= CHAPTER 32 =

23 2 2
                                    

GREYSON KIRT POV

Dalawang araw na nakalipas since mag usap kami ni Jk at ngayon andito ako sa hospital naka confine sobrang nanghina kasi yung katawan ko pag uwi ko galing sa pag uusap namin ni Jk buti na lang tulog si Steph nun kaya hindi niya ako nakita, nagpahatid lang ako sa driver nun tapos kinabukasan ko na sinabi kay Steph na umalis ako dahil may kailangan akong gawin sa school na importante kaya hindi na ako nakapag paalam sa kanya sobrang dami niya pang tanong pero buti nasagot ko naman lahat... andito ako ngayon sa room ko nagpapahinga lang wala pa kasi sila mommy eh pinapunta ko talaga sila dito para makasama ko sila sobrang kumalat na kasi talaga yung cancer cells ko and kahit uminom ako ng gamot hindi na tinatanggap ng sistema at katawan ko kaya sobrang ramdam ko na yung panghihina at sakit... nagpapahinga lang ako nung may biglang pumasok sa room ko mga pinsan pala ni Steph.

Kamusta ka Grey ? ~ Tanong ni Kuya Austin niya sakin

Ito kuya medyo hirap na talaga haha ~ Natatawa pero nanghihinang sabi ko

Hindi mo talaga ipapaalam kay Steph dude ? ~ Tanong ni Chase sakin sa lahat ng kuya ni Steph siya talaga yung pinaka close ko dahil na din siguro siya yung laging bantay ni Steph at siya yung kasama ko pag inaatake ako, siya din nagdadahilan kay Steph pag nawawala na lang ako bigla

Hindi ko alam dude hindi ko pa kayang makita siya na masaktan nanaman dahil sakin ~ Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa kanila

Pero deserve ni Steph na malaman dude, mas mahihirapan lang siya pag nabalitaan niya na nawala ka na.... ~ Biglang salita ni Jeff sakin, bukod sa parents ni Steph isa din siya sa mga doctor ko... siya din yung nag asikaso ng medical records ko na hiningi ni Steph sa mommy niya

I know pero hindi ko alam kung saan magsisimula... hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na aalis at mawawala nanaman ako sa buhay niya pero hindi na ako babalik kahit kelan... hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na wag masaktan pag iniwan ko nanaman siya, natatakot ako makitang gumuho nanaman yung mundo niya dahil sakin... natatakot ako na makitang yung mga ngiti niya unti-unting napapalitan ng lungkot at sakit ~ Mahabang paliwanag ko sa kanilang lahat

Bro, yung sakit at takot hindi naman mawawala lalo na sa sitwasyon na meron kayong dalawa ngayon pero i think she deserve to know the truth para na din panatag siya pag nawala ka na, wag ka na mag alala kay bamby andito kaming lahat para alagaan at bantayan siya... hindi namin siya pababayaan kung yan lang inaalala mo, marami kaming andito para damayan siya sa lahat ng sakit, andito lang din kami para pasiyahin siya at ibalik yung ngiti sa mga mata at mukha niya, hindi mo kailangan mag alala Grey dahil kahit hindi mo sabihin gagawin namin yung kailangan para sa bunso namin ~ Sabi ni kuya Austin sakin ng may lungkot sa boses niya

Alam ko naman yun kuya kaya nga panatag ako na iwanan siya ng maayos kasi alam kong kahit mawala ako at hindi na bumalik meron siyang kayo na pwede niyang kapitan at takbuhan ~ Sagot ko sa kanila habang nakatingin

Yun naman pala dude eh kaya wag mo na patagalin at kausapin mo na si bamby, ayoko lang namin na may pagsisihan kayong parehas dahil pinangunahan kayo ng takot ~ Biglang salita ni Ian sa gilid lahat kasi sila andito hindi ko alam pero kahit paano nakaramdam ako ng totoong kaibigan at kapatid sa kanilang lahat feeling ko hindi ako mag isa sa laban na to kahit lagi silang nakabantay at epal minsan samin ni Steph ahahaha

Kung ayaw mo sabihin ako na lang magsasabi basta bili mo ako BTS merch ahahaha ~ Biglang singit ni Calvin kaya binatukan ni Xian itong dalawa na to laging nagpipikunan buti na lang hindi nila kasama si Steph kundi nagkagulo na ahahaha

Tanga ka ba ? Ikaw ba si Grey ah ? Agaw eksena ka dyan eh dun ka nga puro ka BTS eh ~ Sabi ni Xian sa kanya pagkatapos siyang batukan hahaha sabi na eh mag uumpisa na sila ahahaha

Your Eyes TellWhere stories live. Discover now