***
Tirik na ang araw sa labas at maalinsangan na rin ang paligid nunit nakahiga pa rin si Elaina sa kanyang kwarto. Kanina pa syang gising ngunit tila nanlalambot ang kanyang katawan, iniisip nya parin ang naganap kahapon.
Bumangon sya sa pagkakahiga, umupo ng nakasiklop ang mga paa habang ang likod naman ay nakasandig sa maputla at malamig na pader ng kanyang silid. Medyo masakit ang kanyang ulo dahil siguro sa hindi sya gaanong nakatulog kagabi.
Nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga. Nakokonsensya sya dahil para bang nasira nya ang masaya sanang kaarawan ng kanyang Papa
Flashback
"Happy birthday, Papa," sabay sabay nilang sabi. Lumingon ito sa kanila at lumawak ang ngiti nang makita sila. Halos mawalan na ang mga mata ito. Pumingkit na kasi ang magkabilang mata nito dulot ng abot tenga nitong ngiti dahil sa sorpresang iyon. Hindi nya inaasahan iyon mula sa kanyang mga anak.
"Akala ko talaga, nalimutan nyo na eh." Tumayo sya at tinawagan ang kanyang asawa na nasa kwarto.
Agad naman lumabas ang kanilang Mama sa may kwarto at inihanda ang hapag-kainan. Maging ito ay bahagyang nagulat din. Talagang ang magkakapatid lamang ang may alam ng sorpresang ito. Matapos iyon ay nagsimula na silang umupo sa kanya-kanyang tayo. Hindi pa man nakakaupo si Elaina sa kanyang upuan nang maramdaman nyang tila bumaligtad ang kanyang tiyan .
Mabilis syang tumakbo patungong lababo at doon ay nagsuka. Wala naman syang natatandaang masamang nakain niya kaya ganoon na lamang ang kanyang pagtataka.
Inangat niya ang kanyang mukha at sa pagkakataong iyon ay binalutan sya ng matinding kaba.
Mas lalong nadagadagan ang kabang namamayani sa dibdib ni Elaina nang tumayo ang kanyang Papa at malakas na humataw ng magkakasunod na suntok sa may pader nila sa kusina.
Napapikit sya nang mga oras iyon. Di alam ang gagawin. Nanginiginig syang napatingin sa kanyang Papa lalo na sa kamay nitong puro dugo dulot ng pagkakasuntok nito sa pader.
"B-buntis ka ba, anak?" Parang gusto na nyang umalis sa pagkakataong iyon.
Halos hindi sya makapagsalita at tila naestatwa na sa kanyang kinatatayuan.Pinagpapawisan siya ng malamig. Nangangapa ng mga salita. Alam nyang sya ang biktima ngunit di nya maipagkakailang lubha syang natatakot sa matatalim na titig ng kanyang Papa.
"H-Hindi ko po alam, Papa. Pero napansin ko pong di pa po ako dinadatnan ngayon," sabi niya sa kanyang Papa sa nanginiginig na boses." Mga ilang buwan na din po."
Napabuga ito ng hangin bago nagsalita. "Gag* talagang lalaki yun," nanggigigil na sabi ng kanyang Papa.
Napahagulhol na lamang siya ng iyak ng mga oras na iyon. Agad naman syang pinuntahan ng kanyang Mama. Naramdaman nya ang mga mainit na haplos mula sa palad ng kanyang Mama na kahit anong gawin nya ay walang magagawa para mawala ang naging bunga ng isang malaking pagkakamali.
End of Flashback
Pinunasan nya ang mga luhang kusang tumutulo sa kanyang mga mata. Ambigat ng pakiramdam nya. Para bang pinipiga ang kanyang puso ng paulit-ulit. Kinuha niya ang lumang notebook na syang nakapatong sa study desk nya.
Sa mga panahong nalulungkot sya, ito ang nagiging kasama nya. Kaibigan na nyang turing ang diary na syang regalo sa kanya nung kaklase nya nung Grade 9. Tanging bagay na nakakaalam sa kanyang hinanakit at pinakatatagong sikreto.
