CHAPTER 273

1.7K 143 48
                                    

JAYDEN'S POV:

"Leslie, please, I'm sorry." pag hingi ko ng sorry kay Leslie habang hinahabol sya.

Lalo kong binilisan ang lakad at pinigilan si Leslie sa tangka nyang pag bukas ng pinto ng kwarto ko.

"Leslie, let's talk." marahang pakiusap ko at hinawakan ang balikat nya pero tinaboy nya yun at tinulak pa ko.

"I am expecting an explanation from you before I burst out, Jayden. I want to hear your side and yet you didn't say a goddamn word." mariing saad nya. Ramdam ko ang galit nya kaya't hindi ko maiwasang matakot sakanya.

'Pano ko ba naman kasi ipapaliwanag yung pagkawala ko ng ilang linggo di ba?'

Natahimik ako at kahit na umaawang ang labi ko ay wala pa rin akong masabi. Hindi ko pwedeng sabihin sakanya. Madadamay lang sya pag nagkataon!

"You didn't say anything again." natatawang sabi nya na para bang natutuwa talaga sya. Pero hindi, mas lalo kong nararamdaman ang galit nya.

Sinubukan kong magsalita ngunit gaya kanina ay wala akong masabi. Napalunok ako at lalong kinabahan ng bumaling na sya sakin.

"You want us to talk but you're not even uttering a single word." umiiling na sabi nya at sinamaan ako ng tingin. "I'm leaving." mariing sabi nya at muli na sanang pipihitin ang door knob ng hawakan ko ulit ang kamay nya.

"Hon, please." mahinang sabi ko ay napalunok pa habang nakatingin sakanya.

"DANG IT, JAYDEN!" sigaw nya at muling sinikwal ang kamay ko at muli akong tinignan ng masama.

Malakas nya kong tinulak na syang ikinaatras ko. Lalo akong napalunok at napakuyom ng kamao habang nakatingin sakanya. Ramdam ko ang pinaghalong kaba at takot ko dahil galit sya.

"Where have you been huh?! Iniwan mo ko, Jayden! Iniwan mo ko ng ilang linggo at ni hindi ka man lang tumawag sakin! Ni hindi mo man lang sinabi kung nasan ka o kung anong nangyayari sayo! Paulit-ulit akong bumabalik sa classroom mo at pati na rin sa bahay mo para tignan kung bumalik ka na! Pero... Wala eh. Ngayon ka lang bumalik. Ngayon ka na nga lang bumalik, ni hindi mo pa sinabi sakin kung bakit ka nawala!" mahabang singhal nya sakin at muli pa kong tinulak na syang ikinaatras ko. Napakuyom ako ng kamao at napaiwas ng tingin. Hindi. Hindi ko pwedeng sabihin sakanya.

"Jayden, may pakealam ka ba talaga sakin? May halaga ba yung mararamdaman ko sayo? May halaga ba yung pag-aalala ko sayo?" sunod-sunod nyang tanong at kwinelyuhan pa ko. Muli akong napalunok dahil dun.

"Bakit mo ko pinag-aalala ng ganito?" umawang ang labi ko ngunit muli ko rin yong itinikom ng marinig ko ang pagkabasag ng boses nya.

Lumuwag ang pagkakahawak nya sa kwelyo ng polo ko at naramdaman ko na lang na nakapatong na ang noo nya sa balikat ko habang mahinang humihikbi.

Napakuyom akong muli ng kamao at umiwas ng tingin. Gusto kong magpaliwanag. Gusto kong sabihin sakanya lahat, pero delikado eh. Sobrang delikado.

Ramdam ko ang milyon-milyong patalim na tumatarak sa puso ko habang pinakikinggan ko ang mumunti nyang hikbi. Nagi-guilty ako.

Alam kong hindi tama ang ginawa kong hindi pagpaparamdam sakanya ng ilang linggo. Pero ayoko ring sabihin sakanya ang nangyari sakin dahil sigurado akong magpupumilit lang syang dalawin ako at mag-aalala lang sya ng husto.

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon