CHAPTER 239

1.6K 147 58
                                    

LISHEINE'S POV:

"T-tita Suzane...." mahinang pag tawag ko sakanya ng makita ko syang tumingin sakin.

Walang nagbago sa itsura nya kahit halos isang taon kaming hindi nagkita. Ang ganda-ganda pa rin nya. Halos kaedad lang sya ni daddy pero....

'Walang kupas!'

"Oh my god! Baby!!!" nakangiting sabi nya at tumakbo pa palapit sakin. Lalo akong napangiti dahil hindi man lang nagbago ang pagiging makulit at cheerful nya.

"Tita! Buti nahanap nyo ko dito?" nakangiting tanong ko ng makalapit sya sakin.

"Of course, darling! Mahahanap at mahahanap kita. I asked the Gouldricks if they know where you are." nakangiting sabi nya at hinawakan pa ang pisngi ko habang nakangiti.

"Why did you cut your hair huh? Did someone broke my sugarpie's heart?" nakakunot noong tanong nya habang nakanguso at pinanggigigilan pa ang pisngi ko.

Agad akong kinabahan dahil sa tanong nya at napatingin pa kay Noah na kunot noo lang na nakatingin samin. Muli akong tumingin kay tita at marahang umiling.

"Wala naman po, tita hehe. Sadyang gusto ko lang baguhin ang hairstyle ko." nakangiting sagot ko.

I wonder kung nakailang palit na ba ko ng hairstyle? Tatlo? Kase nung bagong pasok ako dito sa section F, itim at straight ang buhok ko. Tas napalitan yun nung mag-festival. Binalik nila sa natural na style ang buhok ko at huling palit ko ng hairstyle ngayon nung na-broken ako.

'Psh. Feeling ko kada palit ko ng hairstyle nagpapalit din ako ng personality.'

"Really? I don't think so. I know how much you love your hair." sabi nya at binitawan na ko. Tumingin sya sa mga kasama ko habang nakangiti.

"Hi! I'm Lisheine Hamilton's mom." nakangiting sabi ni tita Suzane na syang ikinalaglag panga ng tatlo kong kasama.

"HA?!" sabay-sabay at gulat na gulat nilang tanong na syang tinawanan lang ni tita.

"D-di ba patay na ang m-mommy mo, Lisheine?" takang tanong ni Coleen. Napakamot naman ako ng ulo dahil dun.

"Ahh hehehe. Oo. P-patay na si mommy." sagot ko kaya taka silang tumingin sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

"E-eh sino sya?" tanong naman ni Lira kaya napatingin ako sakanya.

"I'm Suzane Kim Arguallez. Well, hindi ako ang biological mom ni Lisheine but I will be Severeious wife soon so I am technically Lisheine's step mom." nakangiting sabi ni tita at napakamot pa ng ulo. Napangiti ako dahil sa sinabi ni tita.

"Hanggang ngayon po pala crush nyo pa rin si daddy." nakangiting sabi ko. Agad naman syang pinamulahan at tumawa ng awkward.

"H-hindi naman eh! Slight lang." sabi nya at ngumuso pa habang pinagdidikit ang dalawang hintuturo nya.

Narinig ako ang malakas na pagsapo ng mga kasama ko sa noo nila dahil sa ginawa ni tita. Muli akong natawa dahil dun.

"Anyway, honey, hindi mo ba ko ipapakilala sa mga workmates mo?" nakangiting sabi nya. Agad akong tumango at ngumiti muli dahil dun.

"Muntik ko na makalimutan hehe." sabi ko at hinila si Lira palapit sakin dahil sya ang pinakamalapit.

"Tita, she's Lira Feith Savage. The cashier of this cafe and also my friend and classmate in MLIS." nakangiting sabi ko na syang ikinatango-tango naman ni tita.

Nilahad nya ang kamay nya kay Lira at nakipagkamay. Pinakilala ko rin si tita at nag-beso naman sila dahil masyado daw pormal pag kamayan lang. At nakamatanda din daw sabi ni tita.

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon