Kabanata 14: Unexpected

592 10 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

After three years...

" Mama, aalis na po ako at baka malate pa ako sa school." Ibinigay na muna ni Elaina ang kanyang anak na si Athena sa kanyang Mama bago patakbong pumunta ng kanyang kwarto upang kunin ang mga bag at libro niya.

"Elaina, nak." Napalingos sya rito bago buksan ang main gate ng kanila ng bahay . Napangiti naman sya ng makitang nagbababye sa kanya si Athena.

"Babye din sayo Athena. Papakabait ka ha?" sabi naman niya habang iwiniwave ang kamay.

Napangiti na lang sya bago pinara ang dyip at sumakay paloob.

Hindi naging madali kay Elaina na kalimutan agad ang kanyang nakaraan. May mga times na gabi gabi pa rin siyang umiiyak. Kung pede nga lang na i-delete yung memory na yun sa utak nya ay matagal na nyang ginawa. Ngunit hindi.

Napakahirap.

Tangi nyang pinanghahawakan ang mga sinasabi sa kanya ng mga tao sa paligid nya. Matatapos din ang lahat. Makakaahon din sya sa madilim na parte ng iyon nang kanyang buhay. Nakatulong din ang pagkonsulta niya sa isang psychiatrist. It is true that even a small steps, still a progress.

She tried everything to forget his past. Sinunog niya ang damit na suot niya nung araw na iyon, maging ang kanyang diary. Pinunit niya at sinunog ang isinalaysay niyang pangyayari patungkol sa malagim na gabing iyon at ang iba pang mga bagay nagpapaalala sa kanya doon. Maybe, because it helps her to move forward, a starting point to eliminate those bad memories for her is just by burning things associated to it.

Finally she did it. Pero kahit ganoon pakiramdam niya ay may kulang..

Napabuntong-hininga na lamang sya nang malala ang mga pangyayaring iyon. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tingnan kung anong oras na.

"Hay.. Buti na lang at maaga pa," bulong niya sa sarili at ipinalsak na lang ang earphone sa kanyang tainga.

Ngayon kasi ang unang araw nya sa eskwela. She started a new career as an accountancy student in a state university na malapit sa kanilang lugar.

Hindi siya kagalingan sa math pero naniniwala sya na makakaya nya. Ang magtrabaho sa isang kompanya at magbilang ng mga salapi, natatandaan nya ito yung nilalaro niya nung mga bata pa lamang sila, kasama na yung mga pinsan nya. Kumbaga, ito yung pinaka-pangarap niya noong bata pa sya.

And yung nursing na kinuha nya last 4 years? Actually, kagustuhan yun ng kanyang ama para sa kanya. At dahil ayaw nyang madis-appoint ito, she agreed to him na yun na lang yung kukuhaning course.

Isa pa yun din kasi yung mostly na kinuha ng kanyang mga kaibigan sa school, pati na yung bestfriend niya na si Jenny.

Bumibilis ang takbo ng dyip. Humawak sya sa hawakan o railings sa taas upang ma-secure ang sarili na hindi mahulog o mapa-sandal sya sa katabi. Nakailang beses na rin kasing nangyari sa kanya ang mga ganon bagay. At hindi iyon nakakatuwa. Hiyang hiya sya pag nasusuong sa ganoong worst scenario. Another good thing, natuto na sya sa pangyayaring iyon.

Mistaken Blessing ✔ ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon