***
HINGAL na hingal na napabalikwas ng bangon si Elaina sa kanyang kama. Kasabay noon ang pagragasa ng masaganang luha sa kanyang pisngi. Gabi-gabi pa rin siyang dinadalaw ng masamang pangyayaring iyon maging sa kanyang panaginip.
Napahagulhol siya ng iyak nang maalalang muli ang mapait na pangyayaring iyon. Halos magda-dalawang buwan na rin ang lumipas. Nahuli na rin at nagdudusa na sa kulungan ang lalaking lumapastangan sa kanyang pagkababae. Hindi niya batid ang pangalan nang lalaking iyon. Dating lamang kasi iyon sa kanilang lugar, mga ilang distansya lamang sa kanilang bahay. Mabuti na lang talaga at natandaan ni Elaina ang pagmumukha ng h*yop na iyon.
Ngayon, ay nasa kamay na siya ng mga pulisya. Pinagbabayaran ang kanyang kasalanan sa bilangguan. Inakala ni Elaina na magiging madali para sa kanya na nakalimutan na ang lahat, ngunit ang lahat ng iyon ay tila nagpilat na sa kanyang puso.
"Anak, ba't ka umiiyak? May masakit ba sa'yo ha?" diretsong tanong ng kanyang Mama. Di nya namalayang pumasok na pala ito sa kanyang kwarto.
"Ma.., napanaginipan ko na naman po," usal niya sa pagitan ng kanyang mga paghikbi.
Nanlulumong dinaluhan sya ng kanyang ina. Umupo ito sa kanyang tabi at pagkakuwa'y niyakap ang kanyang anak.
First year college na si Elaina, ngunit nahinto sya at di na natuloy ang kanyang pag-aaral dahil sa pangyayaring iyon. Hindi na nya binalak pumasok. Ilang buwan na lang kasi at matatapos na ang pasukan. Isa pa, nahihiya sya sa magiging reaksyon ng kanyang mga kaklase sa kanya.
"Tahan na, Nak. Makakalimutan mo rin ang lahat," mangiyak-ngiyak na alo sa kanya ng kanyang mama. Hinahaplos nito ang kanyang noo at pilit inaawat ang luhang patuloy pa rin ang pagpatak sa mga mata nito.
"Basta lagi kang magdadasal sa Panginoon, ha?" Napahinto ang kanyang Mama.
"... Kaya mo yan, Nak. Ikaw pa!" pangchi-cheer pa nito sa kanya.
Tumatango habang patuloy pa rin sa pag-iyak ang naging tugon ni Elaina. Magkayakap pa rin sila. Doon nya napag tanto na patas ang pagmamahal ng kanilang Mama sa kanilang apat na magkakapatid.
And she was guilty about it. .
Dati kasi ay lagi niyang kinaiinggitan ang mga kapatid niya. Dahil mahilig magburda ang kanyang ina at ang mga ate nito na sina Clarisse at Jade ang lagi nitong kasundo, nahinuha niya na mas paborito silang anak nito.
Mas lalong bumuhos ang kanyang luha. Bumitaw sa pagkakayakap at nagtataka siyang pinagmasdan.
"Oh, anak ba't umiiyak ka na ulit? Tahan na, aba. Magiging okay din ang lahat." Hinawakan ng kanyang Mama ang magkabilang braso ni Elaina.
"Basta kami ay nandito lang. Kapit lang, nak ha?"
"Thank you po, Ma. Sana nga po." Medyo naging mahinahon na si Elaina. Gamit ang manggas ng kanyang plain na puting Tshirt ay pinunasan nya ang luha sa kanyang pisngi. Umalis na rin ang kanyang ina sa kanyang silid. Siguro ay magluluto na ito ng kanilang hapunan. Tumingin si Elaina sa wall clock na nakasabit sa pintuan ng kanyang kwarto. Mag-aalas singko na ng umaga.
****
Maghapong nagkulong lamang si Elaina sa kwarto. Inaaliw ang sarili sa pagbuburda ng bulaklak. Ilang petals pa lang ang kanyang nasisimulan.
"Ayan nagbuhol na! Ang kulit kasi ni Angela." Tinapunan niya ng tingin ang kanyang nakababatang kapatid na si Jennica. Ngayon ay 14 years old na ito, may apat na taong agwat sa edad ni Elaina.
"Dito ka na Gela. Wag mong likutin si Ate Jennica mo." Nakahibi pa rin ang kanyang bunsong kapatid na si Gela.
"Gusto mo din bang matuto nito?" pag iiba ni Elaina sa usapan. Naglahong bigla ang nakasimangot na pagmumukha ng kanyang kapatid. She became more cheerful kaysa kanina. Excited na pinagmasdan ni Gela kung paano manahi ang kanyang ate.
At doon napagtanto ni Elaina na kaya pala gustong guluhin ni Gela ang kanyang kapatid na si Jennica dahil sa gusto din nyang ma-experience ang manahi. Ngunit dahil bata pa ay hanggang pag hila lamang ng sinulid ang pinapagawa niya dito. Anim na taong gulang pa kasi si Angela at nag-alaala siya na baka matusok nito ang sarili.
"Ako po, Ate. Ako," pagvo-volunteer ni Gela sa kanyang Ate.
Nagpatuloy silang magburda. Hindi naging madali dahil ilang araw pa lamang napapag-aralan ni Elaina ang ganoong pagbuburda. Si Jennica ang nagtuturo sa kanya, ang kapatid na sumunod sa kanya. Medyo maikli ang pasensya nito. Napapansin nya rin iyon sa mga nagdadaang araw. Sa kanilang magkakapatid, sya ang dati nyang ka-close nung mga bata pa sila.
But several things change when they hit puberty. Hindi nya alam kung bakit biglang nanlamig ang naging pakikitungo sa kanya ng kanyang kapatid. Nag-aaway sila dati minsan, pero nagkakabati din agad.
"A-ate bibigyan ulit kita neto. Anong k-kulay po?"
Umiling si Elaina at pinakita na mahaba pa ang kanyang sinulid pamburda. Tumatango-tangong ibinaba ni Gela ang sinulid. Napangiti na lamang si Elaina. Iniisip ang mabilis na paglaki ng kanyang bunsong kapatid. Dati rati ay karga karga lamang nya ito. But now, malapit na syang pumasok . Siguro ay sa paaralan na pinasukan nilang magkakapatid ito mag-eelementarya.
Curious sa maraming bagay ang kanyang kapatid. Kahit na minsan ay paulit ulit na lamang ang tinatanong nito ay di nya magawang kainisan ito. Sweet kasing bata si Gela. Ayaw nya na may magagalit sa kanya, kaya naman pasimple nyang kinukulbit si Jennica na ngayon ay nagsisimula nang mainis.
"Bakit kasi kulbit ng kulbit. Hindi ko matapos tapos to, eh!" asik ni Jennica. Natatakot man ay niyakap ni Gela ang kanyang isa pang ate. Nawala ng kaunti ang kunot na kanina ay lutang na lutang sa noo ng kapatid.
"Oo na, di na galit ang ate sa'yo." Dahan dahang kumawala si Jennica sa yakap ng nakababatang kapatid. "Sit na lang kasi sa tabi, wag makulit." Bumalik na naman sa dati ang mukha nito, na para bang lagi na lang bad trip.
"Yehey! LY Ate."
"Anong LY?" nakakunot noong tanong nito.
"Basta po, Hulaan nyo!" Tumakbo sa likuran ni Elaina si Gela.
Nung mapansin ni Gela na parang magagalit na naman ang kanyang Ate ay sinigaw nya ng malakas ang ibig sabihin nuon.
"Love you po!" Tumayo si Jennica at lumabas ng kwarto .
"Ate, galit na naman sya." Pinaliwanag ni Elaina na baka naalala nito na may gagawin pa sya sa baba. Ngunit sa loob loob niya ay ramdam nya na na-appreciate at nasiyahan si Jennica sa sinabi ng kapatid. Nakita din kasi niya ang sumilay na ngiti sa labi nito.
Bagama't sandali lamang iyon ay alam nya na hindi to nagalit.
May mga tao lang talaga na nahihiyang ipakita yung sweetness side nila, tulad ni Jennica. Sumungaw ang ngiti sa labi ni Elaina.
Tumayo sya at inunat ang katawan mula sa matagal na pagkakaupo. Maghahapon na at wala na dito ang kanyang kapatid. Marahil ay nanonood ng movie sa baba. Dumungaw sya sa labas bago isara ang bintana ng kanyang kwarto.
'Sana nga maging okay na ang lahat ngayon.'
BINABASA MO ANG
Mistaken Blessing ✔ ( Completed )
RandomShe is Elaina. A hardworking student who aims to finished her studies. But her life change because of what happened to her last night while walking her way to home. Yes, she has been raped. At ang mas malala pa ay nagbunga ang pangyayaring iyon. She...