Chapter three ( masakit pa rin pala )

18K 305 6
                                    

 Hindi niya alam alam ang sasabihin o gagawin ng mga sandaling iyon, ngabalik na siya, iyon lang ang nasa isip niya, nagbalik na ang lalaking minsan ay pinag-ukaulan niya ng labis na pag mamahal, ngunit nasaktan lamang siya.

" kumusta ka na alice? Sobra talaga kitang na miss" nakanginting sabi nito, habang hawak siya sa balikat.

" a-ayos lang naman ako, " aniya ng pag kuwan ay makabawi sa labis na pag kabigla.

Pinagmasadan niya ito, mas lalo itong gwapo ngayon.

Naka white polo shirt ito at  black denim pants, gosh kahit simple lang ang suot nito he still looks stunning.

Sigurado siya na maraming babae ang gagawin ang lahat mapansin lamang nito.

Marahan niyang ipinilig ang ulo, ano ka ba naman alice, nagawa mo pang i-appreciate ang kagwapuhan nito, hindi ka na nadala.

Nangunot ang noo nito, marahil ay napansing parang malalim ang iniisip niya.

"alice? Mukahang hindi ka masaya na nagbalik na ako ah" may bahid tampong wika nito, natigilan siya doon.

Nagtatampo? Huh! At siya pa talaga ang may karapatang mag tampo ahh, she faked a smile.

" of course not, masaya ako, welcome home, kuya inigo" aniya, hinarap naman niya ang ama." dad ahm sobrang napagod po ako this day, so please excuse me, pero gusto ko ng magpahinga" Aniya,

" ganon ba? kung ganon sige, mag pahinga ka na muna" anito, nginitian niya ito, pag baling niya kay kuya inigo ay naka ngiti ito sa kaniya. 

Again she faked a smile. And then, lumabas na siya ng study room ng kaniyang papa.

 Pagkasarang pagkasara niya ng pintuan ng study room ay, napakapit siya doon at sumandal, kailangan niya munang i-compose ang sarili, dahil parang kahit anong oras ay tutunba siya.

Hindi na nakakapagtakang binisita agad nito ang kanyang papa sa pagbabalik nito, masyado itong malapit sa kaniyang papa, ninong kasi nito ang kaniyang papa, kaya parang mag-ama na rin ang turingan nilang dalawa.

Ngunit ang hindi niya maintindihan, ay parang wala lang dito ang pangyayari sa huli nilang pag kikita.

Samantalang siya, it takes her 2 years para makabangon muli, pero hanggang ngayon ay aaminin niyang apektado pa rin siya.

Nang kahit papaano ay nakabawi na siya, naglakad na siya papunta sa kaniyang silid.

Pagkapasok na pagkapasok niya ay tinungo niya ang queene sized bed niya at pabagsak na umupo sa gilid niyon.

And then, subconciously ay tumulo ang luha niya, pinunasan niya iyong agad.

"Enough alice, tama na. You promised that you wouldn't cry again because of him right?" pag-aalo niya sa sarili.

May narinig siyang pagkatok sa pintuan ng silid niya.

Tumayo siya, hinawakan ang doorknob.

" s-sino iyan?"

" alice hija, ang nanay lena ito" sukat doon ay pinagbuksan niya ito, at pinatuloy.

Si nanay lena, ito ang nag-alaga sa kaniya mula ng bata pa siya, itinuring na niya itong ina,at ito isang tunay na anak na rin ang turing nito sa kaniya, ni hindi na nga ito nakapag-asawa dahil, ayaw siya nitong iwan, kahit na madalas niya itong ibuyo na mag asawa ang tanging sagot lang nito sa kaniya,

Nandyan ka naman na hija, anak na turing ko sayo, hindi ko na kailangang mag asawa pa, masaya akong nandito lang sa tabi mo at inaalagaan ka.

Kaya naman mahal na mahal niya ito, kilalang kilala siya nito, lahat ng secret niya alam nito, maging ang inukol niyang pagmamahal kay kuya inigo, at ang pagkasawi niya sa pag-ibig alam nitong lahat.

Hinawakan nito ang pisngi niya at itinapat sa mukha nito, hindi niya ito matignan sa mga mata, dahil hindi niya lang maitatago ang tunay niyang nararamdaman.

" kahit hindi ka mag salita, kilalang kilala kita alice, alam ko nasasaktan ka pa rin." doon na tumulo ang luhang kanina pa niya pinipigilan, napayakap na lang siya dito, hinaplos haplos nito ang buhok at likod niya.

" bakit ganon nanay, akala ko okay na ako, bakit noong makita ko ulit siya, parang nagbalik lahat ng sakit, bakit?"

"  tama na hija, nasasaktan akong makita kang ganiyan."

" ang sakit nanay, ang sakit sakit"

" alam ko, alice. alam ko" anito atsaka siya hinalikan sa buhok, kahit paano ay napagaan nito ang loob niya, nagpapasalamat siya na kahit wala na ang kaniyang mama, ay mayroon naman siyang nanay lena na nagmamahal sa kaniya.

You're Mine, Only Mine.(COMPLETED!! :D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon