" totoo ba ang lahat ng ito, papa? Totoo bang nagkautang ka sa MBank / Montereal Bank , ng 50 milyon? At umabot ka na sa palugit ay hindi ka pa nakakabayad , that's why you suggested na ipakasal ako kay kuya inigo?"pigil ang emosyong sabi niya, tumalikod ito sa kanya at tsaka marahang tumango.Napapikit sya ng mariin, pinipigilan niyang wag umiyak.
Nandito sila ngayon sa study room ng villa, pag pasok niya kanina galing sa may pool kung saan sila nag-usap ni kuya inigo, ay ipinagpaalam niya kay tito albert at tita marisse ang kaniyang papa, dahil gusto niya na talaga itong makausap.
" oo alice, everything he said is true" matatag na pahayag ng kaniyang papa.
" my God papa, why me?!" lumuluha ng sabi niya, hindi niya na mapigilan eh.
" alice, please understand, akala mo ba madali para sa akin ang lahat ng ito?" anito habang hawak ang ulo nito.
"No papa, hindi ako papakasal sa kaniya, never!"
" alice, nakikiusap ako sayo hija, gawin mo ito hindi lang para isalba ang kompanya, kung hindi para sa akin, you know how much SGC means to me. Pabagsak na noon ang SGC ng alukin ako ng tulong ng tito albert mo, that was 3 years ago, desperado na ako alice, ayaw kong mawala na lang ng bigla ang kumpaniyang pinaghirapan ng mga ninuno natin in just a snap, kaya tinaggap ko ang alok niyang tulong, nangutang ako sa Mbank ng 50 million , pero sadyang kay hirap maibangon ang kumpanya sa pagkalugi" anito na naka upo na sa sofa at nakahawak ang dalawang kamay nito sa ulo nito, tila problemadong problemado.
"kaya umabot na ang palugit na 3 years eh hindi pa ako nakakabayad, kaya ngayon ayaw man nilang gawin pero kailangan nilang ilitin ang SGC, hindi ko kaya hija, sa akin iyon hija, sa atin iyon ipinagkatiwala ng mga ninuno natin, hindi pwedeng mawala sa atin ang SGC, ikamamatay ko alice. Kaya naisip ko ang soulusyon na ito, ang ipakasal ka kay inigo, para kahit papaano ay hindi tuluyang mawala sa atin ang kumpanya. Do it for me alice, and for our SGC." Malungkot na sabi nito, Ngayon lang niya nakitang ganon ang papa niya, he's always been so arrogant and proud, whenever you look at him you will always sense the authority sa personality nito, kaya everyone respect him so much, pero kung makikita mo siya ngayon, parang hindi ito ang papa niya.
Nanghihinang pabagsak siyang naupo sa sofa katabi ng kaniyang papa, tsaka humagulgol ng iyak. Anong gagawin ko? ayaw kong mawala ang SGC sa amin of course, but i can't marry kuya inigo, knowing na wala itong nararamdaman sa kaniya, clear na iyon sa kaniya, since five years ago. Napipilitan lang ito, at ayaw kong ikasal sa lalaking walang pagmamahal sa akin, kahit pa sabihing mahal niya ito.
BINABASA MO ANG
You're Mine, Only Mine.(COMPLETED!! :D)
Romansamagagawa mo bang tangapin ang taong siyang naging dahilan ng minsang pagkawasak ng puso mo? magagawa mo bang kalimutan ang sakit na naidulot nito sa iyo? naguguluhan siya, dati eh pinagtabuyan siya nito, ngayon naman eh tuwing makikita siya nitong m...