Nakakaloka man, pero sinunod niya ang payo ni richie, siniyasat niya ang polo ng asawa niya at inamoy amoy kung amoy pabango ba ng babae yun, pero wala naman, ang pabango lang ng asawa ang naamoy niya.
Napailing siya, ano ba itong ginagawa ko?
Nabigla siyang bumukas ang pinto ng kwarto nila, dali dali niyang ibinalik ang damit ng asawa sa lalagyan ng maruming damit.
" alice? anong ginagawa mo dyan?" takang tanong ng asawa sa kaniya.
" huh? ahm wala"
" ganon ba, halika matulog na tayo"
Nakaramdam siya ng excitement, dali-dali siyang pumunta sa kama nila.
Humiga na ito, humiga na rin siya. Hinihintay niyang haplosin siya nito or dampian ng halik, pero ilang minuto na ang nakakalipas pero walang pagkilos mula sa asawa.
Hindi na siya nakatiis at humarap siya dito.
Napanganga siya ng makitang tulog na tulog na ang asawa, nakakapagtaka samantalang dati eh eh hindi siya nakakaligtas dito kahit isang gabi man lang, kahit na pagod ito sa trabaho, pero bakit ngayon?
Huminga siya ng malalim.
Baka naman napagod lang talaga ang asawa. Umusog siya palapit dito at mahigpit itong niyakap.
" Oh, akala ko ba susunduin ka ngayon ni inigo?" - si richie.
" yun ang sabi niya sa akin kanina eh"
BINABASA MO ANG
You're Mine, Only Mine.(COMPLETED!! :D)
Romancemagagawa mo bang tangapin ang taong siyang naging dahilan ng minsang pagkawasak ng puso mo? magagawa mo bang kalimutan ang sakit na naidulot nito sa iyo? naguguluhan siya, dati eh pinagtabuyan siya nito, ngayon naman eh tuwing makikita siya nitong m...