chapter Twenty Nine( Finale )

16K 258 38
                                    

AFTER 5 YEARS .....

Nakatanaw lang ako dito sa balkonahe ng bahay namin ni inigo, nag iisip.

GAnito talaga ako, pag naiisip ko ang mga nangyari five years ago, ang pagkalaglag nang baby namin, masakit pa rin sa akin ang nangyari. Kahit gaano pa siguro katagal ang lumipas na panahon hindi mawawala ang sakit na iyon, napakahirap kalimutan, but i have to moved on with my life so sinikap kung maging okay.

    

Nalala ko rin ang nangyari kay melissa, her sudden death really shocked all of us, oo may galit ako sa kaniya, pero hindi ko naman hinangad kahit kailan na mangyari sa kaniya iyon, kahit na si inigo, alam kung galit na galit siya ng malaman ang ginawa ni melissa, pero ng malaman niya ang nangyari kay melissa, nalungkot din siya.

Dahil sa maling pagmamahal ay nasayang ang buhay niya.

Sa nakalipas ng limang taon, nagawa ko rin siyang mapatawad sa nangyari, para na rin sa ikatatahimik ng kaluluwa niya.

At mayroon din palang inamin sa akin si inigo noon, wala talagang utang ang SGC sa bangko nila, nagkasundo sila ni papa na palabasin lang yun para mapapayag akong ikasal sa kaniya, nagulat ako ng sinabi niya iyon, tinanong ko siya, kung bakit niya ginawa iyon, at mas ikinagulat ko ang sinabi niya, na noon pa naman daw ay mahal na niya ako, nung nag tapat ako sa kaniya, tinanggihan niya iyon dahil napaka bata ko pa at marami pang dapat isipin kesa sa love love na yan, kaya naman umalis siya ng bansa para umiwas muna, pero hindi daw siya nawalan ng connection sa akin, dahil kay papa.

LAgi daw siyang updated sa mga whereabouts ko, kaya nung sabihin daw ni papa na may nanliligaw sa akin, ay natatatarantang umuwi siya, at iyon na nga they've come up with that idea.

You're Mine, Only Mine.(COMPLETED!! :D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon