Chapter 3

30 6 0
                                    

"Doc, maraming salamat talaga at tinanggap mo ang anak ko" si Mrs. Ty na ngayon ay nasa labas na nang office ko kasama ang asawa nya.


"Walang ano man po yun. Nasan napo pala sya?" Tanong ko nang mapansing wala sya dito.

"Nasa loob pa ng office mo doc, pero wag kang mag alala doc, sinabihan na sya nang papa nya na sumama sayo mamaya sa private room nya" pagpapaliwanag nya pa.

Napatango tango lang ako.


"Pano ba yan doc, mauna napo kami marami pa kasi naming pupuntahan."


"Sige po Mrs. Ty ako na po bahala sa anak nyo."


"Babalik din naman kami bukas" paninigurado nya pa na parang pinapahiwatig na hindi ko kakayanin ang anak nya kaya babalik sya.


Ngumiti lang ako at umalis na sila.


Pumasok na ako sa office at naabutan syang natutulog sa sofa. Pinakatitigan ko ang mukha nya habang tulog sya, maamo naman pala ang mukha nya, nag susungit sungitan siguro. Tsh.

Naglakad ako patungo sa table para mag basa nang mga Info's nya na kailangan Kong malaman, I mean nabasa ko na naman to pero hindi ko alam Kong bakit ko binabalik balik nang basa.

Tumingin ako sa relos ko, 6:00 pm na pala, nagpadala pa kasi ako nang pera sa kapatid ko kanina kaya natagalan ako tapos yung ibang student nurse na hindi alam ang gagawin ay ako rin ang nagtuturo paminsan minsan pag wala ang senior nila, close kasi kami ni Doc. Garcia which is ang senior nila at pag wala Ito ay ako ang pumapalit sa kanya sa kagustuhan ko naging makapagturo, busy din kasi yun si Doc. Garcia sa session nya sa psychiatrist nya.

Mag di dinner na pala. Ang bilis talaga nang oras, parang kanina lang nakikipag away ako sa asungot nato. Inirapan ko sya habang natutulog sya.

"I can feel your smirk at me Lady" bigla syang nagsalita pero nakapikit parin ang mata nya bahagyang naka awang ang labi ko sa narinig. Iminulat nya ang mata nya.

"Bakit mo ako iniirapan?" Takang tanong nya nanakataas pa ang isang kilay, nagpapa cool, akala nya naman kung sinong cool eh para namang adik, sa earrings nya parang para talaga syang adik.

"Tinititig titig mo dyan? Sagutin moko bakit mo ako iniirapan habang natutulog ako ha?" Damn among isasagot ko? According to a lawyer denying is the best way to win.

"Anong iniirapan, hindi ah" pag de deny ko na nagpangisi sa kanya, okay hindi sya naniniwala sayo Angela.

"Talaga?"

"Oo naman, bakit naman kita iirapan abir at kung inirapan kita Pano mo naman makikita eh nakapikit ang mata mo" pagdidipensa ko pa sa sarili ko. Hindi ako magpapatalo sayong bakulaw ka no.


"Napanaginipan ko na iniirapan ma ako bakit may problema ka ba don?" Maangas nyang tanong. Ano daw? Napanaginipan? Seryoso ba sya.?

I rolled my eyes, wala akong future sa pakikipagtalo ko sayo.

"Nagugutom na ako" biglang sabi nya kaya napalingon ako sa kanya at napataas nang kilay. Bakit hindi sya ang kumuha nang pagkain nya? May kamay naman sya.

"Huyy sabi ko gutom na ako" pag uulit nya pa.

"Bakit hindi nalang ikaw ang kumuha nang pagkain mo?" Sarkastiko Kong sabi sa kanya.

"Bakit Hindi ako ang kumuha? Baliw kaba? Ikaw ang doctor ko kaya dapat ikaw ang kumuha." Pakikipagtalo nya pa. Ahh ganon.


"Ikaw na nga ang nagsabi diba? Doctor mo ako at hindi maid kaya ikaw ang kumuha nang pagkain mo kasi ikaw naman ang kakain. Iniwan ko sya sa office at lumabas na para kumain sa canteen. Nagugutom narin ako. Haaa kitams hindi sya nakaimik sakin kanina. Akala nya mag papatalo ako sa kanya.



Pagkatapos Kong kumain ay bumalik na ako sa office, isang oras din ako bago natapos ang dami kasing chika nitong mga katrabaho ko eh na ngayon lang rin naging free dahil nga sa sobrang busy.

Pagpasok ko sa office ay naabutan ko syang nakaupo parin sa sofa at mikhang may inaantay. Tumingin kaagad sya sakin nang pumasok ako tumingin din sya sa kamay ko na wari'y may inaasahan na makikita don. Akala nya ba bibilhan ko sya nang pagkain? Bakit kasi hindi sya ang kumuha Bahala sya dyan, hindi kami bati, sinungitan nya ako kanina.


Walang imik akong umupo sa swivel chair ko at sinimulan nang magligpit syempre uuwi ako ngayun kailangan ako nang kapatid ko, hindi naman pwede na oras oras ko syang bantayan diba.?


"S-san ka pupunta?" Nagtataka nyang tanong na mukhang natatakot. Bakit naman sya matatakot.


"Uuwi na ako." Walang buhay Kong tugon.

"A-ano? Anong ibig mong sabihin? Saka hindi pa ako kumakain at saan mo naman ako balak patulugin? Dito sa sofa?" Naghehestirecal nyang tanong.

"May private room ka naman dito at kung kakain ka don ka pumunta sa canteen ipakita mo lang yung papel na binigay nang mama mo sayo kanina dahil ang ibig sabihin non ay paid ka na lahat dito" pagpapaliwanag ko.


"Palalabasin mo ako?" Hindi makapaniwalang tanobg nya.

"Wag kang OA Mr. Ty dahil gabi ngayon at may nandito lang naman sa loob nang hospital ang canteen kaya anong kinaka OA han mo dyan?"


"K-kahit na hindi ka parin pwede umalis, a-ayoko lumabas" maangas parin ang pananalita nya pero mukhang nagmamakaawa.


"Bakit naman? Wag ka ngang OA marami pa akong kailangang gawin." Lumabas na ako pero bigla nya akong hinila.

"H-hindi ko alam Kong saan ang private room ko''

Napabuntong hininga ako at iginiya sya sa kwarto nya.


"Oh ayan dyan ang kwarto mo" walang buhay Kong sabi sa kanya.


Hindi nya parin binibitawan ang braso ko na parang takot na takot syang maiwan.

"Bitiwan mo na ako at marami pa akong gagawin sa bahay" pinilit Kong kinuha ang kamay ko at nag walk out. Ano bang problema nang lalaking yun parang manyak. Tsh.



Nag drive na ako papunta sa bahay, kailangan pa ako ngayun nang kapatid ko.

To Be Continued



Hi mylabddd sana suportahan nyo ang love story nina Luke at Doctor Angela. At sana talaga magustuhan nyo maraming salamat talaga sa mga sumusupurta sakin.... Love you allll

I'm inlove with my patient (Medical series 2)Where stories live. Discover now