kang nagugustuhan sa mga manliligaw mo? anito. " oooopss! don't tell me, yung kinuwento mo sa akin dati na first love mo na nanakit sayo pa rin ang gusto mo?" sukat sa sinabi nito eh, di siya nakasagot.

" yung, ano kasing name niya, ahh inigo, diba inigo name niya" dagdag pa nito, bigla niyang nabitawan ang hawak niyang picture samples.

Isa na kasi siyang phtographer ngayon, at sikat na siya ah. Si richie, assistant  naman niya ito. Nanginginig ang kamay niya, bakit hanggang ngayon apektado pa rin ako, marinig ko lang ang pangalan niya nagkakaganito na ako.

" uy girl, anong nagyari sayo? Wag mong sabihing totoo nga?" anito

Hindi! Matagal na mula ng mangyari iyon, dapat naka move on na siya, tama, oo ganon nga.

" h-hindi ahh, n-nagugutom na kasi ako eh, t-tara kain na tayo"pagsisisnungaling niya, nagkibit balikat na lang ito.

Nadaanan nila si allen, iniwan nito ang mga kasama, isa rin kasi itong photographer, partner sila sa project na ginagawa niya ngayon para sa isang sikat na magazine.

"ahm saan kayo pupunta alice?" hindi niya ito sinagot kaya si richie na ang sumagot para sa kanya.

"ahm kakain kami,nagugutom na daw kasi itong si alice eh"

" ganon ba? Can i join you? Medyo nagugutom na rin kasi ako eh" anito.

 " oo naman pwedeng-pwede!" segunda ni richie. Siniko pa siya nito," diba alice?" tiningnan niya ito, pagkatapos ay si allen naman .

Tumango na lang siya bilang pagsangayon, kitang kita niya ang ngiti ni allen, abot hanggang tenga.

Pagkatapos ng photoshoot nila eh, dumiretso na siyang umuwi sa bahay nila, napagod siya sa araw na iyon, malapit na siya sa may gate nila ng mamataan niyang may nakaparadang black  na mercedez benz  doon, siguro may bisita ang papa.

Bumusina siya hindi nag tagal ay lumabas din kaagad si Anya, at celing para pag buksan siya ng gate. Pag baba niya ng kotse ay sinalubong siya agad ni anya.

"mam alice, pinagbilin po ng papa ninyo, na pag dating nyo daw eh, dumiretso kayo study room niya." Anito

"ha? bakit daw?

"a, eh, ewan ko po eh" anito, sabay kamot ng ulo. Nilagpasan na lang niya ito, bakit kaya? ano kayang kailangan ng papa?

Pag tapat niya sa pintuan ng study room nito ay marahan siyang kumatok.

"pasok, bukas yan" narinig niyang wika nang kanyang papa.

Pag pasok niya ay may nakita siyang lalaking nakatayo at nakatalikod ito sa gawi niya.

Imahinasyon niya lang ba, oh talagang biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

Pakiramdam niya ay kilala niya ito, siguro ito nga ang may ari nung mercedez sa labas.

" alice lumapit ka, may sorpresa ako sayo" sabi ng papa niya.N

angunot ang noo niya, anong sinasabi nitong sorpresa?

Doon naman humarap sa kaniya ang lalaki, natulos siya sa kinatatayuan ng makilala ito.

OH MY GOD!!

S-si kuya INIGO!!!

Lumapit ito sa kaniya at  niyakap siya.

" i missed you so much alice" anito.

-------------

plese leave a comment guy's .. gusto niyo ba yung story? itutuloy ko ba ito?

You're Mine, Only Mine.(COMPLETED!! :D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon