CHAPTER 280

1.7K 146 48
                                    

LISHEINE'S POV:

Weeks had passed at isa-isa na nga talaga kaming nawalan ng trabaho. At kabilang na ko dun. Karamihan sa section F girls ay wala ng trabaho. Si Noah, nag-resign na rin.

'Syempre wala na ko dun eh. Di tatagal yun dun kung wala ako.'

"Babe, pupunta ka sa mansyon nyo no?" tanong ni Noah habang nag-aayos ako.

"Mm. May free time si Charlotte kaya lumabas daw kami kasama sila papa at mama." sagot ko at nilagay ang mascara sa bag ko.

Napabuntong hininga ako ng maalala ko si mama. Si chairwoman. Gusto naming malibang sya. Alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin sya sa pagkawala ni ate Victoria.

Sino bang hindi di ba? Nang mamatay si ate Victoria ay sobrang naging malungkutin si Scarlette. Halata naman sa mga mata nya. Madalas pa nga syang pumapasok na maga ang mata.

Maski ako hindi pa rin ako makapaniwala. Lahat na-shock. Lalo na ang chairwoman at ang section F. Kilala raw nila si ate Victoria. Walang kayang magpabagsak sakanya. Mabilis at malakas daw si ate Victoria at isa syang tactician. Para bang kaya nyang basahin lahat ng galaw ng kalaban na kumakalaban sakanya.

"Hmm... Uuwi na lang din siguro ako samin. Wala naman akong gagawin dito. Aalis ka eh." sabi ni Noah kaya napatingin ako sakanya.

Kasalukuyan pa rin syang nagbibihis. Sinuot nya ang pantalon nya at inayos ang belt nya. "Gusto mo sumama?" tanong ko.

Bumaling sya sakin at ngumiti ng maliit. "Di na. Ayokong makiepal sa family bonding nyo." nakangiting sagot nya at sinuot ang itim nyang shirt.

"Psh. Di ka naman epal. Atsaka, di ba nga? Sabi mo asawa kita? Kaya parte ka na ng pamilya namin." sagot ko at ngumiti ng mapatingin sya sakin.

Muli akong humarap sa salamin at naglagay ng liptint. Nilagay ko rin yun sa bag ko at tinignan ang sarili sa salamin.

"Talaga? Parte na ko ng pamilya nyo?" lalong lumawak ang ngiti ko ng maramdaman ang pagyakap ni Noah mula sa likuran ko. Tinignan ko ang repleksyon naming dalawa sa salamin. Kumabog ng malakas ang puso ko ng dampian nya ng halik ang balikat ko.

"Mm. Ayaw mo ba?" tanong ko at hinawakan ang kamay nyang nasa bewang ko.

"Gusto. Gustong-gusto." sagot nya at pisngi ko naman ang hinalikan. Natawa ako nang mahina at hinampas ang kamay nya. "Oa ka naman humalik, gago."

"Sabi mo gusto mong kini-kiss kita palagi?" nakangusong tanong nya at pinatong ang baba sa balikat ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at nakagat pa ang ibabang labi.

"O-oo nga." sagot ko. Hindi na nakatanggi pa dahil sinabi ko naman talaga yun sakanya.

"Eh ba't hinahampas mo ko?" nakangusong tanong nya at tumingin din sa salamin. Hindi ako nakasagot ng makita ko ang magandang ngiti nya. Para bang natutuwa dahil kayakap nya ko.

"Napakaganda mo talaga, babe. Hindi ka ba pumapanget?" tanong nya. Natawa ako ng mahina at hinaplos ang pisngi nya.

"Psh. Pano ko papanget eh palagi akong maganda sa paningin mo? Kahit nga puno ako ng sugat, namumutla at namamayat eh maganda pa rin ako sa paningin mo." sagot ko at kinurot ang pisngi nya dahil masyado syang cute.

"Eh sa hindi ka talaga pumapanget sa paningin ko eh. Ewan ko kung bakit normal lang ang muka ng iba sa paningin ko tapos pag dating sayo, kakaiba." sabi nya at hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

"Ano? Sila tao, ako alien? Tindi mo naman, Noah!" sagot ko na ikinanguso nya. "Si babe medyo tanga." sagot nya na syang tinawanan ko nang malakas.

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon