***
"She's fine now. Mabuti na lang at naisugod nyo po agad sya dito sa hospital," masiglang saad ng doktora.
Gumaan naman ang nakasimangot na mukha ng mag-asawang Rosales ng marinig ang mabuting balitang ito.
" Eh, yung dinadala nya?" tanong ng ama ni Elaina.
Malaki at malalim ang boses ng lalaki kaya naman kahit sino'y nagugulat kapagka naririnig sila nitong magsalita. Minsan pa nga ay natatakot din sila dahil mukhang pagalit o pasigaw ito magsalita.
"Isa pa, safe din po ang bata. Mabuti na lamang ay mahigpit ang kapit nito," dagdag pa nito habang inaayos ang nasa leeg nitong stethoscope.
"Maraming salamat po, Doktora." Tumango ng nakangiti ito bago umalis kasunod ang nurse na kasama nito.
Makalipas ang ilang oras ay ibinukas na rin ni Elaina ang kanyang mga mata. Kulay puti. Iyan ang tumambad sa kanyang paningin.
"Teka nasa la--" Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang narinig ang sigaw ng kanyang kapatid.
"Yehey! Gising ka na Ate," masiglang bungad ng kanyang bunsong kapatid na si Gela sa kanya.
"Ang h-haba po ng tulog nyo, parang si Sleeping beauty," komento pa nito bago tumakbo sa kanilang mga magulang sa labas.
Tinawag ni Gela ang mga ito upang ipaalam na gumising na ang kanyang Ate. Sa katunayan ay ngayon lamang sya nagising buhat ng dalhin sya sa ospital kahapon.
Agad namang nagsipuntahan sa kanyang tabi ang kanyang mga magulang at kapatid.
"Teka, nasaan ako?" mahinang untag niya habang pinagmamasdan ang paligid.
"Nasa hospital ka, sinugod ka namin dito. Wala ka bang naaalala?" tugon ng nakakatanda niyang kapatid.
"Bakit mo naman nagawa yun, nak?" bungad na tanong ng kanyang Mama sa kanya.
Lumapit naman ang kanyang Papa sa kanya. Magkasalubong ang mga kilay nito at nakatingin lamang sa kanya. Napapikit na lamang si Elaina nang maramdaman ang presensya nito sa kanyang harapan.
Strikto ito pag dating sa kanyang kapakanan. Kaya naman, inaasahan niya na sasampalin o kaya mumurahin sya nito dahil sa pagtatangka niyang wakasan ang lahat.
Lumipas ang ilang sandali, ngunit wala. Wala syang naramdamang mainit na palad sa kanyang pisngi. Dahil doon, ipinasya niyang buksan na ang kanyang mga mata.
Nagulat sya sa nakita. Her dad is crying in front of him. Nakaupo ito sa sahig. Hindi nya maaninag ang muha nito dahil nakayuko ito. Malinaw nya lang na nakikita ang ilang bakas ng mga luhang tuluyang bumasa sa pantalon nito.
"Pa.." mahinang tawag ni Elaina sa kanyang ama.
"Nak, alam namin na may matindi kang pinagdadaanan." Natigil ito sa pagsasalita at animo'y nangangapa ng mga salitang kanyang gustong sabihin sa anak.
"... Ngunit ang pagpapatiwakal? Hindi kailanman malulutas niyan ang problema mo." May halong pagkadismaya at kalungkutan ang boses nito.
Naapahagulhol si Elaina dahil sa kanyang narinig. Realization hits her hard. Walang kahit anong magbabago kahit na anong gawin nya. Kahit ilang beses niyang gawin iyon ay wala itong maidudulot na maganda sa kanya.
"Mahal na mahal kita anak. Wag na wag mo na uling gagawin yun ah," singit na sabi naman ng kanyang Mama na umiiyak.
Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Maipapangako mo bang di mo na uli yun gagawin, ha? "
Nakaramdam si Elaina ng awa sa kanyang mama. Namamaga at nangingitim kasi ang mga mata at medyo magulo din ang buhok nito. Halatang di ito gaanong nakatulog. Maaring kagagaling lamang din nito sa pag-iyak.
Napatango na lamang si Elaina at pumayag sa kagustuhan ng ina. Narealize kasi nya na marami na ring pinagdaanang hindi maganda ang kanyang mama. At ayaw nyang magiging dagdag problem pa sya dito.
Nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga. Naging pabigat na naman kasi sya sa pamilya.
*******
Kasalukuyang nakaupo si Elaina sa puting-puti nitong kama. Matama niyang pinagmamasdan ang kanyang ina na abalang nagliligpit ng mga damit niya. Wala sa kanyang kwarto ang mga kapatid dahil sa lumabas ito ng ospital upang bumili ng pagkain.Hindi sinasadyang nahagip ng kanyang matamlay na mga mata ang orasan na nakasabit sa taas ng pinto.
"Tanghali na pala," mahinang sabi niya sa sarili.
Saktong kakatapos lang mag-ayos ng gamit ang kanyang Mama nang dumating ang kanyang Papa.
Nagtaka si Elaina dahil nakita nyang may ibinulong ang kanyang Papa sa kanyang Mama. At halatang ayaw nitong iparinig sa iba ang kanilang pinag-uusapan.
Napa-buntonghininga siya habang pinagmamasdan ang kanyang mga magulang. Base kasi sa mga mukha at kilos nito ay parang alam na nya ang pinag-uusapan nito.
Mukha kasing problemado ang kanyang Papa habang nakikipag-usap sa kanyang asawa. At nababatid ni Elaina na tungkol sa kanya ang pinag-uusapan ng mga ito.
Bahagya namang na guilty siya dahil sa nangyari. Mukhang naabala pa niya ang trabaho ng kanyang Papa.
Ilang minuto pa ang dumaan at napagpasyahan na nilang sumakay sa hiniram na kotse ng kanyang Papa.
Hindi alam ni Elaina na ang boyfriend nyang si Marco ay kanina pang nag-aantay sa tapat ng kanilang bahay. Bumaba na sya ng sasakyan habang akay-akay sya ng kanyang Mama.
Nung palapit na sila sa may pinto ay nabigla si Elaina dahil di nya inaakalang pupuntahan sya agad ni Marco. Agad naman syang nag-iwas ng tingin.
Hanggang ngayon kasi ay mahal pa rin niya ito. At isa pa, nasasaktan sya lalo na't sya pa ang nakipag-break dito.Nabuhay naman ang pag-asa ni Marco nung makita si Elaina. Para sa kanya, may pag-asa pa para sa kanilang dalawa-- na sa pag uusap ay maisasalba pa ang kanilang relasyon. Hinuha kasi niya na nabigla lamang ang kanyang nobya sa naging desisyon nitong makipaghiwalay sa kanya.
Akmang papasok na sya sa loob ng bahay ng biglang hawakan ni Marco ang palapulsuhan ni Elaina.
"Tita, pwede po bang makausap si Elaina."
Ngunit bago pa man makasagot ang mga magulang niya ay humugot si Elaina ng lakas ng loob para makawala sa pagkakahawak nito.
Mabilis siyang kumaripas ng takbo patungo sa kanyang kwarto.
Napadapa na lamang sya sa malambot niyang kama kasabay ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mata. Hindi nya kasi maitatanggi sa sarili na nais niya itong makausap. Ilang buwan din niya iyong hinihintay. Ngunit kahit na gaano nya ka-gusto ay hindi pwede.
Kung panaginip nga lang ang lahat, matagal na niyang ninanais na makawala sa masamang bangungot na ito. Tatakasan niya ang pagkasadlak sa madilim na parte ng kanyang buhay, kung mayroon nga lamang na paraan ay gagawin niya.
BINABASA MO ANG
Mistaken Blessing ✔ ( Completed )
De TodoShe is Elaina. A hardworking student who aims to finished her studies. But her life change because of what happened to her last night while walking her way to home. Yes, she has been raped. At ang mas malala pa ay nagbunga ang pangyayaring iyon. She...