Chapter 13

16 2 0
                                    

                      ~Luke~



May luhang biglang pumatak sa mata nya habang sinasabi ko sa kanya ang laman ng isip ko.

Agad nya Ito pinahid at tumingin ulit sa akin na may tapang. Or should I say nag tatapang- tapangan lang?

Bakit pakiramdam ko mahal nya rin ako? Hindi ko alam kong tama ba itong nararamdaman ko. Bakit parang nararamdaman kong pinipigilan nya ang nararamdaman nya sa akin?


"Kumain kana" sambit nya. Gumalaw ng mariin ang aking panga. Bakit nya pinipigilan? Hindi kita maintindihan. Alam kong may gusto din sya sa akin dahil nararamdaman ko iyon.


Nilapit nya ang pagkain sa akin. Hindi na ako nagmatigas at kinain na Ito dahil nakikita ko ang pag aalala sa mukha nya. Dapat may gawin ako. Oo at sa ngayon ay alam ko na ang gagawin. Pero hindi ngayon.

Pagkatapos kong kumain ay pina-inom nya ako ng gamot. Pumunta muna sya sa opisina nya at may kukunin lang daw. Sinamantala lo ang oras at pumasok sa banyo para maligo. May regular check up ako ngayon sa balat ko.

Pagkatapos kong maligo ay nandoon na sya nag hihintay.

Hinubad ko ang damit ko at hinayaan syang suriin ako. May mga nilagay din syang sunscreen protection na isa sa isang linggo lang dapat ilagay.


Pinatulog nya rin ako pagkatapos. Narinig ko sa nurse kanina na nakatambay sa nurse station na mag o-over night daw sila ngayon at kasama doon si Gel. Napangisi ako sa naisip. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko mahalin mo lang ako habang nandito pa ako sa mundo.




Gabi na ng pumunta ako sa opisina nya. Alam kong nandito pa sya. Alam kong kabastusan Ito pero hindi ko naman sya pipilitin. Alam ko namang hindi sya tatangi sa akin. Napangisi ulit ako. Sana nga. Sana nga hindi nya ako tanggihan ngayon. Tsk.



Hindi na ako kumatok at pumasok na kaagad. Napa angat naman ang tingin nya sa akin. Nagtataka. Kaya ko ba 'to? Pano kong mas lalo ko lang syang mabastos? Pero Ito naman lagi ang solusyon sa problema diba? Ito nga yong napapanood ko sa TV eh.


"Bakit?" Napahinga sya ng malalim.

Lumapit ako sa kanya at napalunok. Ano ba ang uunahin kong gawin? At tsaka bakit parang nabubulyaso ang plano ko ngayon? Bad trip. Titig na titig lang sya sakin. Nagtataka.

"M-mag-usap t-tayo" bakit ang tanga ko sa part na nautal ako?

Kahit nagtataka ay tumayo sya at sya na mismo ang lumapit sa akin.

"Ano namang pag uusapan natin?" She licked her lower lips. Mas lalo mo lang akong binibigyan ng kasalanan alam mo ba yon? Gusto ko yung sabihin sa kanya.


"I like you" deretso kong sabi. Lumambot ang titig nya sa akin.

"Alam mo namang hindi pwede diba? Ano nalang ang sasabihin ng mama mo? Luke naman. Kong pwede pigilan mo nalang yan please" her eyes are begging me to stop. Oh sorry love but I won't stop.

"J-just allow me to love you. May sakit ako. Mawawala rin ako. Kung mawala na ako ay wala kanang titiisin. I'm aware of my status kaya payagan mo akong mahalin ka." My voice broke like a glass. Tumingin sya sa mga mata ko.


"Yun na nga yung problema eh" nabasag din ang Boses nya. What? Hindi ko sya maintindihan.

"Luke. May sakit ka. Pag hinayaan kitang mahalin ako ay alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili kong mahalin ka rin" umiiyak na sya ngayon habang sinasabi yun sa akin.


"Hindi kita maintindihan" I reach her hands.




"Pagminahal kita ibig sabihin hindi ko kayang mawala ka. At hindi ko kayang iwan mo ako. Hindi ko kaya" my mouth shut. Kaya ba ayaw nya akong mahalin kasi masasaktan sya pag umalis ako? My tears fall. Bakit ako pa ang biniyayaan ng sakit na ganito? Ang hirap mag mahal.


"Ngayon pa nga lang hulog na hulig na ako sayo eh. Tapos ngayon sinasabi mong mahalin kita? Pano kita mamahalin kong alam kong iiwan mo rin ako pagkatapos? Hindi ko kaya. Yung mga gamot mo hindi tumatalab" napahawak sya sa dibdib nya. I fucking hate my life. Napalunok ako para pigilan ang nakabara sa lalamunan ko.



"Sinabi ko sa mama mo na hindi na tumatalab. Kaya hindi sya pumupunta dito kasi ayaw ka nyang makita. Ayaw ka nyang makitang nahihirapan. Akala mo ba hindi ko alam na sumasakit yang ulo mo lagi? Hindi kita kayang mahalin. Kasi ang hirap hirap hirap mong mahalin." I feel numb. Hindi ko rin kayang nasasaktan sya sa harapan ko. Gusto kong punasan ang mga luha nya pero hindi ako makalapit sa kanya kasi parang pinako ako sa kinatatayuan ko. I feel like I am a curse.


"Nagalit ako ng hinalikan mo ako kanina kasi ang akala ko ang hindi pa napuputol yong lubid na nakatali dyan sa puso mo. Pinipigilan ko talagang mangyari yun. Pero wala na. Naputol na at ngayon hindi mo na mapigilan ang sarili mong aminin sakin ang nararamdaman mo" hindi parin tumitigil ang mga luha nya as well as mine.


"Gusto lang kitang m-mahalin" and for the first time na sabi ko sa kanya kong anong gusto ko na malabong pag bigyan nya kasi nga mawawala naman na ako.

I don't want to go yet. I want to feel how to be love first. I want to have my own family first with the woman I love the most. Pero bakit parang napaka hirap naman gawin? Bakit ako pa?



"So please lang luke. Stop what are you feeling right now towards me." Nagmamakaawa nyang sabi.

"H-how can I?" I hissed.


"Hindi ko alam" nanghihina nyang tugon.



"How can I save my self when I'm already drowned?" I smiled bitterly.

"Luke" iyak nya sabay yakap sa akin. I know. Hindi nya rin kayang pigilan ang nararamdaman nya. Kasi sino ba tayo? Tao lang tayo at napakalakas na kapangyarihan ng pagmamahal para pigilan.


"I don't want to go. Ayaw kitang iwan. Gusto kitang yakapin. Gusto kitang halikan. Pero hindi ko magawa" I cried. Mas humigpit ang yakap nya sa akin.


"Hindi ko magawa kasi ang hirap"





To be continued

I'm inlove with my patient (Medical series 2)Where stories live. Discover now