***
Hanggang ngayon ay tila hirap pa ring mag sink-in sa utak ni Elaina ang lahat ng mga nalaman niya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isa sa mga benches sa park, walang patid ang pag-agos ng mga luha.
Halo-halo ang kanyang emosyon. Gusto nyang magalit noong una dahil itinago sa kanya ng kanyang mga magulang ang katotohanan na para sa kanya ay matagal na nya dapat alam. Ampon lang sya, yun ang kanyang hinuha.
Ngunit tila ang nagbabagang galit na kanyang nararamdaman ay biglang naglaho nang kanyang marinig ang kasunod na sinabi ng kanyang Mama. Hindi nya tunay na ama ang itinuturing na Papa nya ngayon.
But he accept her and even had so much care for her daughter, Elaina. Ni kainlanman ay hindi nya naramdamang di pala sila magka dugo. Daddy's girl kasi si Elaina, sobrang close nila dati. Mas lalo na nung bata pa sya.
Kaya nga bukod roon, sobrang nahihiya si Elaina sa mga iniakto niya dati. Pakiramdam niya ay wala syang mukhang maihaharap sa pamilya nya. Naalala kasi niya kung paano sya sumagot sa pagsesermon sa kanya ng mga magulang niya.
At higit sa lahat.. Nakokonsensya sya.
Napagawi ang tingin nya sa mga batang kasalukuyang naglalaro sa Park. "Buti pa sila masaya," bulong ni Elaina. Pinahid niya ang luhang kanina ay lumalandas sa kanyang pisngi. Bahagya syang nakaramdam ng hiya. Napapatingin kasi sa kanya ang mga taong dumaraan.
"Sis, kamusta?" Itinunghay ni Elaina ang kanyang ulo. Sinalubong siya ng nag-aalalang mukha ng kanyang Ate Jade.
Wala sa sariling napayapos sya sa kanyang ate. Umupo ito sa kanyang tabi.
" Ganoon na ba talaga ako kasama? Muntikan na syang mamatay dahil sa ginawa ko".
Nagulat man sa narinig, hindi pinahalata ni Jade ang kanyang ekspresyon dito. Bumitaw na ito sa pagkakayakap sa kanya.
"Teka, si baby Athena ba ang tinutukoy mo. Kamusta, okay na ba sya ngayon?"
Dahan-dahang itinaas-baba ni Elaina ang kanyang ulo. " Nasugod agad ni Mama sa ospital kahapon kaya naagapan."
"Paano nga ba-- I mean ano bang nangyari sa kanya nung pinapabantayan sa iyo ni Mama?"
Napakagat ito sa kanyang labi bago nagsalita." May tumawag kasi sa cellphone. I-iniwan ko sya para sagutin yon pero... " Nagsisimula na namang tumulo ang mga luha ni Elaina.
"Nagb-bleed na yung ilong niya, pagbalik ko, " pagkukwento ni Elaina sa nangyari kahapon.
Nasa trabaho ang kanyang Ate nung mga panahong iyon. Sa cellphone lamang iyon nalaman ni Jade, kaya naman kinuwento ito ni Elaina sa kanyang Ate upang maliwanagan ito.
Magmula kasi yung pangyayaring iyon ay wala na syang ibang pinagsabihan. Sinugod na rin agad kasi si Tinay patungong ospital.
"Wala kang kasalanan, sis. Hindi mo naman g-ginusto ang nangyari eh," pagpapalakas nito sa kanyang loob.
"Alam ko sa kabila ng lahat, may natitira pa ring pagmamahal dyan... sa puso mo."
Kinagat ni Elaina ang kanyang pang-ibabang labi at ipinagtapat kung gaanong napaka hirap sa kanyang tanggapin ang kanyang anak. Ni tingnan man nya ito ng matagal ay di nya magawa.
"Ate, ang hirap," panimula niya. " P-parang bumabalik sa isipan ko ang masamang pangyayaring iyon, lalo na kung nakikita ko ang batang iyon," pag-amin ni Elaina.
Nakaramdam si Jade nang habag sa pinagdadaanan ng kapatid. Hindi nya man alam kung gaano kasakit, nababanaag niya sa mga malalamlam na mga mata nito ang paghihirap nito. Batid niyang hindi rin ito masyadong makatulong sa gabi. Alam nya iyon, dahil siya minsan ang nag-aalalang pumunta ng kwarto nito lalo na kung wala sa kanilang bahay ang kanilang Mama.
Napahinga nang malalim ang kanyang Ate Jade. "Wala naman talagang madali sa simula. Alam ko hindi mo man aminin noon, hindi mo gustong iwan si Marco, no?"
"Pero tingnan mo ngayon, hindi ka na gaanong naapektuhan, sa palagay ko."
Tumango si Elaina sa sinabi nito.
" Actually, Ate ang dahilan kaya ako nakipag-break sa kanya ay...," panimula ni Elaina. Sa halos ilang buwan mula nung nagkausap sila ay hindi nya pinagtapat sa kanya ang rason nya. Bukod sa nahihiya, ayaw din nyang magbigay isipin pa dito."Ano? Spill it, Elaina. Di natin mabibigyan ng solusyon yan if di mo sinabi. Tsaka sure ka sa'kin--na trusted akong tao," mahinahong saad sa kanya ng kanyang Ate Jade.
Nasa Community park pa rin sila at di pa umuuwi buhat ng pumunta si Elaina doon. Mabuti na lang talaga at mamaya pang hapon ang duty ng kanyang Ate bilang sales clerk sa isang mall sa kanilang bayan. Dumiretso muna ito sa lugar kung asaan ang kapatid niya.
Nag-aalinlangan syang ngumiti habang nanggigilid ang luha sa kanyang mga mata.
"I'd push him away because I don't want to be a burden to him--You know, ate. Buntis ako and alam mo naman ang standards ng pamilya nya di ba?" Napayuko si Elaina. Pinunasan nya ang kanyang luha gamit ang manggas sa suot nyang damit.
Napatango na lang ang kanyang Ate. " Oo, naiintindihan kita."
"Pero uhmm... Sinabi mo ba sa kanya yun?"
"Alin, ate?"
"Na preggy ka, sis." Umiling iling si Elaina. Hanggang ngayon ay walang alam si Marco na nagka anak siya. Para sa kanya ay mabuti na iyon, wala din naman kasi syang balak ipaalam ang bagay na iyon kay Marco. Ayaw na nyang guluhin ang tahimik nitong buhay.
" Elaina, alam mo, mga what if's lang kasi yung naiisip mo eh. Paano kung matatanggap ka naman pala." Napatigil si Elaina at tila natamaan sa sinabi ng kanyang ate.
Masyado nga ba syang nagpadala sa pag-ooverthink? Ano na kaya sila ngayon kung hindi niya naisipang hiwalayan ang lalaking mahal niya? Magawa kaya niyang tanggapin ang lahat? Maging katulad din kaya siya ng kanyang Papa na tinanggap ang lahat dahil mas nanaig ang pagmamahal nito sa kanyang Mama? Ayan ang napakaraming tanong na tumatakbo sa isipan ni Elaina.
Mga bagay na hindi nya naisip noon dahil napangunahan sya ng kanyang pansariling emosyon at nang kanyang nakaraan.
Napasabunot si Elaina sa kanyang buhok. "Sa tingin mo, pinarurusahan Niya ako kaya nangyayari ang mga bagay na ito?"
Mabigat ang kalooban ni Elaina. Hindi nya kasi maintindihan ang nangyayari sa kanya. Puno ng katanungan ang utak niya.
" Haysst.. Kaso nakaraan na yun, Elaina eh. Alam ko masakit na kalimutan sya. And just like nung sinabi ko sayo dati, just cry," payo nito sa kanya.
" I know it cannot erase what happened to you in the past, but it somehow ease the pain." Hinahagod ng marahan ni Jade ang likod ng kanyang kapatid.
Mas napahagulhol si Elaina dahil sa sinabi ng kanyang Ate .
" Higit sa lahat sis, pray. Hindi man sa ngayon, pero alam kong makakaya mo ang lahat ng nararanasan mo ngayon. Hindi ile-let ng Lord na lagi ka na lang masasaktan."
Sabi nga, " Lahat ng bagay na nangyayari laging may rason behind it." Pilit pinapalakas ni Jade ang loob nito.
"Ano pang silbi ng pagiging ate ko kung di kita matutulungan." Nag-usap pa sila ng kaunti bago tuluyang umuwi sa kanilang bahay.
BINABASA MO ANG
Mistaken Blessing ✔ ( Completed )
De TodoShe is Elaina. A hardworking student who aims to finished her studies. But her life change because of what happened to her last night while walking her way to home. Yes, she has been raped. At ang mas malala pa ay nagbunga ang pangyayaring iyon. She...