Habang nasa byahe ay bakas pa rin ang galit sa mukha nito, nagtatagis pa rin ang bagang nito.
Hindi niya maintindihan, pero nakakaramdam siya ng takot.
Sinubukan niyang mag relax, ilang beses siyang huminga ng malalaim.
Nagulat siya ng bigla nitong ihinto sa gilid ng kalsada ang kotse nito.
Napalingon siya dito, sinalubong siya ng tila nagbabagang mga mata nito.
" ayaw ko ng makita na kasa-kasama mo pa ang lalaking iyon alice" may diin at at may bahid ng pagbabanta sa tinig nito.
Napalunok siya, ano bang nangyayari sa kaniya at tila tumitiklop siya dito?
HELL NO! Hindi na ako magsusunod sunuran dito tulad noon.
" at bakit? Ano namang masama kung magkikita kami ni allen? Dalaga ako, binata naman siya, so wala akong nakikitang mali dun"aniya, sukat doon ay tila lalo itong nagalit at sinaklit ang dalawang braso niya.
BINABASA MO ANG
You're Mine, Only Mine.(COMPLETED!! :D)
Romancemagagawa mo bang tangapin ang taong siyang naging dahilan ng minsang pagkawasak ng puso mo? magagawa mo bang kalimutan ang sakit na naidulot nito sa iyo? naguguluhan siya, dati eh pinagtabuyan siya nito, ngayon naman eh tuwing makikita siya nitong m...