"Hello, Dia. May ikukwento na naman ako sa'yo." Walang ganang saad niya. Di tulad ng dati, amdami niyang chika sa diary nya.
Kinakausap nya kasi ito na para bang isang kaibigan lang at normal lang yun sa kaniya. Sa kanilang bahay kasi ay wala syang mapagsasabihan ng kanyang mga nararamdaman. Naalala nya ang winika ng kanyang ina nung isang araw. Gusto nyang magsabi, ngunit ayaw nyang makadagdag pa sa mga problema nito.
Mukhang makaluma ang disenyo ng kanyang diary. Kulay brown ito at napapalamutian nang mga puting maliliit na bulaklak ang tagliran nito.
Binuksan niya ang ika-limang pahina at doon ay isinulat nya ang mga hinanaing nya sa buhay. Napapahinto sya ng pagsulat habang patuloy ang pagtulo ng kanyang luha. Nagkalat na ang tinta ng ballpen na kanyang ipinangsulat dahil sa kanyang mga luha.
Lumipas ang ilang minuto at napagpasyahan nyang itago na ang diary sa lalagyanan nito. Kumalma na sya at parang gumaan ng kaunti ang kanyang pakiramdam. Hindi tuluyang nawala ang sakit but atleast ay nabawasan. Nahagip ng kanyang mata ang kulay puting bagay.
Tumayo siya at agad na kinuha ang pregnancy test kit na binili ng kanyang Mama. Umaasa na baka sakaling nadelayed lang sya.
Bumungad sa kanyang mga paa ang malamig na tiles ng banyo. Tila hindi nya naramdaman ang malamig na sahig na tila ba ay nasanay na ang kanyang mga paa sa pagtapak doon. Nanginginig ang kanyang kamay sa kaba at pinagpapawisan ng malamig ang kanyang noo.
Ginamit na nya iyon at halos pagsakluban sya nang langit at lupa dahil sa naging resulta nito.
May dalawang guhit na linya...
Para syang sinampal ng katotohanang nagbunga ang mapait na pangyayaring iyon.
It's positive. She's pregnant.
Muli, ay bumuhos na naman ang kanyang luha. Umupo sya sa bandang paanan ng kanyang kama habang hawak hawak ang pregnancy test kit. Pilit nyang kinukumbinsi ang sarili na hindi iyon totoo kahit pa alam nya na sa sarili ang naging resulta. HIndi lamang talaga niya ito matanggap. Napahinto sya sa pag-iyak ng marinig niya ang sunod sunod na pagkatok ng kung sino sa pinto ng kanyang kwarto.
"Ate, kakain na daw po." Walang gana nyang binagtas ang daan papunta sa tapat ng pinto. Nakatayo lamang sya doon habang umiiyak. Pilit tinatakluban upang di makatakas ang kanyang pag-hikbi habang pinipigilan ang pag-iyak.
"Ate...," muling tawag pa nito. Huminga muna sya ng malalim upang mapakalma ang kanyang boses. Hindi nya alam kung makakaya niyang makasalita ng maayos. Para kasing may nakabarang kung ano sa kanyang lalamunan. Lumunok muna siya bago nagsalita.
"Gela, pasabi kay Mama ay mamaya na lang ako kakain." Natigil ang pagkatok nito at narinig niya na lang ang mga yabag nito palayo sa kanyang kwarto.
Maaring bumaba na ito ng hagdanan patungong kusina. Sumalampak si Elaina sa may pintuan, nakatakip sa kanyang bibig ang kanyang kamay habang walang habas ang pagdaloy ng kanyang luha sa kanyang mapanglaw na mga mata.
BINABASA MO ANG
Mistaken Blessing ✔ ( Completed )
RastgeleShe is Elaina. A hardworking student who aims to finished her studies. But her life change because of what happened to her last night while walking her way to home. Yes, she has been raped. At ang mas malala pa ay nagbunga ang pangyayaring iyon. She...