CHAPTER 152

4.9K 241 21
                                    

LISHEINE'S POV:

Takot. Takot ang nararamdaman ko habang nandito ako sa loob ng control room. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung kanino ako natatakot. Kung sa mga gagong to ba o sa section F. Ewan. Naguguluhan ako masyado.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako kinakapos ng hininga. Sumisikip ang dibdib ko at lalo lang nanlalabo ang paningin ko. Parang mas gusto ko nalang pumikit at wag na munang dumilat. Nahihirapan talaga kong huminga.

Napalunok ako at bahagyang ibinuka ang bibig. Nag-hahabol ng hininga pero parang wala namanf nangyayari. Lalo lang lumalala ang nararamdaman kong pagkahilo.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng marinig ko ang boses nya. Hindi ko alam kung nagha-hallucinate lang ba ko o ano pero, narinig ko talaga ang boses nya.

"Baby, i'm here. I'll save you." nakagat ko ang ibaba kong labi at nangilid ang luha sa mga mata ko. Nandito sya. Nandito na sya.

"N-noah." nahihirapang pag-tawag ko sa pangalan nya. Halos maibulong ko nalang ang pangalan nya at lalo lang lumalala ang nararamdaman kong hirap.

'Ano bang nangyayari sakin?'

Naramdaman ko ang pang-hihina ng tibok ng puso ko at parang gusto kong maiyak dahil sa pag-sikip ng dibdib ko. Ang hirap huminga.

Napamulat ako ng mga mata ng marinig ko ang malakas na pagka-labog sa may pintuan. Mukang ni-lock ata ng tarantadong yun ang pinto. Balak talaga kong patayin nun eh no?

Dahan-dahan kong iniangat ang tingin sa timer at napakurap-kurap ng hindi ko yun makita ng maayos. Napakalabo. Hindi ko maaninag.

Muli ko pang kinurap-kurap ang mga mata ko pero hindi ko talaga makita. Lalo lang dumidilim ang paningin ko. Nakagat ko ang ibaba kong labi at tuluyan ng ipinikit ang mga mata.

'I'm sorry, Section F. Please, leave.'

*****

NOAH'S POV:

"DAMN!" malakas na sigaw ko at pinilit na tumayo mula sa pagkakaupo.

Napangiwi ako ng maramdaman ang pag-kirot ng sugat ko. Tanginang hayop na yun. Tinira ako sa tagiliran amp.

Humawak ako sa may pader at umiling-iling. Huminga ako ng sunod-sunod at tumingin sa paligid.

Tumingin ako sa lapag at kinuha ang dalawang baril na nakakalat lang sa sahig. Nilagay ko yun sa gun pocket ko at nag-simulang mag-lakad kahit na hindi ko alam kung saan nga ba ko pupunta.

Dineretso ko ang hallway na to habang nakahawak sa sugat ko. Tumingin ako dun at lalo lang lumalala ang pag-durugo. Napakatanga ko! Hinayaan kong makatulog ang sarili ko! Ni hindi ko pa nga nahahanap si Lisheine eh!

Nakagat ko ang ibaba kong labi ng maalala ko si Lisheine. Peste! Pinabayaan ko sya! Pinabayaan ko yung taong mahal ko! Napaka-wala kong kwentang boyfriend! Napaka-bobo ko!

'I'll find you, babe. Don't worry.'

Patuloy lang akong nag-lakad habang nakahawak pa rin sa pader bilang suporta. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Patuloy lang akong nag-lakad at napakuyom ng kamao ng marating ko ang dulo. Tumingin ako sa mag-kabilang daan at hindi ko na alam kung saan ako pupunta.

Hinawakan ko ang tenga ko para sana mag-salita at mag-tanong ng direksyon ng biglang may mag-salita.

"Kaliwa." napakunot ang noo ko ng marinig ang boses ng nag-salita.

"Lira? Ikaw ba to, Lira?" tanong ko habang nakakunot ang noo.

Hindi nya kaboses si Lira kaya sigurado akong hindi sya to. Sino tong gagong to kung ganon?

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon