CHAPTER 236

1.7K 141 42
                                    

NOAH'S POV:

***FLASHBACK***

Deciding for what's the best for Lisheine ain't easy. Natatakot akong baka totoo nga ang sinasabi ng gagong tatay nya na baka nga ikinulong nya si Lisheine sa isang madilim na kulungan. Nagdadalawang isip ako kung totoo ba ang sinasabi nya lalo pa't may tiwala pa rin akong hindi nya yun magagawa sa sariling anak nya.

Punishing your daughter just because of that reason is lame. Alam kong hindi ko dapat i-defend ang mga ginawa namin ni Lisheine dahil kahit hindi yun natutuloy, alam kong mali pa rin.

'Pero inulit-ulit mo, Noah? Bobo ka.'

Nasapo ko ang noo ko at napakuyom ng kamao. Kinuha ko ang baso'ng may lamang alak at ininom yun. Napangiwi ako ng malasahan ang mapait na lasa ng alak pero hindi pa ko nakuntento at muli pang uminom.

Anong gagawin ko? Anong magagawa ko sa sitwasyon na to? Pano ko makikita si Lisheine para makita ang kalagayan nya? Pano kung nasa isang kulungan nga talaga sya? Pano kung sinasaktan nga sya?

'Gustong-gusto ko syang makita.'

Pero sa oras na makita ko sya, hindi ko na sya makakasama pa ulit gaya ng ginagawa namin noon. Kailangan ko syang hiwalayan gaya ng sinasabi ng tito nya. Kundi mas matinding parusa ang haharapin ni Lisheine sa mga kamay ng hayop na yon.

"Bakit sya ang kailangang sumalo ng mga parusang dapat para sakin?!"

"The best way to defeat your enemy is to use their weakness. No matter who it is."

Napakuyom ako ng kamao at naibato ang basong hawak dahil sa sobrang galit. Iritado kong ginulo ang sariling buhok at napakuyom lalo ng kamao.

'Kung hindi lang talaga sya tatay ni Lisheine? Matagal ko na syang pinatay.'

Masyado syang pahirap! Bakit nya ginagawa yun sa sarili nyang anak? O kung hindi nya alam na anak nya si Lisheine at ang alam nya ay pamangkin nya lang si Lisheine, bakit kailangan nyang gawin yun sa pamangkin nya? Ganun ba talaga sya kademonyo?

Hindi ko alam kung pano natitiis ni Lisheine ang ugali ng hayop na yon. Napakasama ng ugali tangina! Anong karapatan nya para pakelaman at parusahan si Lisheine kung ang alam nya lang naman ay pamangkin nya ang babaeng sinasaktan nya ngayon?

At talaga namang iniipit nya pa ko sa sitwasyong to? Na saakin daw ang kapalaran ni Lisheine ngayon pero bakit puro pasakit ang kapalarang naghihintay kay Lisheine ngayon?

'H-hindi ko kayang makipag-hiwalay kay Lisheine.'

Napayuko ako sa lamesa at lalong napakuyom ng kamao. Wala akong kwenta. Wala akong nagawa para mailigtas sya. Napakawala kong kwenta. Pano ko nagawang piliing puntahan ang pesteng meeting na yon at iwanan sya sa lugar na may naghihintay na demonyo?

'I'm so sorry, babe. I'm so sorry for being useless. I'm so sorry.'

Napalunok akong muli at nahampas ang lamesa. Ang hirap mag-isip. Hindi ko na alam kung anong tama at kung anong gagawin ko. H-hindi ko alam kung anong mabuting desisyon ang dapat kong piliin.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan at hindi na pinansin pa ang rumaragasang luha na bumabagsak mula sa mga mata ko. Dali-dali akong lumabas sa bahay ko at nagtungo sa bahay ni Jayden para humingi ng tulong.

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon