CHAPTER 222

1.5K 134 49
                                    

LISHEINE'S POV:

"I-i-i'm sorry! I'm sorry! I-i'm sorry, tito! I'm sorry." sunod-sunod na paghingi ko ng tawad at lumuhod pa sa harapan nya habang umiiyak. Hindi ko sya magawang tignan dahil nahihiya akong harapin sya.

Sinubukan kong hawakan ang binti nya pero iniwas nya lang yun. Napayuko ako sa sahig habang humahagulgol. Hindi ko na alam kung anong gagawin o sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ko alam kung pano ko magpapaliwanag.

"Where's that goddamn shit?!" mariing tanong ni tito. Ramdam na ramdam ko ang galit nya. Halatang nagpipigil pero lalo lang akong natatakot dahil sa ginagawa nya.

'Baka totohanin nya ang sinasabi nya.'

Napalunok ako ng sunod-sunod at hindi nakasagot. Ayokong sumagot. Ayokong sabihin kung nasan sya. Hindi ko kayang sabihin dahil alam ko kung anong mangyayari.

"NASAAN NA?!" galit na sigaw nya. Lalo akong nakaramdam ng takot ng mag-tagalog sya. Nanginginig ako ng sobra dahil sa takot sakanya. Hindi ko akalaing muli akong makakaramdam ng ganito katinding takot.

'Gusto kong humingi ng tulong pero kanino?'

Wala ang buong section F dito dahil sigurado akong pag nagpatawag ng meeting ang head mistress, lahat kasama. Sinong hihingian ko ng tulong? Ayoko namang sabihin kay Noah dahil baka magpambuno sila dito ni tito.

"NASAAN?!" muling sigaw nya. Agad akong nagpanik at tumingala sakanya habang nanlalabo ang mga mata.

"I-i-i don't know! H-hindi ko alam kung n-nasan sya! Hindi ko alam! W-wag mo na syang h-hanapin!" sunod-sunod kong sagot habang umiiling. Lumuhod ako ng maayos sa harapan nya para pakiusapan sya pero muli ko lang naramdaman ang malakas na sampal nya.

Muli na naman akong tumumba at nalasahan ko na ang sarili kong dugo dahil sa lakas ng sampal nya. Mas nanginig ang katawan ko't hindi na nakabangon pang muli. Tumingin ako sakanya habang umiiyak pero puro galit lang ang nakikita ko sa mga mata nya.

'T-tama na po!'

"Wag hanapin?! Tanga ka ba?!" mariing tanong nya at lumapit. Napangiwi ako ng mariin nyang hawakan ang panga ko. Parang gusto nya kong durugin pero hindi nya magawa.

"Ilabas mo ang lalaking yan kung ayaw mong maski bangkay nya hindi mo makita!" muli pang sigaw nya sa muka ko. Nanginginig kong hinawakan ang pala-pulsuhan nya at pilit na inalis yun pero hindi ko magawa dahil mas dumiin lang ang pagkakahawak nya sa panga ko.

"Wag mong gagalawin si Noah!" singhal ko sakanya at sinamaan sya ng tingin pero walang-wala yun sa galit nyang mga mata. Parang gusto kong bawiin ang sinabi dahil sa talim ng tingin nya.

'Nasan na ang tapang ko sa tuwing may nagbabanta sa buhay ni Noah?'

"Inaasahan mo bang makikinig ako sayo?" natatawa nyang tanong. Napalunok ako ng sunod-sunod habang nakatingin sakanya. Parang ibang tao ang nasa harapan ko. Parang hindi si tito dahil sa paraan nya ng pag tingin sakin.

'Bakit mas nakakatakot ang kaharap ko kesa sa nakasanayan ko noon?'

Muli akong napangiwi ng dumiin ang pagkakahawak nya sa panga ko. Lalong nilukob ng takot ang puso ko habang nakatingin sa nandidilim nyang mga mata.

"Hahanapin ko nag lalaking yon. At sisiguraduhin kong wala ka ng babalikan." mariing banta nya at pabalang na binitawan ang panga ko.

Kumuyom ang kamao ko at pinilit na tumayo pero hindi ko magawa. Maski ang katawan ko ay sinasabing tumigil na ko't wag nalang lumaban. Maski ang kaibuturan ko ay nakakaramdam ng takot dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon