Kabanata 9: Pain

419 10 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Thursday

Matapos kumain ng agahan ay pumunta si Elaina sa kanyang kwarto. Ramdam pa rin nya ang sakit. Mabigat sa pakiramdam. Inabala na lamang nya ang kanyang sarili sa pagtitiklop ng kanyang mga damit.

Ipapatas na sana nya ang kanyang mga damit na nakalapag sa kanyang kama ng marinig nya ang pagbukas ng pinto. Tinapunan niya ito ng tingin at iniluwa nito ang kanyang Ate Jade. Mahaba ang hanggang bewang nitong buhok at medyo may kaputian rin. Sa kanilang magkakapatid siya ang pinakanakakahawig nito, ayon sa sinasabi ng kanilang mga kamag-anak.

"Sipag ah," puri nito kay Elaina. Bahagya naman syang napangiti nang marinig ang sinabing iyon ng kanyang ate.

"Wala 'to, Ate. Magulo lang talaga ang damitan ko kaya nagtiklop ako ng damit", tugon naman niya. "Bakit nga po pala kayo nandito?"

Napahinga naman ng malalim ang kanyang Ate Jade bago ito nagsalita. "Di naman sa nanghihimasok ako sa relasyon nyo ni Marco pero nakita ko kasi syang kasama nya yung babaeng kulot ang buhok tas mapu--

" Okay lang sakin," tipid niyang tugon.

Tumaas ang kaliwang kilay ng kanyang Ate. "Aba, di maari iyon. Ikaw ang girlfriend nya. Dapat di ka pumapayag na loko--

" Wala na kami ate," pigil naman ni Elaina dito at itinuon na lamang ang atensyon sa mga tinitiklop niyang damit.

Nanlaki namang bigla ang mga mata nito sa narinig at parang di makapaniwala sa nangyari. "Kailan pa?"

"Last week ate," naiiyak na sagot naman ni Elaina.

" Eh patay pala sakin yung gag* na yun. Anong karapatan nyang saktan ang kapatid ko." Inilislis niya paitaas ang manggas ng kanyang damit at napatayo na para bang kung sinong susugodin.

Pinaka ayaw nya kasi na naaapi ng kung sino ang kahit sino sa kanyang mga kapatid. May mga pagkakataong sya pa ang nangungunang manugod noon nung naging biktima ng bullying ang kapatid nilang si Jennica sa school noon.

" Ang totoo nyan. Ako ang nanakit at nang-iwan." Nangingilid na ang mga luha ni Elaina kaya naman tumingin siya sa itaas upang mapigilan ito.

Binalot ng katahimikan ang paligid. Naguguilty kasi ang kanyang ate sa sinabi nito. Di nya alam na hiwalay na pala silang dalawa.

"Okay ka lang ba, sis?" Umiling lamang sya sa sinabi ng kanyang kapatid. Maya-maya ay naramdaman na lamang nya na niyakap sya nito.

"Teka, ano bang tinitingnan mo dun sa itaas?" tanong nito.

"Ah, wala Ate, uh --ano..."

"It's okay to cry, sis. Wag mong kimkimin yan. Mas maganda kung ile-let out mo yang emosyon mo. Cry hard but don't settle from that pain, okay? "

Napasinghap sya ng hangin. Hindi niya inaasahan ang mga salitang iyon ng kapatid. Madalang silang mag-usap sa kanilang bahay kaya di nya iyon inaasahan.

"Alam mo, andito lang ako, makikinig ako sa'yo. Kaya anuman rason mo sa break up nyo, just keep it right there." Itinuro nito ang kaliwang dibdib niya--ang kanyang puso.

"... and if handa ka nang pag-usapan yun, I'm willing to listen to your rants or anything. Katukin mo lang ang pinto ko sa kabilang kwarto, ha?"seryosong sabi sa kanya ng kanyang ate.

Napahagulhol naman sya ng iyak ng marinig ang sinabi ng kanyang kapatid. Pakiramdam nya kasi ay may karamay sya sa problemang kinakaharap nya sa ngayon.

*******

Nakaupo si Elaina sa kanyang kama nang malala niya ang sinabi ng kanyang kapatid na si Jade.

Tumingin siya sa itaas upang mapigilan ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Yan naman talaga ang kanyang ginagawa. Pero di sya nagtagumpay. Kaya naman hinayaan na lamang niya ang kanyang sarili na umiiyak.

Ambigat sa loob. "Parang ang bilis naman nya akong palitan sa puso nya." Yan ang naisip nya ng mga panahong iyon. Lubha syang nalulungkot dahil parang balewala lang sa kanya ang halos apat na taong pinagsamahan nila.

Ngunit agad din itong nawala sa kanyang isip nang mapagtanto niyang siya nga pala ang unang sumuko at nang-iwan. Bigla namang sumagi sa kanyang isipan nang maalala ang mga pangarap na binuo ni Marco para sa kanilang dalawa.

Flashback

Masayang nakaupo ang magkasintahang sina Marco at Elaina sa lilim ng puno sa Community Park. Pinagmamasdan nila ang mag-asawa at ang apat nitong mga anak na nasa bandang kaliwa nila. Nakaupo sila sa floral black blanket habang masayang pinagsasaluhan ang mga pagkaing dala-dala.

"Gusto ko pag-pinakasalan na kita. Mas madami pa sa kanila ang magiging anak natin." Napatitig si Elaina kay Marco at ngayon nya napansin na kakaiba ang sayang ipinapakita nito sa kanya ngayon kumpara nung una silang magkakilala. May pagkamasungit kasi ito dati.

"Oh, natulala ka naman dyan. Siguro ngayon mo lang napansin na gwapo 'tong boyfriend mo no?" mayabang na sabi nito sa kanya habang nakangisi.

"Ang hangin mo ah." Hinampas naman nya ito ng mahina. "Utot mo," pabiro pang sabi niya dito.

"Anong masasabi mo sa higit sa limang anak, "untag nito kay Elaina. .

"Bakit parang andami naman yata? Ayoko nga!" protesta naman nito.

" Sige ka, kung ayaw mo maghahanap na lang ako ng iba." Napakunot naman ang noo niya bago nagpasyang tumayo.

"Edi maghanap ka ng iba !" sabi niya bago nag-walkout. "Grabe sya ah. Dahil lang dun, iiwan nya ako?"naiinis na sabi niya sa sarili.

" Labs, sorry na. Joke lang naman yun eh." Sa halip na huminto ay mas binilisan nya pa rin ang paglalakad at bahagyang napapatakbo na.

Napatigil sya at lumingon upang tingnan kung nasalikod pa nya nito. "Buti na lang nilubayan nya ako. Kung gusto nyang maghanap then go maghanap--ay itlog ng butiki! Napapikit sia nang maramdaman may bilang bumangga sa kanya. .

" I love you. Happy 3rd Anniversary," rinig niyang wika ng isang pamilyar na boses. Ibinukas niya ang kanyang mga mata at nagulat sya dahil nasa harapan na agad niya ito.

'Papaanong--ambilis naman nyang tumakbo? '

Mas nagulat sya nang abutan sya nito ng isang bouquet ng bulaklak. Tila nabura ang inis nya kanina. At dun nya narealize na mahal na mahal sya nito at ganoon din ang nararamdaman nya dito.

Napahagulhol sya ng iyak dahil hindi na kailanman nila matutupad ang mga pinapangarap nilang pamilya ni Marco.

Napadako ang kanyang atensyon sa lumang diary na nakapatong sa maliit na lamesitang nasa gawing kanan ng kanyang kama.

Kinuha niya ito at isinulat doon ang mga nangyari ngayon. Maging ang malungkot na pagtatapos sa kung anong meron silang dalawa ni Marco.

Hinayaan na lamang niya ang sarili na umiyak ng umiyak katulad nang sinabi ng kanyang Ate. Napakasakit. Ang hirap tanggapin.

"Ito na ang huling beses na iiyak ako," yan ang isinulat niya sa pinakahuling pahina ng kanyang talaarawan.

Mistaken Blessing ✔ ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon