Chapter 11

16 2 0
                                    

                       ~LUKE~

Kinakabahan ako habang nakatingin sa papalapit nyang bulto sa akin. Why? Because today is the day. Sasabihin ko sa kanya na gusto ko sya. Aware ako kong gaano kahalaga ang bawat sandali at oras ko. Para sa isang taong mag sakit na kagaya ko ay hindi dapat sinasayang ang oras at panahon na nandyan at pagkakataon na mabuhay sa mundo.

Nakasilay na ang kanyang ngiti sa kanyang mapupulang mga labi habang papalapit sa direksyon ko. At alam kong yayayain nya akong kumain ngayon. Para akong natutunaw sa mga titig nya at kapag naririnig ko ang tinig nya ang parang lalabas na ang aking kaluluwa. Ang oa pakinggan pero ganito talaga siguro ang ma in love. Lahat gagawin mo.

"Oh Mr. Ty ang aga mo ata nag antay dito?" Nagtataka pero may sumisilay na ngiti sa mga labi nya habang nag tatanong.

"Tara k-kain" yaya ko sa kanya. Shit. Dapat hindi ako mautal. Ma d-discourage sya sa akin pag ganon. Ano ba yan unang round palang wala na akong point.

"Sige. Mukhang gutom kana nga" kahit nagtataka ay sumunod parin sya sa akin. Nauna akong mag lakad at pag dating namin sa hallway ay hininaan ko ang paglalakad para mapantayan sya. Sa mga nabasa kong article ay kailangan ko daw hawakan ang kamay nya habang naglalakad. Wala akong lakas ng loob na gawin yon. Pero na ko curios ako kong ano ang feeling ng paghawak sa mga malalambot at mala pink nyang kamay at isa pa noon ko pa talaga Ito gustong hawakan.


Lumapit ako sa kanya at dahan dahang inilalapit ang kamay ko sa kamay nya. Nang mag dikit ang mga Ito ay napa pitlag sya at nagtatakang napatingin sa akin.

"May problema ba Luke?" Nag aalala ang Boses nya. Tumingin naman ako sa kanya. Sabihin ko nalang kaya sa kanya na gusto kong hawakan ang kamay nya? Pero mukhang nakakabakla naman ata ang ganon.

"Luke okay ka lang? May masakit ba sayo?" Napa hinto pa sya at hinawakan ang braso ko at sinuri ako kong may kakaiba ba sa akin. Habang hawak nya ang braso ko ay libo libong kuryente ang dumadaloy sa sistema ko na parang magpapalunod sa akin.

Niyugyog nya pa ako.

"Luke ano ba? Mag salita ka nga? Ano bang nagyayari sayo?" Shit. Ano ba itong nangyayari sa akin. Nakatulala lang ako sa mga labi nya na parang gusto ko itong angkinin. I'm not that inosent. I watch porn for fuck sake.

Hinawakan ko ang pisngi nya at hindi nag dalawang isip na sunggaban ana mga labi nya.

Unresponsive.

But lately I can already feel her lips moving like she is responding in my rhythm. Diniinan ko ang hawak ko sa kamay nya at dahan dahan kinablit ang kamay sa may ulo nya para diinan din ang halikan namin. Her scent are so addicting. Napaawang ang labi nya ng mapagtantong hinahalikan ko sya. Hindi ako nag patinag at sinamantala ang pagkaka-awang ng labi nya at pinasok ang malikot kong dila. Pero napatigil ako nang bahagya nya akong itulak.

Nanlaki ang mga mata nya na nqpatingin sa akin. Hindi makapaniwala sa nangyari kanikanina lang sa amin.

"What do you think you're doing?" Singhal nya sa akin ng maka bawi sa pagka gulat. Anong sasabihin ko ngayon. Napalunok ako ng makita ang mga nang aakusa nyang mga mata na nakatigtig na ngayon sa akin.


"I-im s-sorry. Hindi ko s-sinasadya. Nadala lang ako." Hindi ko maintindihan kong ano ang mga sinasabi ko. Sobrang hiya na ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. Ano ba kasi yung ginawa ko.


"Nadala ka lang? Ano bang nagyayari sayo ha?!!" Hindi na nya napigilang mapasigaw. Mabuti nalang at walang masyadong dumadaan na tao kasi maaga pa. Pero napalingon parin ako sa paligid para makasiguro.


"D-dont shout please" I beg. Natatakot ako kapag sumisigaw sya. Dahil alam Kong hindi nya nagustuhan ang inakto ko sa kanya kanina.


Sinubukan kong hulihin ang braso nya para pakalmahin. Pero iwinaksi nya Ito at sinampal sa akin. Napabaling ako sa may gilid dahil sa lakas ng sampal nya.

"C-calm down please." Nakuha ko paring mag salita.

"Calm down? Baliw ka ba? Alam mo ba kong ano yung ginawa mo ha?" Galit na galit na sabi nya sa akin.


"I'm sorry" my eyes are begging.


"Kabastusan yon alam mo ba?" Mas malakas nyang sigaw. Napatingin ulit ako sa paligid, nag aalala na baka may maka rinig. It was all my fault though. Kung sana ay pinigilan ko ang sarili ko.



"Ano?!! Ha?!!! Bakit mo ginawa yun.?" Nanlilisik parin ang mga mata nya. Ganon ba talaga kasama ang halik ko para magalit sya sa akin ng ganito?



"I like you" nilabanan ko ang nanlilisik nyang tingin at walang pag alinlangan na sinabi yun.


Napasabunot sya sa sarili nyang buhok dahil sa frustration.


"Baliw kana ba luke? Kaya ba walang nag tatagal na doctor sayo kasi ganyan ka?!" Namumula na ang tenga nya sa galit.

Napalunok ako sa mga sinabi nya. I see. Hindi nya ako kayang magustuhan. At bakit ko pa nga ba naisipan na sabihin sa kanya? Sigurado naman ako na mataas ang standard nya sa isang lalaki. At ako? Isa lang akong walang kwenta na hanggang ngayon ay nakakapit parin sa magulang. Ni hindi ko kayang alagaan ang sarili ko tapos nangangarap pa ako na mamahalin nya ako? Siguro isa nga talagang kahibangan ang aminin sa kanya ang nararamdaman ko.



Napa atras ako at tuluyan ng tumakbo pabalik sa kwarto. Agad kong sinuntok ang pader dahil sa galit. Galit ako. Galit ako sa sarili ko. Bakit ba ako ganito? Sana ay Malaya ako ngayon sa lahat ng gusto kong gawin. Sana ay Malaya akong mahalin ang babaeng gusto ko.

Noong una palang alam kong hindi nya matatanggap ang pagmamahal ko pero pinilit ko parin.

Ngayon hindi ko na alam kong Pano sya harapin ulit.

Siguro ide deny ko nalang ang nararamdaman ko? Hindi ko alam.

Hindi ako makahinga.

Wala akong maintindihan.

Bakit sa akin pa? Bakit ako pa ang binigyan ng ganitong sakit?

Marami naman dyang iba na mas masama pa ang ugali sa akin.

Hindi kita maintindihan. Napaangat ang tingin ko sa kisame.

Bakit ako ang pinarusahan mo?

Hindi ko mapigilang itanong sa kanya ang mga katagang iyon habang unti- unting lumalabo ang paningin ko.



To be continued

I'm inlove with my patient (Medical series 2)Where stories live. Discover now